Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » » Dingdong at Jennylyn, nagpakilig kahit may mga djowa

Dindong Dantes and Jennylyn Mercado





Nagsimula na noong Lunes (Marso 2), ang mas pinaagang kilig at saya ng mga Kapuso viewers gabi-gabi dahil mapapanood na pagkatapos ng 24 Oras ang Philippine adaptation ng Descendants of the Sun sa GMA Telebabad. 

Dahil ito sa request ng avid viewers ng primetime series na mapanood ng mas maaga ang paborito nilang serye na pinagbibidahan nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes bilang Captain Lucas Manalo at Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang Dr. Maxine dela Cruz. 

Lalong kakikiligan ang mga susunod na eksena sa pagitan nina Big Boss at Beauty sa serye, pati na rin ang mahusay na pagganap ng cast sa kani-kanilang mga karakter. 

Impressed nga ang mga netizens sa remake ng GMA sa hit koreanovela na gabi-gabing usap-usapan online. 

Komento ng netizen na si Jacob, “Nakaka-proud yung DOTSPH kasi tumatagos din sakin yung hirap na ginagawa nila. Clap clap clap.” 

Huwag palalampasin ang mas tumitinding mga kaganapan sa Descendants of the Sun gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA.

*****

Tambalang Katrina Halili at Wendell Ramos, malakas ang dating  sa fans ng Prima Donnas


Kinakikiligan ngayon ng Kapuso viewers at netizens ang tambalan nina Wendell Ramos (Jaime) at Katrina Halili (Lilian) sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas. 

Pilit mang pinagbabantaan ng kung anu-ano ni Kendra (Aiko Melendez), tadhana pa rin ang nagdadala para magkalapit ang loob nina Jaime at Lilian na pabor na pabor naman sa mga masugid na tagasubaybay ng show. 

Biro pa nga ng isang netizen, “Buti pa si Lilian may knight in shining armor at savior. Pero si Kendra nightmare lang.” 

Hinangaan din ng karamihan ang husay sa pagganap ni Katrina bilang isang malumanay pero hindi papaapi na ina nina Mayi (Jillian Ward), Ela (Althea Ablan), at Lenlen (Sofia Pablo). 

Dagdag pa ng netizen na si Risa, “Ang galing ni Katrina dito. Ang husay niya talaga pagdating sa drama. Di lang pala kontrabida ang kaya niya, pati pala maging bida. ‘Yan ang tunay na artista!” 

Samantala, walang dudang nakatutok ang buong sambayanan sa serye dahil patuloy itong humahataw sa TV ratings mula Lunes hanggang Sabado. 

‘Wag nang magpahuli sa mga kapana-panabik na eksena sa Prima Donnas, mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Magkaagaw at tuwing Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.


*****

Voltes V: Legacy ng GMA 7, magsisimula na

Dinumog ng excited fans ang post ni Direk Mark Reyes patungkol sa live action adaptation ng anime series na pinamagatang Voltes V: Legacy na mapapanood sa GMA Network. 

Sa Instagram post kasi ng tanyag na direktor ay opisyal nang sinisimulan ng Kapuso Network ang preparasyon para sa much-awaited program na ito. 

Isa ang Voltes V sa pinakahinangaan at sinubaybayang palabas na talaga namang naging parte ng childhood ng mga bata noong dekada ‘80s at ‘90s. 

Bukod sa world-class cinematography at interesting plot, curious na rin ang karamihan kung sinu-sino ang mapapabilang sa cast nito. Tutok lang sa GMA sa ibang updates tungkol sa Voltes V: Legacy.

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply