Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Wendell Ramos: Papable na Bumbero

Wendell Ramos




 Habang hindi pa nagre-resume ang taping ng pinagbibidahang GMA Afternoon Prime soap na ‘Prima Donnas,’ nagpasya ang Kapuso actor na si Wendell Ramos na sumabak sa firefighter training. 

Sa latest Instagram posts nito, ipinakita niya sa kanyang fans at followers ang naging training sa ilalim ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP), isang non-government organization na layuning maghatid ng impormasyon sa iba’t ibang firefighter groups sa bansa. 
“It was really an honor to train and be a certified ABP #angbumberongPilipinas. But to be honest, I need to learn and experience more. It's truly a humbling experience for me at sa inyo pong lahat na mga bumbero ng Pilipinas, #saludo po ako sa inyong lahat. Mabuhay po ang ABP nating lahat!”

Wendell is your sexy bumbero
Isa sa mga unang bumati sa latest achievement ng aktor bilang isang certified Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) firefighter ay ang kanyang co-star sa top-rating series na si Katrina Halili. Komento nito, “Grabe galing! Congrats Jaime @wendellramosofficial.”

Samantala, tuloy pa rin ang online reunion ng cast sa ‘Prima Donnas: Watch From Home' tuwing Biyernes at 5pm sa Facebook page, Twitter account, at YouTube channel ng GMA Network.

*****

Dahil sa COVID-19 pandemic, isa sa mga naantala ay ang graduation sana ng Kapuso actress na si Bea Binene sa culinary school. 

Kwento ni Bea sa kanyang Instagram post, nagsimula siyang mag-aral at kunin ang kursong Professional Culinary at Pastry Arts last year sa Center for Asian Culinary Studies. 
Bea Binene
At this year nga ay nakatakda na sana siyang grumaduate.

“A year ago, I started studying culinary.. dapat ngayong mga oras na 'to, baka naka pag repertoire na or legacy buffet or nagri-ready na sa graduation yung class namin."
*****


Matapos ang higit 100 days na hindi sila magkasama, reunited na sa wakas ang Kapuso star na si Heart Evangelista sa kaniyang asawa na si Governor Chiz Escudero. 

"At long last!" ang caption ni Heart sa much-awaited reunion nila ng kanyang 'babe.'
Gov. Chiz Escudero ang Heart Evangelista
Upang gampanan ang kanyang tungkulin sa hinaharap na COVID-19 pandemic, kinailangang manatili ni Chiz sa Sorsogon. Habang si Heart naman ay patuloy ang ginagawang pagtulong mula sa Manila.

Magkahiwalay man silang dalawa, iisa ang layunin nila at ito ay ang maghatid ng tulong sa kanilang mga kababayan sa Sorsogon.

*****
Nagkaroon ng quarantine pregnancy ang former teen actress na si Emma Roberts.

Kinumpirma ng Hot Hollywood news podcast ang balitang buntis na ang pamangkin ni Julia Roberts na si Emma at ang ama ng kanyang pinagbubuntis ay ang actor-boyfriend na si Garrett Hedlund.
Emma Roberts
Noong March 2019 unang na-link sina Emma at Garrett na matagal nang magkaibigan. Nangyari ito pagkatapos na makipaghiwalay si Emma sa kanyang ex-fiance, ang aktor na si Evan Peters.

Six years din tumagal ang relasyon nila Emma at Evan noong magkasama sila sa 2012 film na Adult World at magsama sa four seasons ng American Horror Story.

Ang current boyfriend ni Emma na si Garrett ay naging boyfriend ng aktres na si Kirsten Dunst mula 2011 hanggang sa naghiwalay sila in 2016.

Heart and Dingdong , May "Hayop" Experience







 During the GMA Affordabox blogcon, nag-share si Dingdong Dantes at Heart Evangelista ng lockdown stories nila about their kakaibang experience nila sa mga hayop sa bahay.

Bagaman may kalakihan at nasa sosyal na subdivision which is Bel-Air ang bahay nina Dingdong at Marian ay may malaking daga na naeencounter si Dingdong sa bahay nila.

"May mutual respect na kami, kasi dati talagang tinatalikuran ko siya," natutuwang kwento ng 'Descendants of the Sun' star. Kaya na daw niya makipagtitigan sa daga, yung tipong standoff ng several seconds. Pinakiusapan din daw niya itong huwag sirain ang mga sapatos niya.

Si Heart at Dingdong at experience nila sa pusa at daga

Ang soshalerang si Heart naman na mahilig magpost ng OOTD ay pinasok ng paniki kanyang home. "I don't wanna kill the bat but I'm afraid of bats then nakita ko yung pusa ko nakaabang," kwento niya.

May pusa kasi siya na galing talaga sa jungle so siyempre intact ang hunter instinct nito at kumakain ng usual prey ng feral cats like birds. Napasegue tuloy si Heart bago mapagpatuloy ang kwento tungkol sa bat, about ito sa day before kung saan she gave CPR sa ibon using a straw kasi naguilty siya at inatake ng cat niya.

Nahulog ang bat, tumama sa fan, at kinain ng cat, despite sa pagtataboy niya and the kids s sa cat. "The bat survived but ngayon the cat is under investigation," sey niya.

Kayo, may mga naging kaibigan ba kayong hayop dahil sa lockdown?

*****
Siguradong magiging busy starting this last week of June ang mga mahilig manood sa Netflix because maraming magandang palabas na available.

Nangunguna na diyan ang 'It's Okay Not to Be Okay' na episode 1 pa lang eh beautiful and mysterious ang dating with its magic realism.

Ang 'Yu Yu Hakusho' na kilala sa ating country as Ghost Fighter, at parte na rin ng childhood of many Batang 90's, ay kasama na din sa anime na available sa streaming giant. Speaking of animated stuff, ang 'A Whisker Away' na may Studio Ghibli feels is also a new animated feature na must-see and about ito sa girl na may crush kay boy and para mapalapit siya she will use a mask para maging cat.

Sa mga nabitin sa mababaw na time travel ng katatapos recently na 'The King: Eternal Monarch' ay siguradong masasatisfy sa new season ng German science fiction thriller na 'Dark'.

Sa mga gusto magtipid, may mobile option ang Netflix na sa mobile device ka lang pwede manood pero Php149 lang ang babayaran mo.

 

Heart Evangelista: Apektado dahil sa bashing

Heart Evangelista





 Nagsalita na ang Kapuso actress na si Heart Evangelista-Escudero laban sa patuloy na pamba-bash sa kaniya sa social media. 

Sa pamamagitan ng Instagram story, inilahad niya ang nararamdamang sakit tuwing nakakatanggap siya ng hateful comments.
Heart Evngelista
“You think it's ok to hurt people? You think just because you see something nice you are allowed to destroy it? Nobody has the right to destroy your happiness just because they want to or just because they can." 

Matatandaang ibinahagi rin ng aktres ang kanyang nararanasang depression sa isang episode ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'

Dasal ni Heart na gabayan siya ng Diyos sa kanyang mga pinagdadaanan ngayon at mananatili na lang siya sa pagtulong at pagmamahal sa kapwa.

*****

Ibinahagi ni Mikee Quintos ang kanyang dilemma sa pag-aartista at pag-aaral. 

Sa kasalukuyan, Architecture student si Mikee sa University of Santo Tomas.

"I took a break for a whole [semester] during The Gift, 'di talaga ako nag-aral 'nung time na 'yon. Lagi kong naiisip na parang nag-uumpisa na sa isip ko 'yung sinasabi sa 'kin ng daddy ko, ng mom ko na 'Pag nag-stop ka, 'di ka na babalik kaya 'wag kang magso-stop."

Mikee Quintos
"Iniisip ko nung The Gift na baka biased lang ako mag-isip ngayon kasi happy ako, nagte-taping ako. Baka nauunahan ko lang sarili ko na 'di ko lang gustong mag-aral. Pero come January, okey naman, nakapag-enroll ako, I started studying again, nami-miss ko mag-plate, oo, pero hindi pa ako fully into it," kuwento ni Mikee. 

Na-realize ng Kapuso actress na sa gitna ng quarantine na ang pag-arte talaga ang nais niyang gawin hanggang sa siya’y tumanda.  

"One night, kinuwento ko 'yon sa ate ko. Sinabi ko sa kanya na, 'Ate, napapaisip ako, ganito nafi-feel ko, how am I gonna tell my mom and dad? How are they gonna understand this?' Sabi niya sa'kin, 'Sinasabi mo na nand'yan 'yung passion mo, 'yung heart mo sa acting. If it's really there, kahit mag-aral ka, kahit gaano katagal 'yung kunin mong break sa showbiz, babalik at babalik ka 'eh. Magkakaroon at magkakaroon ka pa rin ng work in the future kung nand'yan talaga 'yung heart mo.

“Doon ko naisip na it's true na if it's for you, it's gonna happen. You just have to trust the process and trust God that he has a plan for you. Tapos 'yun na, na-excite na akong mag-plates ulit.”

Panoorin ang heart-to-heart talk ni Mikee with Andre Paras sa official YouTube channel ng Kapuso actor. 

*****

Bukod sa kanyang science experiments sa award-winning infotainment show na iBILIB, busy rin si Chris Tiu sa kanyang duties bilang brand ambassador ng Department of Science and Technology (DOST). 

Chris Tiu
Nag-share si Chris sa isang promotional video ng DOST ang kanilang binuong sustainable mask na importante bilang panangga sa COVID-19. 

Ayon kay Chris, ang REweark mask daw ay coated with liquid repellency finish na nagbibigay extra protection sa mga magsusuot nito. 




Ang REweark mask ay maaring gamitin ng 50 beses basta sundan lang ang wastong paglilinis dito. 

Rhian Ramos: Nagka-insomia dahil sa ECQ

Rhian Ramos






 Halos abutan na raw ng pagsikat ng araw bago dalawin ng antok si Kapuso actress na si Rhian Ramos magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine. 

Kahit naka-adjust na sa tinatawag na ‘new normal’, aminado si Rhian na nahihirapan itong makatulog lalo na noong mga unang araw nito. 

“Noong una, hirap na hirap akong matulog. Pa-late nang pa-late hanggang pinapanood ko muna 'yung sunrise bago ako matulog," kuwento ni Rhian.

Dagdag pa ni Rhian, noong kakadeklara pa lang daw ng ECQ ay excited pa siya dahil sa wakas ay nagkaroon ito ng oras para sa sarili gaya ng panonood ng shows, pag-aaral ng bagong skills, at mag-enroll sa mga online masterclass. 

Sa paglipas ng panahon ay naisipan daw ni Rhian na gumawa ng routine at schedule para magkaroon ng structure ang kanyang mga araw. 

Alas onse ng gabi ito natutulog at alas otso ng umaga ito gumigising saka raw siya gagawa ng mga gawaing bahay gaya ng pagluluto, paglalaba, at pagliligpit. 

*****

Tuloy ang pagtulong ni Heart Evangelista sa mga apektado ng COVID-19 pandemic sa bansa. 

Ang kanyang tinutulungan ay ang mga frontliner na patuloy na nagsasakripisyo para sa ating mga kababayan. 

Heart's 'Upended 2020' painting
Sa kanyang latest Instagram post, ibinahagi ni Heart na ang kanyang painting na “Upended 2020” ay naibenta sa Art For Life.

“My painting, “Upended 2020,” was sold to Art for Life and the proceeds will go to our dear frontliners. I'm sad to let it go but I'm so so happy that it will be part of someone else's story.”

*****

Nais ni Ina Feleo na mas lalong mahalin ng tao ang kani-kanilang katawan, anuman ang hugis nito. 

Ayon sa kanyang Instagram post: “It's okay to be body positive but to be neutral and want to improve yourself for yourself is also fair. If you feel that you aren't confident yet, that's fine and that gives you something to work on."

Wala raw masama sa kagustuhang i-improve ang katawan sa pamamagitan ng diets, exercises, at iba pa. Hangga't maaari lang, hiling ni Ina na matuto ang lahat na i-embrace kung ano ang meron sila.

"As long as we all respect our bodies and find what feels good is all that matters."

*****

Naaliw ang followers ng The Clash Season 1 alumnus na si Garrett Bolden sa kanyang TikTok account. 

Pinost niya ang two-step tutorial kung paano gayahin ang boses ng The Clash panelists na sina Lani Misalucha at Christian Bautista. 

Tip ni Garrett, dapat may konting nginig ang boses at maayos itong ma-modulate para maging katunog ng Asia's Nightingale.

Para naman magaya si Christian, ang pabirong hirit ni Garrett ay “Step 1: Alam n'yo 'yung 90 Day Fiancé, kilala ny'o si Rose? Medyo gagayahin lang natin boses ni Rose. I-a-apply n'yo lang s'ya sa bawat words na kakantahin mo. Step 2: Kilala mo 'yung partner n'ya, si Big Ed? Medyo gagayahin lang natin 'yung posture niya, kumbaga tight 'yung katawan." 

Meron ng 152,000 followers at 617,000 likes si Garrett sa TikTok.

Heart Evangelista vs. Jinkee Pacquio: Wars of the Pambahay Fashionista

Heart Evangelista and Jinkee Paquiao



 In the midst of this pandemic crisis people are so bored that they would do anything in their respective houses just to get them preoccupied. For the members of the elite society, they got plenty of things to do and just like what I have found in the internet. Yes, dahil ang lahat ay walang marampahan na event or venue, ang ilan sa mga kilala nating celebrity na talaga naman fashionista ay nagkaroon ng sari-sarili nilang way ng pagrampa ng kanilang mga pinagmamalaking fashion wardrobes. At ito ay sa loob ng kanilang sariling mga bahay. Pero take note ang kanilang inirarampa ay hindi yong typical na nakikita natin tuwing may event okasyon kundi tinuturing lamang nila itong pambahay at ito ay dahil nga nasa bahay lamang sila.
Heart's fashion sense is excellent
Yes, true pambahay nga ang kanilang napiling irampa sa kani-kanilang social media pero ito ang catch ng mga inirarampa nilang wardrobe, hindi siya basta basta na pambahay at ang brand ay hindi pucho pucho. Alam nyo ba kung ano ang mga ito? Well ito lang naman ay mga designs ng mga well known designers sa mundo ng fashion. And you can also drop your jaw now because ang cost lang naman ng mga pambahay na ito ay tumatagingting na limang digit ang isang piraso at ito ang pinakamababa. Kahit pa sabihin Php10,000.00 ang isa ay jusmio marimar baka isang buwang tuyo ang magiging ulam ko nyan. Pero ganun talaga dahil carry naman nila ang ganitong statement sa kanilang buhay. Kaya kung di kaya wag mangarap at baka lumagapak ka sa semento at hindi sa lupa.


Jinkee has her own style
Ang nakaka-aliw dito ay hindi lamang po isang celebrity ang nagpost ng kanilang precious na pambahay fashion. Yes, dalawa sa kilalang celebrity ang nakitaan natin ng posting sa kanilang social media account, sina Heart Evangelista at Jinkee Pacquiao. Para tuloy nagkaroon ng patalbugan ng pambahay outfit. Kaya bahala na kayong humusga kung sino ang magandang umawra ng Pambahay Fashion. (Showbiz Blahbers, sino ang mas may K?Sino ang mas syala? -Ed)



Baby Ziggy, nairaos ang birthday sa panahon ng epidemya

Baby Ziggy with Dad ang Mom




 Naging simple lang ang first birthday celebration noong nakaraang April 16 ni Baby Ziggy Dantes nila Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Primetime King Dingdong Dantes.Dahil sa ECQ (enhanced community quarantine), nag-bake na lang ng cake at gumawa ng ice cream si Marian gamit ang mga available ingredients sa kanilang kusina. 

Sa kanyang Instagram, nag-share si Marian ng cute picture ni Sixto na masayang naglalaro.



Happy Family

Dagdag pa ni Dingdong, mabuti raw na gamitin ang panahon na ito upang mas pangalagaan ng isa’t isa ang ating mundong ginagalawan maging ang mga taong nakakasama.

Magbabalik-telebisyon si Marian sa pagbibidahan nitong GMA series na First Yaya kasama si Gabby Concepcion. 


Pansamantala namang pinalitan ng Encantadia ang timeslot ng pinagbibidahang series ni Dingdong na Descendants of the Sun sa GMA Telebabad.


*****

Tuluy-tuloy ang pagtanggap ng donasyon para sa fundraising na “Guhit Pantawid: Portraits for a Cause” na ni-launch ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez kasama ang girlfriend si Carla Abellana. 

Ang maiipon na pondo ay gagamitin para sa daily wage earners na apektado ng COVID-19 pandemic. 



Joint tulong nina TomCar sa panahon ng CONDVID-19
Ayon kay Tom, first time niyang tumanggap ng commission artworks kaya espesyal sa kanya ang proyektong ito lalo na for a good cause. 

Inspirado rin ang Kapuso actor sa kanyang ginagawa at isang responsibilidad ang tingin niya rito. 



Tom and Carla's way of helping
Kuwento pa niya: “After ko matapos i-drawing and signed it, I put a little message for them. That way…grabe 'yung pasasalamat ko sa kanila because I know how difficult the circumstances are now and they are extending themselves out para lang matulungan din 'yung mga daily wage earner sa 'tin.” 

Samantala, muling nire-remind ni Carla ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan at sumunod sa mga patakaran ng gobyerno bilang tulong sa pagsugpo ng health crisis sa bansa. 


“Ang daming nagi-guilty na hindi sila makapagbigay ng tulong but staying at home is really the best way to think and help. 'Wag tayong mawawalan ng pag-asa. Sulitin na lang natin 'yung time natin para makapagpahinga, na gawin 'yung mga hobbies.”







*****
Heart's stylish mask

Nakiisa ang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista-Escudero sa #MaskSimple challenge ng kanyang mga kaibigan na designers sina Rajo Laurel at Nix Alanon. 

Sa kanyang latest Instagram post, ipinakita ni Heart kung paano gumawa ng simpleng face mask na gamit lamang ang isang pirasong tela at dalawang rubber bands.

“If you have any scarves or scrap fabrics at home, here's a simple way to make your own masks. You can even put a filter inside for added protection."


Gabby Concepcion: Hot Papa

Gabby Concepcion is a hot daddy






Nag-viral sa social media ang unshaven look ng aktor na si Gabby Concepcion.

Tinawag ito ng aktor na “no shave, quarantine look”. 

Sa kanyang rest house sa Lobo, Batangas kasalukuyang naka-quarantine si Gabby at dahil pahinga sa trabaho ng ilang linggo na, pinabayaan niyang tumubo ang kanyang facial hairs na para sa maraming netizens ay nakadagdag sa pagiging “hot daddy” niya.

"Another 30 days baka sa puno na ako mag-vlog dahil buong katawan ko puro buhok na!” sey pa ni Gabby.

Gabby with daughter KC Concepcion
Biniro si Gabby ng kanyang mga anak na sina KC Concepcion at Garie Concepcion na kamukha na niya si Tom Hanks sa pelikulang Cast Away.

Panay nga raw ang paghuli ni Gabby ng sariwang isda at iba pang lamang dagat habang may lockdown pa.

\
\

Inaabangan na si Gabby sa first TV team-up nila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa GMA series na First Yaya. 

Makakasama rin nila dito sina Sandy Andolong, Pancho Magno, Cassy Legaspi, Kelvin Miranda, at Bae-by Baste.

*****

Umiral ang pagiging creative ni Heart Evangelista-Escudero para mapagaan niya ang emosyon ng maraming tao.

Heart in her trash bag fashionista look

Nag-trend sa social media ang TikTok video ni Heart kunsaan ginawa niya sosyal na dress ang isang simpleng trash bag.

"Trash bag, styled by yours truly, and I hope this makes you smile,” sey ni Heart.

Patuloy pa rin si Heart sa pagtulong financially sa mga apektado ng global pandemic na COVID-19 sa bansa. 

Kelan lang ay nagpadala si Heart ng maraming bed foams para sa mga frontliners sa Sorsogon.

*****

Nag-celebrate ng kanyang 18th birthday ang The Clash Season 1 champion na si Golden Cañedo.

Walang engrandeng debut si Golden dahil sa ECQ (enhanced community quarantine), nagpasalamat ang Kapuso singer sa mga bumati at nagpadala ng regalo sa kanya.

“Thanking God for another year of my life. I pray for God's protection, guidance in my actions, steps and thoughts. Above all, praying for a healthy and lucky life ahead. To those who greet me, thank you so much po.”

Golden Cañedo

Birthday wish ni Golden ay ang maligtasan ng marami at matapos na ang pagkalat ng COVID-19.

“Wala man akong party ngayon kasi quarantine tayo. Wish ko lang mawala na ang COVID-19 dito sa mundo at maging okay na ang lahat. God bless us all.” 

Napapanood si Golden kasama ang ibang Kapuso stars sa online shows ng 'All-Out Sundays' tuwing weekend sa GMA. 

*****

Patuloy ang GMA Artist Center (GMAAC) stars sa paghahatid ng Serbisyong Totoo sa ating mga kababayan. 

Pinangunahan ng GMAAC talents ang Project RICE Up na tinutulungan ang mga Pilipinong walang trabaho dahil sa implementasyon ng enhanced community quarantine. 

Panalangin ng mga Kapuso artists na mabawasan ang bilang ng mga nagugutom pati na rin  ang hirap na nararanasan ngayon sa bansa. 

As of April 8, mayroon ng pondo para sa 225 na sako ng bigas ang GMAAC na siyang ipapamahagi ng GMA Kapuso Foundation upang mai-distribute sa iba’t ibang komunidad na nangangailangan. 

Kung nais mag-donate, maaari lamang bisitahin ang link na ito: https://ticket2me.net/e/6520/tickets.


Prenuptial Agreement: Pera at yaman ba ang dahilan?

Goma-Lucy, Vicki-Hyden and Chiz-Heart



 There are many reasons why couples or their families enter into prenuptial agreement, but basically, the main reason concerns the ownership of respective assets. As much as possible gusto ng bawat kampo, pero mostly side ng babae, na hindi madehado or maging kawawa ang magpapakasal. So, whatever happens to the marriage hindi maapektuhan ng kasal ang bawat asset ng isa’t isa.


Richard loves Lucy
Ilan sa mga natatandaan ko na nag-sign ng prenuptial agreement ay sina Chiz Escudero at Heart Evangelista, AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan, Doctora Vicki Belo at Hayden Kho, at Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres. Pero ang mas tumatak sa akin ay kay Richard Gomez ng magpakasal sya kay Lucy Torres. Alam naman ng lahat na ang pamilya ng Torres ay isa sa mga mayayaman pamilya. Lalo na nung time pa ng kasikatan ni Richard Gomez. Kaya naman nung ihatid ni Goma si Lucy sa altar ay walang 2nd thought na pinirmahan ni Goma ang agreement dahil para sa kanya buo ang kanyang damdamin para patunayan na mahal nya si Lucy Toress na ngayong ay Congresswoman. This bold move only proves that he is there for the love.

Sarah and Matteo, loving minus the pre-nup

Ito ay opposite naman sa ginawa ng couple na AshMat – Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli - na kung saan ay hindi pumirma si Matteo at Sarah ng prenuptial agreement at sa halip ay nagpakasal ng patago. Kung ano man ang dahilan ay walang nakakaalam pero sana ginaya nya si Mayor Goma na pumirma ng prenuptial agreement upang patunayan ang kanyang hangarin na hanggang ngayon ay pinatutunayan ang pag-ibig kay Congresswoman Lucy sa kahit na anong paraan.