Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » Hot Harutan: DJ Loonyo and Ivana bagay





        
As we commemorate Black Saturday, let us begin this column with this wonderfully written and well-thought of quote which I chanced upon the page of Jeremy Domingo, a theater actor friend: “I think when the dust settles, we will realize how little we need, how very much we actually have, and the truly value of human connection.” 

Hindi ang bonggang pagmuni-munihan lalo na nga’t sa mga panahong ito, we all ache for a human touch, the sound of laughter, the feel of one’s body pressed against yours as you engage in a tighter than tight embrace, the whiff of cologne or perfume of someone special that magically lingers in you, that look of love and the twinkle in one’s eyes, hay! Sa true lang, ang human connection na yan parang damang-dama  sa nagagnapa na lanturan nina Ivana Alawi at DJ Loonyo, huh!

Bagong loveteam nina LooVana

It’s like an explosion ang impact ng LooVana! A new love team is born na nga ba? Aba, ang boyfriend prank video nila ni Alawi more than 500K likes na ang likes at eksaherada ang number of views and comments, huh!

Sa naturang uploaded bidyo, magka-kuntsaba ang millennial Aphrodite at ang dancing man of the moment sa pagpa-panggap na sineselbra nila ang kanilang monthsary na siempre pa, kina-poot ng mommy dearest ni Ivana.

Grabe ang kilig na hatid ng video dahil kung umakting ang dalawa, super convincing. Iba ang harot ni Alawi, kakaiba rin mangarinyo si Loonya na “Bee” nga ba ang term of endearment na tinatawag para sa sexy Kapamilya star. Nag-huhumayskul si Ivana sa kilig at si Loonyo naman, swabeng-swabe ang bagsak ng mga salita, alam na alam mong sanay magpa-ibig.



Loving-labing na bagay
Kaya nga ang nanay ni Ivana, matapos malaman na “prank” ang kaganapan, hindi mapigilan ang damdamin at sinabi sa magka-connivance na tigil-tigilan na nila ang ganyang mga biro at baka magka-debelopan ang dalawa. Kahit pa nga sinasabi ni Ivana na “char-char” ang lahat, parang hindi kumbinsido ang mommy dearest ni Alawi, huh!

Kung ako mudra ni Ivana, dapat na talaga siyang kabahan dahil may sweet-sweetan exchange na sa Twitter ang dalawa pagkatapos ng prank video, huh! Ang emote ni Loonyo, sa tuwing maalala niya ang dalagang vavavoom, eh hindi niya mapigiling mapangiti.

Siempre si Alawi ang kiyeme, lagot daw ang binatang hip-hop choreographer sa nanay niya. Na alam naman nating pwedeng lip service lang pero ang gusto niya talagang sabihin eh gawin na nilang sa true ang lahat lalo na nga’t hindi pwedeng itanggi ni Ivana na she enjoys the attention given to her by Rhemuel Lunio (real name ni DJ Loonyo).

And there is more! Ang bagong dance challenge ni Loonyo, na LooVana ay ang tribute song na inspired by the Manila’s goddess of love and beauty, ang Ivna, at pag pinanood niyo ito, as observed by his many followers, iba na raw ang aura ni Rhemuel at parang in-love na in love na, huh!

Ang OPM ni DJ Loonyo sa mudra ni Ivana, after the quarantine, magpapakilala siya rito at dadalaw kay Alawi sa bahay. Kahit pa nga idols at smitten siya sa ganda ni Pia Wurtzbach at sa dancing skills ni Yassi Pressman na nakatrabaho na niya, parang iba na nga ba ang nararamdaman niiya for Ivana Alawi? At ang magandang girlash, feel na feel niya nga ba talaga na can this be love she is feeling right now?

Naku, naku! Ang saya-saya naman! Mabuhay ang bagong LooVana love pairing!



«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply