Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » Sharon, Angel, Goma: Tulong-tulong sa panahon ng epidemya

Sharon, Angel and Mayor Richard




Megastar Sharon Cuneta didn’t take some of the netizens’ comments lightly regarding her not helping the frontliners and those who are in need as we continue to fight the battle with Covid-19. Bago pa uminit at tumaas ang balitang dumarami ang nangangailangan ng PPEs (personal protective equipment), pagkain, gamot, at iba pang basic needs, may ilang nagtatanong at tila kini-kwestyon ang pananahimik ni Sharon. 


Sharon Cuneta and Sen. Kiko Pangilinan
While other celebrities are posting all the activities they do to help our hunger- stricken kababayans and frontliners especially in Luzon, Sharon has been quietly doing her part. Ito ay pinatunayan mismo ng mga taong pinagtanggol siya matapos ang pamba-bash hindi lang sa Megastar kundi pati na rin sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan. Say ni Sharon, hindi niya ugaling ipaalam kung ano man ang itinutulong niya, ganoon din si Sen. Kiko. “Hindi kasi kami mahilig mag-press release ng asawa ko. Lahat naman kami. 

Malalaman niyo din.” Malungkot man sa mga puna sa kanila, patuloy naman ang paulan ng biyaya ni Mega sa mga nangangailangan. They gave thousands of kilos of fresh organic vegetables (bilang may farm sila ni Sen. Kiko) and hot meals to frontliners. Hindi lang yan, the Office of Senator Francis Pangilinan is linking farmers affected by the enhanced community quarantine to consumers in the city to ensure that farmers still have income and their products are not wasted. ‘Yun na!


*****

Si Angel Locsin ang unang “nagbunyag” na bukod sa mga naunang tulong na naipamahagi ni Sharon gaya ng mga pagkain, gamot etc. nagbigay din si Mega kay Angel ng whopping 3 million pesos bilang donasyon sa proyekto ni Angel na #UniTentWeStand. Nagbibigay sila ng mga tents para gamitin as sleeping tents for frontliners or isolation tents at sanitation tents para sa mga ospital sa Metro Manila at kalapit bayan sa Luzon.


Angel Locsin
Mas maigi na ang bawat ospital ay merong karagdagang isolation tents to prevent overcroowding dahil dito maaring ilagay ang mga persons under monitoring (PUM) at persons under investigation (PUI), and this is what Angel and her fiance Neil Arce continue to work on.

 Bukod sa isolation tents, may mga gamot pagkain at relief goods ding ipinamamahagi si Angel sa mga frontliners at mga naapektuhang pamilya ng pandemic na ito. Siya nga ang tunay na Darna sa gitna ng krisis at kalamidad. Ikaw na, girl!

*****

Ormoc Mayor Richard Gomez
Mayor Richard Gomez celebrated his birthday last April 7, but what made it more special was that it was a working birthday for him. Ibig lang sabihin, kahit espesyal na araw ito kay Mayor Goma mas inuna pa rin niyang maglingkod sa mga kababayan niya lalo’t mainit ang covid scare sa bansa ngayon. He has been busy the previous days making sure na lahat ay may isang kabang bigas delivered in 110 barangays in Ormoc City. He spent his evening with family and knowing Ormoc is Covid-19 free to this day, is something Mayor Goma is very thankful for.


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply