Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Mayor Goma: At Home with his Pork Binagoongan

Goma at Home




 Before he became Ormoc City's beloved Mayor, we've known him as simply Richard "Goma" Gomez, the actor/model/professional rower and fencer. Little did we know about his passion for cooking. Not until he started to showcase this lighter side of him on his YouTube channel, "GOMA AT HOME."

Goma at Home

The 54-year old Mayor Richard Gomez, now still looking good as ever has a very refreshing ambiance for a cooking show online. I, myself, was very amused and inspired by his styles of cooking. Actually, I am an avid subscriber of his channel and I find every episode unique, informative and very amusing.


At dahil nga sa Ormoc City, Leyte naninirahan ang pamilyang Gomez, napaka-light at very simple ang atake ng butihing Mayor ng Ormoc, like what they say, "rural living," and it really shows kung gaano rin s'ya kasaya sa ginagawa n'yang pagluluto lalo na para sa kanyang anak at napakagandang asawa na si Congresswoman Lucy Torres-Gomez ng 4th District ng Leyte.

Three months ago lang sinimulan ni Mayor Goma ang pagluluto para sa kanyang beautiful na anak na si Juliana ng pasta, after that, nagkasunod-sunod na ang kanyang pagluluto at nawili naman ang mga netizens sa panonood at pagbibigay n'ya ng mga cooking tips. Nakakatuwa na bukod duon, 'yung episode n'ya na naf-harvest ng Pechay mula sa kanila mismong garden ay nag-gain ng 1.3M views (most viewed vid n'ya so far) as of this writing. It only shows na interested ang mga tao ngayon sa "buhay-probinsya" bilang nag-aadapt na tayo ngayon sa "new normal" era caused by the COVID-19 pandemic.

Goma's special binagoongan recipe


Isa sa mga nagustuhan ko na niluto ni Mayor Goma ay ang "Lola's Pork Binagoongan." Aminin natin mga ka-Onpointers, di naman lahat eh nakakapagluto di'ba? At di rin lahat eh marunong magluto ng "Pork Binagoongan," kaya malaking tulong sa mga viewers ng channel n'ya ang mga recipes na shine-share n'ya. Napaka-loving apo talaga ni Mayor dahil di s'ya nakakalimot sa kanyang lola na nagpalaki at nagmahal sa kanya. Sa mga hindi pa nakakapanood ng episode n'ya na 'yun, share ko dito muna aa inyo.


Nakakatuwa nung last "Father's Day" celebration, kasama ni Mayor Richard si Juliana sa episode na kung saan nagluto s'ya ng "Sinigang na Baka." Makikita na close na close ang mag-daddy at sarap na sarap din si Juliana sa niluto ng kanyang ama.

Ang gaan lang talaga at good vibes ang mafi-feel mo while watching or even after watching "Goma At Home." Talagang nanamnamin mo ang bawa't episode kaya naman patok na patok ito sa mga netizens.

To Mayor Goma, congrats and cheers to good food and good life! Sana'y lalo pang dumami ang subscribers mo at lalo ka pang ma-inspire sa pagluluto! More power!!!


Mayor Goma: May alternative sa stress ng trabaho

Richard Gomez




 Achiever talaga si Goma who is now known as Ormoc City Mayor Richard "Goma" Gomez.

Noong nasa showbiz pa siya, lahat ng bagay na pinapasok niya, lahat ay wagi o' panalo siya.


Sa showbiz, hindi siya isang putsi-putsi na artista. Aktor siya. Magaling, sikat at respetado. Dumaan man ang panahon  mataas pa rin ang tingin at estado niya sa showbiz.

Sa larangan ng public service, napatunayan naman niya sa milyon-milyong constituents niya sa lunsod ng Ormoc that he excel sa lahat ng mga ginagawa niya reason na panatag ang loob ng mga Ormocanon na tama at hindi sila nagkamali sa inihalal nilang Punong Bayan.

For a better rice distribution para sa mga Ormocanon

Sa diskarte ni Mayor Goma, hinahangaan siya ng kapwa niya public official. Ang kanyang isang kaban na bigas sa bawat household ay ginaya ng ibang mga alkalde dahil alam nila na mas systematic ang distribution para mabilis at makarating kaagad sa mga kababayan niya ang ayuda. Wala na takal-takal o' kilo-kilo na nakakasabagal ng tulong.

Sa katunayan, nasa-second wave na ang ang Isang Kaban na pa-bigas para sa taga-Ormoc na sinimulan niya yesterday kasama ang ibang opisyales ng lunsod.




Magaling si Mayor Goma sa kanyang planing at execution ;para sa paghahatid ng serbisyo. Kaya nga nakampanghihinayan na ng dating  COVID-19 Free na lunsod, ngayon ay napasok na ng virus dahil sa ngniba sa kanilang inapurang "Balik Probinsiya" na atat na atat without coordinating with the Ormoc LGU.
The best option to contain COVID-19 in Ormoc

Para less stress at wala na magagawa pa kundi dagdag ingat at paghihigpit na lang ang lunsod sa management nila sa pandemya, ipinatayo ng Ormoc LGU ang isang alternative isolationfacility para sa COVID-19 na isa sa pinagtuunan ni Mayor Goma ng pansin.

In between his work ang doing his responsibilities sa mga constituents niya,recently ay ni-launch ang online cooking show niya na "Goma at Home" .

Sa mga past episodes, he cooked Carbonaraasta na sinundan ng Pork Humba na ginagawang reference ng mga ngayon pa lang natututong magluto.

Last Sunday, Father's Day, Mayor Goma cooked Sinigang na Baka na pinaasim ng hilaw na mangga together with only daughter Juliana.


Kuwento ng blogger na si Jing Javier, sinusundan niya ang Goma at Home at mga recipes at cooking tips nito. Madami followers ang online cooking show ni Mayor as an alternative sa stressful work niya as Mayor.

Sa bahay ni Mayor Goma sa Ormoc, may mga alaga siya na mga free range chicken, gansa and ducks. May mga vegetable plots din siya like petchay and tomatoes na ipinakita niya sa kanyang socmed account ang pag-harvest ng mga ito.

Si Mayor Goma, madiskarte talaga at sa lahat ng pagkakataon he really tops.





Richard Gomez and Lucy Torres-Gomez: Ormoc’s Dynamic Duo

Mayor Richard Gomez and Congresswoman Lucy Torres






 As they say, one of the secrets of a man’s or a woman’s success lies on how he or she chooses a partner. If your partner soars with you through greater heights, is happy and proud of your success, someone who is secure about himself-- then, wagi ka! Sa ganitong criteria pasok ang tandem ng mag-asawang Mayor Richard Gomez at Congw. Lucy Torres-Gomez na hindi lang ideal couple sa mundo ng showbiz kundi pati sa kanilang constituents sa Ormoc City, Leyte.

Goma-Lucy, always happy together

Lucy started her political career when she ran for congress in 2016 and won the congressional seat in the 4th District of Leyte. She, who is known to be soft spoken, compassionate, intelligent and level headed won the hearts of the Ormocanons on her first try to run for Congress marahil dahil alam ng mga tao na malaki ang maitutulong ni Congw. Lucy sa probinsya nila.

Abah, hindi rin papahuli si Mayor Goma.

Even during the peak of his career as an actor, Richard already showed interest in public service.
Proud ang mga taga-Ormoc kay Mayor Goma

In the 90’s, he spearheaded MAD (Mamamayan Ayaw Sa Droga), the youth movement campaigning against illegal drugs, and other sports related activities . And in 2016, he won the mayoralty race and is now doing an awesome job for the people of Ormoc.

Kilala si Mayor Richard bilang isang disiplinadong tao kaya maswerte ang mga 

taga Ormoc sa pamamalakad ni Mayor Goma kaya siguradong merong peace and order sa kanilang lugar.


Despite his busy schedule, Richard makes sure to end his day doing simple things for his family. Cooking for his lovely daughter Juliana is something he does best, also making sure she is safely home with her family. Ganoon din kay Congw. Lucy, super asikaso rin siya ng asawang mayor.

On his free time, he personally feeds his “alagas”- dogs, turtles, geese, chicken, turkey and other animals that roam around freely in their backyard.

May You Tube Channel na rin si Mayor Goma at doon niya ipinapakita ang everyday life niya sa Ormoc.

Teamwork sa tunay na serbisyo sa Ormoc at 4th Dist. ng Leyte

Richard loves to cook and he experiments on recipes that turn out to be tasty dishes. Bongga ang al fresco dining area nina Richard at Lucy na may kitchen, napaka-aliwalas tingnan. Parang ang sarap magluto araw-araw ‘pag ganoon ka presko sa kusina mo, di ba?

Patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng subscribers ng You Tube Channel ni Goma and all the pleasant comments show he is making it right as a family man and a public servant.

Maswerte ang Ormoc, dahil bongga ang tandem ng mag-asawang Mayor Richard at Congw. Lucy.

Suportado nila ang isa’t isa and at the same time hindi sila ‘yung nakikialam sa diskarte na ginagawa ng bawat isa for their constituents.

This, I think, is enough to make Ormoc shine.


Mga Punong Bayan na tunay naglilingkod sa panahon ng epidemya

The real working mayors sa panahon ng COVID-19





 Veteran or newbie public servants were considered inexperience, no one has been prepared to face the pandemic crisis of the COVID-19. Lahat tayo ay nabulaga ng crisis na ito. Kahit saang anggulo mo tingnan at kahit ang mga rich at big countries ay nagulat din sa problemang ito ng mundo. Pero kahit na ganito ang nangyari marami pa ring mga public servants ang marunong mag-adapt sa sitwasyon at masasabi mong mga leader talaga. Ito yong mga tao na read to do everything that they can do just to serve their constituents and make them safe as much as possible. 


Mayor Goma of Ormoc City is an Idol Mayor
Kaya nga meron tayong mga napansin at nakita na true public servants. Not only because of their positions in the government but because of their concern for their constituents. Ilan sa mga kapansin-pansin na mga mayor ay sina Richard Gomez ng Ormoc City, Vico Sotto ng Pasig City, Emerson Pascual ng Gapan City, at Arthur Robes ng San Jose Del Monte City.  

Si Mayor Gomez o mas kilalang Goma ay continuous sa pangangalaga sa kanyang nasasakupan at marahil ang Ormoc City ay isa sa mga lugar na COVID-free at ito ay dahil sa DISIPLINA. Yes, discipline ang ini-impose ni Mayor Gomez sa kanyang nasasakupan.

Si Mayor Vico, na sa una ay inaakalang walang magagawa dahil newbie sa larangan ng politika. Pero tingnan nyo naman, halos karamihan sa innovations na ginawa ng ibang mga mayors ay sa kanya nanggaling. Tulad na lang ng “Market on Wheels” na pinagawa ni Mayor Vico para sa kapakanan ng kanyang mga constituents.

Mayors Emeng, Vico and Arthur na tapat na naglilingkod
Ang Superman Mayor ng Gapan City, Nueva Ecija, Mayor Emeng , na talaga naman siya pa mismo ang nagbuhat at namahagi ng mga saku-sakong bigas para sa kanyang mga kababayan. 

Ang mayor ng Rising City na si Mayor Robes ay siniguro na makakaabot sa mga poorest of the poor na mga constituents nya ang tulong na ayuda ng gobyerno na Social Amelioration Program. 

Ito ang mga ilan lamang sa mga working mayors na talaga namang they stand to what they are mandated to do, PUBLIC SERVICE!






Sharon, Angel, Goma: Tulong-tulong sa panahon ng epidemya

Sharon, Angel and Mayor Richard




Megastar Sharon Cuneta didn’t take some of the netizens’ comments lightly regarding her not helping the frontliners and those who are in need as we continue to fight the battle with Covid-19. Bago pa uminit at tumaas ang balitang dumarami ang nangangailangan ng PPEs (personal protective equipment), pagkain, gamot, at iba pang basic needs, may ilang nagtatanong at tila kini-kwestyon ang pananahimik ni Sharon. 


Sharon Cuneta and Sen. Kiko Pangilinan
While other celebrities are posting all the activities they do to help our hunger- stricken kababayans and frontliners especially in Luzon, Sharon has been quietly doing her part. Ito ay pinatunayan mismo ng mga taong pinagtanggol siya matapos ang pamba-bash hindi lang sa Megastar kundi pati na rin sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan. Say ni Sharon, hindi niya ugaling ipaalam kung ano man ang itinutulong niya, ganoon din si Sen. Kiko. “Hindi kasi kami mahilig mag-press release ng asawa ko. Lahat naman kami. 

Malalaman niyo din.” Malungkot man sa mga puna sa kanila, patuloy naman ang paulan ng biyaya ni Mega sa mga nangangailangan. They gave thousands of kilos of fresh organic vegetables (bilang may farm sila ni Sen. Kiko) and hot meals to frontliners. Hindi lang yan, the Office of Senator Francis Pangilinan is linking farmers affected by the enhanced community quarantine to consumers in the city to ensure that farmers still have income and their products are not wasted. ‘Yun na!


*****

Si Angel Locsin ang unang “nagbunyag” na bukod sa mga naunang tulong na naipamahagi ni Sharon gaya ng mga pagkain, gamot etc. nagbigay din si Mega kay Angel ng whopping 3 million pesos bilang donasyon sa proyekto ni Angel na #UniTentWeStand. Nagbibigay sila ng mga tents para gamitin as sleeping tents for frontliners or isolation tents at sanitation tents para sa mga ospital sa Metro Manila at kalapit bayan sa Luzon.


Angel Locsin
Mas maigi na ang bawat ospital ay merong karagdagang isolation tents to prevent overcroowding dahil dito maaring ilagay ang mga persons under monitoring (PUM) at persons under investigation (PUI), and this is what Angel and her fiance Neil Arce continue to work on.

 Bukod sa isolation tents, may mga gamot pagkain at relief goods ding ipinamamahagi si Angel sa mga frontliners at mga naapektuhang pamilya ng pandemic na ito. Siya nga ang tunay na Darna sa gitna ng krisis at kalamidad. Ikaw na, girl!

*****

Ormoc Mayor Richard Gomez
Mayor Richard Gomez celebrated his birthday last April 7, but what made it more special was that it was a working birthday for him. Ibig lang sabihin, kahit espesyal na araw ito kay Mayor Goma mas inuna pa rin niyang maglingkod sa mga kababayan niya lalo’t mainit ang covid scare sa bansa ngayon. He has been busy the previous days making sure na lahat ay may isang kabang bigas delivered in 110 barangays in Ormoc City. He spent his evening with family and knowing Ormoc is Covid-19 free to this day, is something Mayor Goma is very thankful for.


Prenuptial Agreement: Pera at yaman ba ang dahilan?

Goma-Lucy, Vicki-Hyden and Chiz-Heart



 There are many reasons why couples or their families enter into prenuptial agreement, but basically, the main reason concerns the ownership of respective assets. As much as possible gusto ng bawat kampo, pero mostly side ng babae, na hindi madehado or maging kawawa ang magpapakasal. So, whatever happens to the marriage hindi maapektuhan ng kasal ang bawat asset ng isa’t isa.


Richard loves Lucy
Ilan sa mga natatandaan ko na nag-sign ng prenuptial agreement ay sina Chiz Escudero at Heart Evangelista, AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan, Doctora Vicki Belo at Hayden Kho, at Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres. Pero ang mas tumatak sa akin ay kay Richard Gomez ng magpakasal sya kay Lucy Torres. Alam naman ng lahat na ang pamilya ng Torres ay isa sa mga mayayaman pamilya. Lalo na nung time pa ng kasikatan ni Richard Gomez. Kaya naman nung ihatid ni Goma si Lucy sa altar ay walang 2nd thought na pinirmahan ni Goma ang agreement dahil para sa kanya buo ang kanyang damdamin para patunayan na mahal nya si Lucy Toress na ngayong ay Congresswoman. This bold move only proves that he is there for the love.

Sarah and Matteo, loving minus the pre-nup

Ito ay opposite naman sa ginawa ng couple na AshMat – Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli - na kung saan ay hindi pumirma si Matteo at Sarah ng prenuptial agreement at sa halip ay nagpakasal ng patago. Kung ano man ang dahilan ay walang nakakaalam pero sana ginaya nya si Mayor Goma na pumirma ng prenuptial agreement upang patunayan ang kanyang hangarin na hanggang ngayon ay pinatutunayan ang pag-ibig kay Congresswoman Lucy sa kahit na anong paraan.