Nag-viral sa social media ang unshaven look ng aktor na si Gabby Concepcion.
Tinawag ito ng aktor na “no shave, quarantine look”.
Sa kanyang rest house sa Lobo, Batangas kasalukuyang naka-quarantine si Gabby at dahil pahinga sa trabaho ng ilang linggo na, pinabayaan niyang tumubo ang kanyang facial hairs na para sa maraming netizens ay nakadagdag sa pagiging “hot daddy” niya.
"Another 30 days baka sa puno na ako mag-vlog dahil buong katawan ko puro buhok na!” sey pa ni Gabby.
Gabby with daughter KC Concepcion |
Panay nga raw ang paghuli ni Gabby ng sariwang isda at iba pang lamang dagat habang may lockdown pa.
\
\
Inaabangan na si Gabby sa first TV team-up nila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa GMA series na First Yaya.
\
Inaabangan na si Gabby sa first TV team-up nila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa GMA series na First Yaya.
Makakasama rin nila dito sina Sandy Andolong, Pancho Magno, Cassy Legaspi, Kelvin Miranda, at Bae-by Baste.
*****
Umiral ang pagiging creative ni Heart Evangelista-Escudero para mapagaan niya ang emosyon ng maraming tao.
Heart in her trash bag fashionista look |
Nag-trend sa social media ang TikTok video ni Heart kunsaan ginawa niya sosyal na dress ang isang simpleng trash bag.
"Trash bag, styled by yours truly, and I hope this makes you smile,” sey ni Heart.
Patuloy pa rin si Heart sa pagtulong financially sa mga apektado ng global pandemic na COVID-19 sa bansa.
Kelan lang ay nagpadala si Heart ng maraming bed foams para sa mga frontliners sa Sorsogon.
*****
Nag-celebrate ng kanyang 18th birthday ang The Clash Season 1 champion na si Golden Cañedo.
Walang engrandeng debut si Golden dahil sa ECQ (enhanced community quarantine), nagpasalamat ang Kapuso singer sa mga bumati at nagpadala ng regalo sa kanya.
“Thanking God for another year of my life. I pray for God's protection, guidance in my actions, steps and thoughts. Above all, praying for a healthy and lucky life ahead. To those who greet me, thank you so much po.”
Birthday wish ni Golden ay ang maligtasan ng marami at matapos na ang pagkalat ng COVID-19.
“Wala man akong party ngayon kasi quarantine tayo. Wish ko lang mawala na ang COVID-19 dito sa mundo at maging okay na ang lahat. God bless us all.”
Napapanood si Golden kasama ang ibang Kapuso stars sa online shows ng 'All-Out Sundays' tuwing weekend sa GMA.
*****
Patuloy ang GMA Artist Center (GMAAC) stars sa paghahatid ng Serbisyong Totoo sa ating mga kababayan.
Pinangunahan ng GMAAC talents ang Project RICE Up na tinutulungan ang mga Pilipinong walang trabaho dahil sa implementasyon ng enhanced community quarantine.
Panalangin ng mga Kapuso artists na mabawasan ang bilang ng mga nagugutom pati na rin ang hirap na nararanasan ngayon sa bansa.
As of April 8, mayroon ng pondo para sa 225 na sako ng bigas ang GMAAC na siyang ipapamahagi ng GMA Kapuso Foundation upang mai-distribute sa iba’t ibang komunidad na nangangailangan.
No comments: