Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Sharon, may isyu na naman kay KC

Sharon Cuneta and KC Concepcion



 Megastar Sharon Cuneta once again poured out her sentiments days ago via her IG live as she spontaneously talked about issues concerning her and her family. Recently, Sharon was facing controversies as she came to her daughter Frankie Pangilinan’s defense after being cyberbullied by a certain Sonny Alcos. Dito na nagsimula ang pag-apela ni Sharon na pakinggan at sana ay unawain ang kanyang hinaing lalo pa’t anak at asawa na niya ang tinitira ng mga detractors nila sa pulitika. It’s a known fact that Senator Kiko Pangilinan belongs to the Liberal Party pero si Sharon ay mayroon ding koneksyon sa mga Duterte dahil itinuturing niyang kaibigan ang Pangulong Rodrigo Duterte at si Davao City Mayor Inday Sarah Duterte-Carpio. 
 
Ano kaya ang dahilan at deadma lang si KC?

Her parents’ stand and connection in politics doesn’t stop Frankie from having her own political conviction, views and opinions. Sa edad na 19, maagang namulat si Frankie sa pulitika. She outspokenly writes her thoughts and speaks her mind on social media platforms na talaga namang malaki ang impluwensya lalo na sa mga kabataan ngayon.

Dito rin makikita na malaya si Frankie na ihayag ang saloobin. Ayon pa kay Sharon, her daughter has her own mind at hindi nila dinidiktahan ang kanilang mga anak sa kung ano ang gusto o ayaw nilang paniwalaan sa nangyayari sa paligid.

Being Frankie’s mom, Sharon knows very well kung kanino nagmana ang anak sa pagiging outspoken at pagkakaroon nito ng interes sa usaping pulitika. Siyempre, bukod sa Senador ang ama ni Frankie na si Sen. Kiko, malaking bahagi rin ng katauhan ni Sharon and kanyang amang si Mayor Pablo Cuneta .

Sabi pa ni Ate Shawie, baby pa man daw si Frankie nu’ng mawala ang Lolo Pablo niya, pero nasa genes na nila ang public service. ‘Yun malamang ang namana ni Frankie. Wala man siya sa pulitika pero naipapa-abot niya sa tao ang gusto niyang sabihin concerning our country’s social and political issues. 

May tampuhan na naman ang mag-ina
Hindi natapos ang mga bashers sa pag-lambast kay Frankie. They shamelessly compare her to KC Concepcion (Frankie’s elder sister) who is Sharon’s eldest daughter from her first husband Gabby Concepcion. Grabe pa ang mga salitang ginagamit ng mga ito laban kay Frankie, kawawa talaga si bagets.

Dito na umalagwa ang luha ni Mega at umapela kay KC. “I wish Ate (KC) would say something and come to the rescue of everybody…I wish Ate would come out and say, “Stop doing this to my Mom and my sister.”

“At the same time I don’t want her to get involved because I know they’ll pick on her.” agad pang bawi ng Megastar.

Silence from KC’s end may be misinterpreted by others but it’s the only way to be at peace in this mad world.




Frankie Pangilinan: Gandang may Paninindigan na Lumalaban

Frankie Pangilinan


 Frankie Pangilinan, daughter of famous parents Megastar Sharon Cuneta and Senator Kiko Pangilinan, has blossomed into a tough young lady. Sa murang edad, aktibo na si Frankie sa social media pero in fairness, makabulahan ang mga puntong dini-discuss niya. 


Gandang may tapang at lumalaban
She’s been vocal about her views on political and social issues. What’s amazing is that she is only 19 years old! For a teenager to be socially and politically aware of what’s going on around her and to show concern for others in need speaks volume of her character and what she is destined to become in the future.

Recently, naging laman ng balita ang panganay nina Sharon at Sen. Kiko dahil sa kanyang reaksyon to a news report of a social media post from a police station in Lukban, Quezon that was victim-blaming women, na diumano’y dapat iwasan na raw ng mga babae ang pagsuot ng pagkaikli-ikling damit para hindi mabastos. 
  Kinontra ng dalaga ang pahayag na ito at sinabing hindi dapat palitan ang mga kasuotan ng mga kababaihan kundi ang kaisipan ng mga kalalakihan na huwag magbigay ng malisya at mag-isip ng masama sa mga babae. Dito nag-uugat aniya ang rape. sabi ni Frankie: "Stop teaching girls how to dress?? Teach people not to rape”.

Sinundan naman ito ng mga post ng beteranong radio broadcaster/ journalist na si Ben Tulfo na tinawag pa si Frankie na “hija” at “the wannabe smart alec” at sinabi pang “Sexy ladies, careful with the way you dress up! You are inviting the beast”. 

Frankie with mom Sharon
Denepensahan naman ni Frankie ang kanyang stand against Mr. Tulfo’s post at sinabi na the way anyone dresses should not be deemed as an opportunity to sexually assault them.

This battle has gone a long way. 

Frankie on the other hand has gotten many supporters especially from women all over the world standing up and fighting for the right to be heard against rape, sexual assault and other similar cases. Rape is a heinous crime!(True!-Ed)

It is not about what a woman wears or how she dresses up. It is about a man’s character, his morals. The way he thinks. If he puts malice and has the intent to rape a woman regardless kahit ano pa ang suot nito -- gagawin pa rin ng salarin.

Habang may malisya at maduming kaisipan ang isang tao, patuloy na magkakaroon ng krimen na rape. At ito ang punto na ipinaglalaban ni Frankie! 


Frankie is matapang at may paninindigan
Eto na, sa gitna ng kontrobersiya nina Frankie at Ben Tulfo, isang nagngangalang Sonny Alcos ang biglang bumulaga sa social media. Nag-comment ang may edad nang lalaki sa isa sa mga posts na kung 12 yrs old daw lamang siya, hahanapin daw niya si Frankie para I-rape. At hindi daw siya makukulong dahil sa batas na ginawa ng tatay ni Frankie na Juvenile Justice Law. Kakalokah to the highest level ang taong ito!

Pero hindi ito pinalampas ni Sharon. Sa tindi ng galit ng Megastar, hina-hunting ni Sharon ngayon ang taong ito para papanagutin ang super libelous niyang threat kay Frankie. Sumabog sa galit si Sharon, at sa kanyang Instagram posts, napag-alamang London based pala ang taong ito.

Nakasampa na sa DOJ ang pormal na reklamo kay Sonny Alcos at ang latest ay na identify and at na trace na daw nila ang kinaroroonan nito.

Because of her strength of character, hindi maiiwasang maikumpara si Frankie sa ibang teenagers na tila walang ginawa kundi kumutkot ng gadget o magpasaway sa kanilang magulang.

She has become a brave and intelligent young lady who is not afraid to face the world because she knows how to play the game of life.

Hindi rin siya ‘yung takaw atensyon. Low key lamang ang dalagang ito, nagkataon lang na may mga punto siyang ipinaglalaban.Kaya boooom! (Mabuhay ka Frankie!-Ed).



Frankie Pangilinan: Ibang-iba sa kanyang ina

Frankie Pangilinan



 Simone Francesca Emmanuelle Pangilinan or for short Frankie Pangilinan or even shorter Kakie, upfront and straight to the point young lady who would go head to head to anyone if she believes that her stand is right. I think she started pointing out her opinions more in public when she just had her debut. It is perhaps the age where she could be more responsible with her ideas and give the right judgment to whatever cause she is fighting for. Remember her stand when her parents were involved in a comment made by the President regarding their marital status? So, like I said, she will exhale that thoughts who ever she’s talking to just to make her point. 

Frankie is very independent

Lately, she was again the highlight of every online news portal when she takes on with the influential broadcaster Ben Tulfo regarding “Rape Culture.” The exchanges of tweets made the people interested, siguro half ng mga tao is interested on the issue but the other half ay interesado sa kung ano ang naging batuhan ng mga tweet ng dalawang prominenteng tao. Dun mas naging interesting ang balita but for Kakie kahit sino pa man ang kapalitan nya ng salita she definitely will make a stand on what she believes. And it is her stand that’s thought by a lot of people. Imagine sa age na 19 who would have thought of someone who will air something about this rape culture issue na hindi naman nya naranasan. For someone who would go that far and make a point is someone who got the balls to do it, kahit wala naman siya nito. Ito ang isa sa kanyang mga tweet “STOP TEACHING GIRLS HOW TO DRESS?? TEACH PEOPLE NOT TO RAPE.” 

Frankie vs. Ben Tulfo
Saan nga ba nanggaling ang ganitong personality ni Kakie, ang uri ng attitude na palaban, the strong unwielded personality? Well, I'm not really sure if it is from her genetic family line, which both sides who have been in politics, or the influences from her environment where she grew up. So, kung saan man yan nanggaling, one thing is for sure she knows what she's doing. 

Frankie: Ibang-iba kay Sharon

Pwede naman natin tingnan ng much closer kung saan siya nagmana ng kanyang pagiging palaban. First with her mom, Sharon Cuneta. Well kahit sino namang nanay palaban talaga pero let us try to compare Sharon nung kasing edad pa nya si Kakie. If you’re a Sharonian you’ll definitely know kung sino si Sharon before. So I checked the world wide web kung ano ang mga ginawa ni Sharon at the age of 18 or 19. So one, she’s already a celebrity that time and take note with lots of fans. Two, she did marry Gabby Concepcion, her love team, and ginawa nila ng pasekreto. So basically, it is all about showbiz and her love life. Unlike Kakie who is by the way thinking more about the different issues of the country and liberating ideas, and for one is about the “Rape Culture.” Well siguro today is much different sa time ni Sharon.

As for Kakie’s Dad, Senator Francis "Kiko" Pangilinan, nagmana ba si Kakie sa kanya? Well, siguro because of what Kakie has been hearing and seeing from her dad. Pero to compare both of them on the same age, well Senator Kiko is an ace athlete, a medalist during his high school and college days. Looking at Wikipedia’s info about Senator Kiko, he won as Councilor of the UP University Student Council in 1985 under the party SAMASA, which is a student activist group. I think some of the activist that time went ‘desaparacido’.  
So, what do you think where does Kakie got that personality? But we all know she’s different from her parents, she’s palaban and truly stands on what is right. 
\

Regine: Ipinagtangol ni Mega

Regine Velasquez
Hindi napigilan ng mga tagasuporta ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid ang patulan ang pamba-bash sa kanilang idolo. 

Isa sa sa mga sinagot nila ay ang wala raw napapabalita na tumutulong ang aktres sa panahong ito na  may krisis dulot ng COVID-19. 

Sabi ng mga fans niya, hindi raw mahilig magyabang si Regine kahit tumutulong ito. Tahimik lang daw siya kung magkawanggawa. Hindi raw siya katulad ng iba na palaging bino-broadcast ang pagtulong.

Sharon and Regine, tahimik na tumutulong

Pinatunayan naman ito ng Megastar na si Sharon Cuneta nang magpost siya sa kanyang social media account. Iniisa-isa ng aktres ang mga artista at kaibigan niya na matatawag na mga superhero sa mga panahong ito. Kasama sa listahan niya sina Angel Locsin, Marian Rivera, Sarah Geronimo at Regine Velasquez-Alcasid. 

Angel Locsin,: Darna minus ang bato ni Ding

Sa post na ito ng Megastar ay malaking sampal ito sa mga nanlalait kay Regine. Marahil ay matatahimik na sila. Kay Regine naman, deadma lang siya sa mga ganitong isyu. Sa katunayan, may source kami na nagsasabing patuloy ang pagtulong niya sa mga frontliner. Bukod dito, palagi siyang kumakanta sa mga benefit shows online. 





Sharon, Angel, Goma: Tulong-tulong sa panahon ng epidemya

Sharon, Angel and Mayor Richard




Megastar Sharon Cuneta didn’t take some of the netizens’ comments lightly regarding her not helping the frontliners and those who are in need as we continue to fight the battle with Covid-19. Bago pa uminit at tumaas ang balitang dumarami ang nangangailangan ng PPEs (personal protective equipment), pagkain, gamot, at iba pang basic needs, may ilang nagtatanong at tila kini-kwestyon ang pananahimik ni Sharon. 


Sharon Cuneta and Sen. Kiko Pangilinan
While other celebrities are posting all the activities they do to help our hunger- stricken kababayans and frontliners especially in Luzon, Sharon has been quietly doing her part. Ito ay pinatunayan mismo ng mga taong pinagtanggol siya matapos ang pamba-bash hindi lang sa Megastar kundi pati na rin sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan. Say ni Sharon, hindi niya ugaling ipaalam kung ano man ang itinutulong niya, ganoon din si Sen. Kiko. “Hindi kasi kami mahilig mag-press release ng asawa ko. Lahat naman kami. 

Malalaman niyo din.” Malungkot man sa mga puna sa kanila, patuloy naman ang paulan ng biyaya ni Mega sa mga nangangailangan. They gave thousands of kilos of fresh organic vegetables (bilang may farm sila ni Sen. Kiko) and hot meals to frontliners. Hindi lang yan, the Office of Senator Francis Pangilinan is linking farmers affected by the enhanced community quarantine to consumers in the city to ensure that farmers still have income and their products are not wasted. ‘Yun na!


*****

Si Angel Locsin ang unang “nagbunyag” na bukod sa mga naunang tulong na naipamahagi ni Sharon gaya ng mga pagkain, gamot etc. nagbigay din si Mega kay Angel ng whopping 3 million pesos bilang donasyon sa proyekto ni Angel na #UniTentWeStand. Nagbibigay sila ng mga tents para gamitin as sleeping tents for frontliners or isolation tents at sanitation tents para sa mga ospital sa Metro Manila at kalapit bayan sa Luzon.


Angel Locsin
Mas maigi na ang bawat ospital ay merong karagdagang isolation tents to prevent overcroowding dahil dito maaring ilagay ang mga persons under monitoring (PUM) at persons under investigation (PUI), and this is what Angel and her fiance Neil Arce continue to work on.

 Bukod sa isolation tents, may mga gamot pagkain at relief goods ding ipinamamahagi si Angel sa mga frontliners at mga naapektuhang pamilya ng pandemic na ito. Siya nga ang tunay na Darna sa gitna ng krisis at kalamidad. Ikaw na, girl!

*****

Ormoc Mayor Richard Gomez
Mayor Richard Gomez celebrated his birthday last April 7, but what made it more special was that it was a working birthday for him. Ibig lang sabihin, kahit espesyal na araw ito kay Mayor Goma mas inuna pa rin niyang maglingkod sa mga kababayan niya lalo’t mainit ang covid scare sa bansa ngayon. He has been busy the previous days making sure na lahat ay may isang kabang bigas delivered in 110 barangays in Ormoc City. He spent his evening with family and knowing Ormoc is Covid-19 free to this day, is something Mayor Goma is very thankful for.


KC Concepcion: Pinagmamalaki ang katawan at boobs

KC Concepcion



 KC Concepcion now more comfortable with her body that she doesn’t care whatever she pose on her instagram account. Yes, ang simpleng dalagita noon ni Mega Star, Sharon Cuneta ay nagiging daring na sa kanyang mga fashion statement. Kung naalala nyo last year ay nagsimula na syang magpost ng mga daring photos sa kanyang IG account. Isa sa kanyang mga ipinost ay yong halos kalahati ng kanyang dibdib ay kita na. Sabi nga she’s exposing more skin now.

Just a few weeks ago ay nagtrending na naman ang lola dahil sa kanyang ipinost na appreciation sa mga frontliners. The intention was good unfortunately yong suot nya ang hindi naging appropriate sa kanyang ipinost at dahil dito ay umani na naman sya ng mga bash sa mga netizens. Alam nyo naman, marami pa ring Maria Clara dito sa Pinas.


Sexy KC na may ipagmamalaki

Tama naman siya sa kanyang sinabi na katawan nya yon at wala tayong paki kung ano man ang kanyang gawin. Walang basagan ng trip. E sa trip nya yon gawin eh.

So ano nga ba etong pinagkaguluhan na post sa IG? Well ang sabi sa post ay cyber applause para sa mga frontliners. Parang tulad ng panawagan ng isang TV Station na palakpakan natin ang mga frontliners tuwing hapon tanda ng ating pagsuporta sa kanila. Siguro ito yong bintana ni KC na sure syang mas marami ang makakakita ng kanyang palakpak. Teka alin ba talaga ang pumapalakpak yong kamay o yong boobies nya? Anyway panoorin nyo na lang sa kanyang IG account.

Sharon, umayuda kay Angel

Sharon Cuneta-Angel Locsin





Nag-donate ng sanitation tent si Megastar Sharon Cuneta sa New Bilibid Prison at si Angel Locsin mismo ang nagbuking sa pagtulong na ginawa ni Sharon kahit ayaw ng megastar na ipaalam ang ginawa niya.


Pero dahil overwhelmed si Angel sa pagtulong na ginawa ng Megastar, hindi na rin napigil si Angel na ipabatid ang tulong na inihandog ni Sharon. Hindi lang isang sanitation tent ang maido-donate ni Angel thru Sharon’s donation.


Mga tunay na Darna sa panahon ng COVID-19
Hindi naman ugali ni Sharon na i-broadcast ang kanyang pagtulong. Sapat na sa kanya na siya ay pasalamatan for kindness and generosity.

Patunay lamang ito na maraming artista ang generous at genuine sa kanilang pagtulong kahit na ayaw naman nila itong ipaalam sa mga tao. Pero hindi mo rin naman maiiwasan kung ‘yung mga taong nakatanggap ng tulong ang magsalita tungkol dito bilang appreciation sa unexpected help na kanilang natanggap.

Pero hindi lang naman si Sharon ang naghandog ng tulong kundi pati rin ang kanyang mister na si Sen. Francis Pangilinan. Bumili itong mga gulay mula sa mga vegetable vendors from Baguio na kanyang ipinamamahagi as cooked sa mga frontliners.
Maraming mga celebrities ang tumutulong in their own quiet way para sa mga frontliners who are risking their lives para makatulong sa mga COVID-19 patients sa iba’t-ibang mga ospital.

*****

Dahil sa Covid-19, maraming scheduled shows and concerts ang na-postponed. Dahil sa social distancing na umiiral, bawal muna ang mga large gatherings like shows and concerts dahil hindi natin batid kung makakasama natin sa isang event ay positive or negative sa Corona Virus.

Mas mabuti na ang mag-ingat. Isa pa, hindi naman natin gugustuhin na tayo pa mismo ang maging dahilan para kumalat ang virus.


“All Music: Artists at Home Sessions” performers
Pero may naisip na paraan ang ABS-CBN music para makapagbigay ng kasiyahan via “All Music: Artists at Home Sessions,” isang daily concert series na ang layunin ay makalikom ng additional donations para sa “Pantawid ng Pag-ibig” campaign.

Handog ng mahigit 60 artist sa mga manonood at tagapakinig sa bahay ang libreng musical performances 8pm gabi-gabi sa Facebook at YouTube pages ng Star Music, MYX, MOR 101.9, One Music PH, and TFC, pati na sa iWant.

Kabilang sa mga unang nag-perform noong April 1 sina Lani Misalucha, DJ/singer Ana Ramsey at si Jake Cyrus kasama sa DJ Cha Cha


Sinundan naman ito ng mga batang Pinay vocalists na sina Zephanie, Ianna Dela Torre, at Jayda nitong Huwebes (April 2) kasama naman si MYX VJ Ai bilang host.

Noong Biyernes (April 3), naghandog ng mga awitin sina Miguel Odron, JMKO, at Kakai Bautista kasama si DJ Jhai Ho.


DJ Jhai Ho
Tampok din ang iba pang mga mang-aawit sa “All Music: Artists at Home Sessions” na sina  Janine Berdin at Ryle Santiago kasama si DJ Maki Rena noong  April 4; at sina Kyle Echarri, KD Estrada, at Sam Mangubat kasama si MYX VJ Dani last (April 5).

Dapat ding abangan sa mga susunod na araw sina Angeline Quinto, Dingdong Avanzado, Erik Santos, Jamie Rivera, Jessa Zaragoza, Inigo Pascual, Kiana Valenciano, Moophs, Morissette, at iba pang Kapamilya artists.

Kamakailan lang, nagsama-sama rin ang mga Kapamilya singer sa pag-awit ng “Ililigtas Ka Niya,” kung saan ang makukuhang royalties mula sa recording ng kanta ay ido-donate rin sa “Pantawid ng Pag-ibig” program.


Sharon, biktima ng COVID-19

Sharon Cuneta, another victim of COVID-19




Dahil sa Covid-19 ay maraming trabaho ng mga artista ang apektado. Tulad nalang ni Sharon Cuneta na hindi ligtas. Sa kanyang IG account ay ibinihagi ng Megastar na by this time ay dapat nagso-shooting sila ng kanyang first movie this year sa Denmark.

Kaya lang daw ay nagkaroon daw ng problema sa partner’s ng producer ng Denmark film niya kaya the project was scrapped.
Dahil sa coronavirus shooting sa Denmark, delayed

Sa presscon ng contract signing niya sa ABS-CBN last January ay ibinalita ni Sharon na she is supposed to do four movies this year. Dapat nga raw ay lima ito kaya lang under negotiation pa ang isang movie project kaya di pa niya ito pwedeng banggitin.

Tapos hindi rin natuloy ang supposed to be concert tour niya sa Australia. Pati ang US tour ng Iconic concert nila ni Regine Velasquez ay posibleng hindi rin matuloy.

Gusto man daw niyang ituloy ang kanyang real estate business ay hindi rin niya magawa dahil hindi naman siya pwede mag-ikot para tumingin ng possible properties na pwede niyang bilhin and then sell later on.

Ayon pa kay Sharon, passion daw niya ang real estate na natutunan niya sa kanyang yumaong ama. Kumita siya sa pagkanta at pag-aartista pero ang yumaman siya sa real estate.

Sharon is urging everyone to pray na sana ay makatuklas na ng gamot that can cure the Corona virus.

*****
Nag-donate ang Regal Entertainment ng one million pesos para sa Covid-19 crisis through ABS-CBN.

“It is in our extreme consciousness to be able to help our fellow Filipinos in this time of crisis. Let's all fill love for each other and positivity to overcome this crisis,” pahayag ng Regal Family sa statement na inilabas nila sa media.

Una na rito ay nag-donate ang ABS-CBN ng P100 million bilang tulong sa mga taong apektado ng Covid virus.

May ibang celebrities na rin na nagpahatid ng tulong tulad nina Bela Padilla.

Robib, patuloy ang gawa para sa mgakababayan
Samantala, ipinagtanggol naman ni Robin Padilla si Quezon City Mayor Joy Belmonte. Sabi ng action star, naniniwala raw siya kay Mayor Joy. Hindi naman daw lahat ng bagay (he probably meant modes of action) ay nakikita sa social media.

Silang dalawa raw ni Mariel, bukod sa pag-aayos ng kanilang mga empleyado, ay may ginagawa rin para sa ibang tao na hindi nila pino-post sa social media.

“Let’s give her a break. Iba-iba ang style ng mga mayor,” sabi pa ni Robin sa kanyang IG account.

Hindi naman siguro maba-bash si Mayor Belmonte kung may nakita ang mga taga-Quezon City na agarang action. Hindi naman kailangan na ilagay ito sa social media. Mas importante na nakikita ng mga tao na may kumikilos para maghandog ng tulong o kaya naman mayroon silang pwedeng makausap regarding any concern na apektado sila.

May ibang lugar pa rin na hindi nabibigyan ng tulong, not only in QC, but in other places as well. Gusto lang naman ng mga tao ng assurance na mayroon silang maasahan.