Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » Enzo Manzano: Pinalaki ng ama sa ibang pamamaraan

Enzo Manzano


 Nasa pagpapalaki ng magulang kung ano man ang kahihinatnan ng kanyang anak paglaki.Tulad sa disiplina at pamamaraan ng aktor na si Edu Manzano, madami ang humanga sa anak niya na si Enzo Manzano nang mag-isa ito nag-potesta laban sa "Anti Terror Act na isinagawa ng binata sa New york city kamakailan.

Natutuwa ako kapag ang mga anak ay may sariling paninindigan. At least mayroon silang mga balls tulad na lang halimbawa sa kaso ni Enzo na anak ng aktor at dating modelo na si Rissa Samson.

Nasorpresa ang marami sa recent protest na isinagawa ng binata mag-isa sa harap ng United Nations HQ at Philippine Embassy na pinanindigan ang kanyang paniniwala laban sa panunupil sa karapatan ng tumbayan kapag naipasa ito at napirmaha ni PDuterte na kapag naisakatuparan ay dagdag “kapangyarihan” ito sa kanya na ang mga magpo-protesta ay pwede hulihin at ikulong kahit warrant less.
 
Enzo and his dad

Bitbit ang sariling gawa na protest placard, si Enzo ay hinangaan ng milyon-milyong Pilipino na lumalaban sa Anti-Terror Act. Matapang ang binata. Nakasulat sa placard na hawak niya ang mensahe in bold black text na: THE PHILIPPINE GOVERNMENT IS DESTROYING MY COUNTRY'S DEMOCRACY! HEAR US NOW (BEFORE IT'S TOO LATE).

 Ang amang si Edu naman ay walang kamalay-malay sa ginawa ng anak. Nagulat na lang ito nang makita ang IG posting ng binata.

Bongga ang opinion ng actor sa ginawa ni Enzo. Sa panayam ng manunulat na si Gory Rula sa radio station DZRH, pinalaki ni Edu ang mga anak niya sa isang liberal na pamamaran reason kung bakit bukod sa mga open-minded at may sariling opinion, matatapang at may paninindigan ang mga ito.

Edu with kids:Luis, Addi and Enzo

To quote Edu na sinasabi niya palagi sa mga anak:” ‘Kung meron kayong gustong sabihin, sabihin ninyo.’ Which is a good training para maging vocal ang mga ito sa nararamdaman at nasa sa isip nila. 

Sa isinagawa ni Enzo na solo protest, ang mga girls, lalo siya hinangaan. Sa katunayan, siya ang bagong “Crush ng Bayan” aside from Pasig City Mayor Vico Sotto.



Sa kaalaman ng mga interesado ay Fab ang educational background ni Enzo. Nag-aral sa Xavier School at La Salle noong elementary at DLSU noong college just like his dad na true-blue Lasalista. Achiever si Enzo tulad sa diskripsyon ng ama. Noong college ito, si Enzo ay Dean’s Lister na nang mag-decide ipagpatuloy ang graduate studies ay nag-aral ito sa UCLA in Los Angeles, Caifornia in the United States.

Yes, binata si Enzo, not committed ang puso kung kanino man.Interested?

P.S. Sexy ni Enzo huh!



«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply