Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » Frankie Pangilinan: Gandang may Paninindigan na Lumalaban

Frankie Pangilinan


 Frankie Pangilinan, daughter of famous parents Megastar Sharon Cuneta and Senator Kiko Pangilinan, has blossomed into a tough young lady. Sa murang edad, aktibo na si Frankie sa social media pero in fairness, makabulahan ang mga puntong dini-discuss niya. 


Gandang may tapang at lumalaban
She’s been vocal about her views on political and social issues. What’s amazing is that she is only 19 years old! For a teenager to be socially and politically aware of what’s going on around her and to show concern for others in need speaks volume of her character and what she is destined to become in the future.

Recently, naging laman ng balita ang panganay nina Sharon at Sen. Kiko dahil sa kanyang reaksyon to a news report of a social media post from a police station in Lukban, Quezon that was victim-blaming women, na diumano’y dapat iwasan na raw ng mga babae ang pagsuot ng pagkaikli-ikling damit para hindi mabastos. 
  Kinontra ng dalaga ang pahayag na ito at sinabing hindi dapat palitan ang mga kasuotan ng mga kababaihan kundi ang kaisipan ng mga kalalakihan na huwag magbigay ng malisya at mag-isip ng masama sa mga babae. Dito nag-uugat aniya ang rape. sabi ni Frankie: "Stop teaching girls how to dress?? Teach people not to rape”.

Sinundan naman ito ng mga post ng beteranong radio broadcaster/ journalist na si Ben Tulfo na tinawag pa si Frankie na “hija” at “the wannabe smart alec” at sinabi pang “Sexy ladies, careful with the way you dress up! You are inviting the beast”. 

Frankie with mom Sharon
Denepensahan naman ni Frankie ang kanyang stand against Mr. Tulfo’s post at sinabi na the way anyone dresses should not be deemed as an opportunity to sexually assault them.

This battle has gone a long way. 

Frankie on the other hand has gotten many supporters especially from women all over the world standing up and fighting for the right to be heard against rape, sexual assault and other similar cases. Rape is a heinous crime!(True!-Ed)

It is not about what a woman wears or how she dresses up. It is about a man’s character, his morals. The way he thinks. If he puts malice and has the intent to rape a woman regardless kahit ano pa ang suot nito -- gagawin pa rin ng salarin.

Habang may malisya at maduming kaisipan ang isang tao, patuloy na magkakaroon ng krimen na rape. At ito ang punto na ipinaglalaban ni Frankie! 


Frankie is matapang at may paninindigan
Eto na, sa gitna ng kontrobersiya nina Frankie at Ben Tulfo, isang nagngangalang Sonny Alcos ang biglang bumulaga sa social media. Nag-comment ang may edad nang lalaki sa isa sa mga posts na kung 12 yrs old daw lamang siya, hahanapin daw niya si Frankie para I-rape. At hindi daw siya makukulong dahil sa batas na ginawa ng tatay ni Frankie na Juvenile Justice Law. Kakalokah to the highest level ang taong ito!

Pero hindi ito pinalampas ni Sharon. Sa tindi ng galit ng Megastar, hina-hunting ni Sharon ngayon ang taong ito para papanagutin ang super libelous niyang threat kay Frankie. Sumabog sa galit si Sharon, at sa kanyang Instagram posts, napag-alamang London based pala ang taong ito.

Nakasampa na sa DOJ ang pormal na reklamo kay Sonny Alcos at ang latest ay na identify and at na trace na daw nila ang kinaroroonan nito.

Because of her strength of character, hindi maiiwasang maikumpara si Frankie sa ibang teenagers na tila walang ginawa kundi kumutkot ng gadget o magpasaway sa kanilang magulang.

She has become a brave and intelligent young lady who is not afraid to face the world because she knows how to play the game of life.

Hindi rin siya ‘yung takaw atensyon. Low key lamang ang dalagang ito, nagkataon lang na may mga punto siyang ipinaglalaban.Kaya boooom! (Mabuhay ka Frankie!-Ed).



«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply