Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » DJ Loonyo at Ethel Booba: Dapat explain pa more







What started as pagresbak ni Ivana Alawi sa kanyang nanay na si Fatima Marbella dahil sa "Ignoring Ivana Prank" na pasimuno ng younger sister niyang si Mona Alawi ay nagspark ng major kilig online, giving birth to Loovana or ship na DJ Loonyo + Ivana Alawi.

Ang "Boyfriend Prank" video as of writing ay may almost 7 million views. Imbes na magalit ang mga gustong maging bae ang poging DJ na nagviral sa Tiktok ay parang mas type nilang magkatuluyan ang dalawa.


DJ Looney: Guwaping like Alden Richards?
Nagpretend ang dalawa na mag-on na for sometime at nagpahuli si Ivana na ka-videocall niya si DJ Loonyo for their monthsary. Ang kanyang protective mom ay naniwala agad at ininterrogate ang binata.

Ang best line for me ni Aling Fatima kay DJ Loonyo ay ito: "Hindi porke nagTiktok Tiktok...nanonood ako ng Tiktok ay lusot na kayong dalawa. Gusto kong makita 'yang SA mukha mo after niyang covid covid na yan. Kapag niloko mo yung anak ko, yari ka sa 'kin.

Mukhang malaki ang chance na magkatotohanan talaga ang biruan ng dalawa dahil even after the prank ay nagbabatuhan sila ng hugot sa isa't-isa. Tinanong ni DJ Loonyo si Ivana sa Twitter ng "camera ka ba?" na hiniritan naman ni Ivana ng "bakit, napipicture mo na ba ang buhay mo sa akin?"


DJ Loonyo: Hunky and sexy
Noong April 9 ay nagpost na ng first Vlog niya sa Youtube ang binata. For this writer, me slight hawig siya ke Alden Richards at may sinasabi na sa buhay at a young age kasi CEO siya ng FSD (Fashion Dance Style) China, ang dance company na dati ay choreographer ang position niya.

Sa kabilang banda, si Ivana ay single na single at aminado sa ilan niyang vlogs na niloko siya ng ex niya kahit na ibibigay na niya ang lahat-lahat.

May theory though going around na di pa talaga break si Rhemuel Lunio (real name ng DJ) at ng sinasabing GF niya na si Garnet Kaye Cantos (na dapat niya ipaliwanag-Ed) base sa pics na nakalap ng fans pati na rin sa observation nila na hesitant si DJ Loonyo nang sagutin si Melai Cantiveros sa kanyang Magandang Buhay interview when asked about his relationship status.


*******

May theory ang netizens na posibleng nakareceive ng death threats si Ethel Booba or umiiwas siya sa subpoena dahil ngayon ay bonggang dineny niya na siya yung nasa likod ng @IAmEthylGabison Twitter account.

Sa kanyang personal Facebook account named Ethyl Gabison, nagpost siya ng screenshot ng nasabing Twitter account 3:30pm on April 9th. Sinabi niyang fake Ito, na dapat ito ireport at huwag magpabiktima.


Ethel: You need to explain pa more
However, I find this inconsistent kasi bilang follower ng Twitter account na yun na may 1.6M followed as of writing ay kataka-takang nabura lahat ng tweets dito nang biglaan. Kilala kasing anti-Duterte ang account na iyon at nagtrend yun simula nang bara-barahin si Mocha Uson dahil sa fake news.

I also remember na ang same account na yun ang nagcallout sa people connected sa guestings ni Ethel sa isang network pero di pa siya nabayaran. Nakaprivate message ko din ang account na yun when I asked more info regarding her book launching.

I also remember her pagacknowledge nito as her legit Twitter account sa KMJS guesting niya 3 years ago.

2012 nacreate ang Twitter account na yun. So,chinarot ba tayong lahat ni Ethel for about 8 years?(Ethel, you need to explain para hindi iisipinn ng fans and social media followers mo na naloloko ka-Ed)

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply