During the GMA Affordabox blogcon, nag-share si Dingdong Dantes at Heart Evangelista ng lockdown stories nila about their kakaibang experience nila sa mga hayop sa bahay.
Bagaman may kalakihan at nasa sosyal na subdivision which is Bel-Air ang bahay nina Dingdong at Marian ay may malaking daga na naeencounter si Dingdong sa bahay nila.
"May mutual respect na kami, kasi dati talagang tinatalikuran ko siya," natutuwang kwento ng 'Descendants of the Sun' star. Kaya na daw niya makipagtitigan sa daga, yung tipong standoff ng several seconds. Pinakiusapan din daw niya itong huwag sirain ang mga sapatos niya.
Si Heart at Dingdong at experience nila sa pusa at daga |
Ang soshalerang si Heart naman na mahilig magpost ng OOTD ay pinasok ng paniki kanyang home. "I don't wanna kill the bat but I'm afraid of bats then nakita ko yung pusa ko nakaabang," kwento niya.
May pusa kasi siya na galing talaga sa jungle so siyempre intact ang hunter instinct nito at kumakain ng usual prey ng feral cats like birds. Napasegue tuloy si Heart bago mapagpatuloy ang kwento tungkol sa bat, about ito sa day before kung saan she gave CPR sa ibon using a straw kasi naguilty siya at inatake ng cat niya.
Nahulog ang bat, tumama sa fan, at kinain ng cat, despite sa pagtataboy niya and the kids s sa cat. "The bat survived but ngayon the cat is under investigation," sey niya.
Kayo, may mga naging kaibigan ba kayong hayop dahil sa lockdown?
Nangunguna na diyan ang 'It's Okay Not to Be Okay' na episode 1 pa lang eh beautiful and mysterious ang dating with its magic realism.
Ang 'Yu Yu Hakusho' na kilala sa ating country as Ghost Fighter, at parte na rin ng childhood of many Batang 90's, ay kasama na din sa anime na available sa streaming giant. Speaking of animated stuff, ang 'A Whisker Away' na may Studio Ghibli feels is also a new animated feature na must-see and about ito sa girl na may crush kay boy and para mapalapit siya she will use a mask para maging cat.
Sa mga nabitin sa mababaw na time travel ng katatapos recently na 'The King: Eternal Monarch' ay siguradong masasatisfy sa new season ng German science fiction thriller na 'Dark'.
Sa mga gusto magtipid, may mobile option ang Netflix na sa mobile device ka lang pwede manood pero Php149 lang ang babayaran mo.
Comments