Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Dina Bonnevie




 Sulit ang ilang buwan na pamamalagi sa bahay ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday actress na si Dina Bonnevie dahil naka-bonding niya ng matagal ang mister na si Ilocos Sur Representative DV Savellano.
Dina and husband Ilocos Sur Rep DV Savellano
“Paggising sa umaga, immersion kami ng asawa ko sa Bible. Parang we made it to a point to study the Bible. We started during the time. Hindi lang 'yung reading, talagang inaaral namin.

“After that, bababa na 'ko, luto na 'ko ng lunch. Pagkatapos ng lunch, tulong sa hugas-hugas ng pinggan and then akyat na, compu-computer.” 

Marami rin daw siyang natutunan na lutuing mga bagong putahe habang nasa bahay. 

“Tapos 'yung mga niluluto ko pinapadala ko sa Valle Verde, pinapadalhan ko si Danica (Sotto). Si Danica naman, padadalhan niya 'ko ng mga bine-bake niyang bread,” kuwento pa ni Dina.




*****

Marami ang humanga sa award-winning Kapuso actress na si Therese Malvar nang magtapos siya bilang salutatorian sa high school.

Therese Malvar
Natanggap din niya ang special award na Best in Entrepreneurship. Nagbunga talaga ang pagsisikap ni Therese na pinagsabay ang regular school at tapings.
Kahit hindi nagkaroon ng actual graduation ceremony si Therese, ipinagdiwang pa rin ng kanyang pamilya ang latest achievement ng dalaga. 

Ayon sa post ng ina ni Therese na si Cherry Malvar: “Congrats baby girl. You made us proud! Since hindi na sila nakapagpa-grad picture and graduation ceremonies, I just captured this video earlier during card distribution with sariling sikap scoring.”

Pinaghahandaan naman ngayon ni Therese ang pagkuha ng film course sa college.
*****
Music daw ang naging dahilan kung bakit naka-cope sa kanyang anxiety ang singer na si Ricky Martin noong magkaroon ng quarantine.

“Pretty much I was going through the grief that everybody was going through. You know, the way things were are no more, so obviously that activated what I now call anxiety. I never had to deal with this in my life... so I locked myself in the studio.”
Ricky Msttin with husband Jwan Josef
Nakabuo raw si Ricky ng bagong album sa ilang buwang quarantine. May title ito na Movement or Movimiento.

Kasama ni Ricky during quarantine ay ang kanyang mister na si Jwan at ang apat nilang anak.

“Jwan is an amazing father. We talk with honesty, especially to the twins… They 


have a lot of questions and we just answer with honesty and transparency… and they feel protected.”

*****

Mas tumaas ang respeto ni Neil Ryan Sese sa bike couriers ngayong naranasan na rin niya ang pagde-deliver sa pamamagitan ng pagba-bike para sa kanyang seafood business.

Neil Ryan Sese
 Sa isang documentary ng Padyak Exploration, ibinahagi ni Neil ang kanyang buhay bilang isang food courier gamit ang bike sa paghahatid ng mga order.

Ayon pa sa aktor: “Unang-una, nakakataba talaga ng puso na nakakatulong ako sa kanila, sa mga rider. Kasi noong una talaga, noong first few weeks nila, 'yung isa parang naluha pa noong malaki 'yung kinita niya e. First day niya, PhP850, parang ganun. At least 'yung ganung bagay parang fulfilling ba na nakatulong ka sa tao.”

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply