Rhian Ramos |
Halos abutan na raw ng pagsikat ng araw bago dalawin ng antok si Kapuso actress na si Rhian Ramos magmula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.
Kahit naka-adjust na sa tinatawag na ‘new normal’, aminado si Rhian na nahihirapan itong makatulog lalo na noong mga unang araw nito.
“Noong una, hirap na hirap akong matulog. Pa-late nang pa-late hanggang pinapanood ko muna 'yung sunrise bago ako matulog," kuwento ni Rhian.
Dagdag pa ni Rhian, noong kakadeklara pa lang daw ng ECQ ay excited pa siya dahil sa wakas ay nagkaroon ito ng oras para sa sarili gaya ng panonood ng shows, pag-aaral ng bagong skills, at mag-enroll sa mga online masterclass.
Sa paglipas ng panahon ay naisipan daw ni Rhian na gumawa ng routine at schedule para magkaroon ng structure ang kanyang mga araw.
Alas onse ng gabi ito natutulog at alas otso ng umaga ito gumigising saka raw siya gagawa ng mga gawaing bahay gaya ng pagluluto, paglalaba, at pagliligpit.
*****
Tuloy ang pagtulong ni Heart Evangelista sa mga apektado ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Ang kanyang tinutulungan ay ang mga frontliner na patuloy na nagsasakripisyo para sa ating mga kababayan.
Heart's 'Upended 2020' painting |
“My painting, “Upended 2020,” was sold to Art for Life and the proceeds will go to our dear frontliners. I'm sad to let it go but I'm so so happy that it will be part of someone else's story.”
*****
Nais ni Ina Feleo na mas lalong mahalin ng tao ang kani-kanilang katawan, anuman ang hugis nito.
Ayon sa kanyang Instagram post: “It's okay to be body positive but to be neutral and want to improve yourself for yourself is also fair. If you feel that you aren't confident yet, that's fine and that gives you something to work on."
Wala raw masama sa kagustuhang i-improve ang katawan sa pamamagitan ng diets, exercises, at iba pa. Hangga't maaari lang, hiling ni Ina na matuto ang lahat na i-embrace kung ano ang meron sila.
"As long as we all respect our bodies and find what feels good is all that matters."
*****
Naaliw ang followers ng The Clash Season 1 alumnus na si Garrett Bolden sa kanyang TikTok account.
Pinost niya ang two-step tutorial kung paano gayahin ang boses ng The Clash panelists na sina Lani Misalucha at Christian Bautista.
Tip ni Garrett, dapat may konting nginig ang boses at maayos itong ma-modulate para maging katunog ng Asia's Nightingale.
Para naman magaya si Christian, ang pabirong hirit ni Garrett ay “Step 1: Alam n'yo 'yung 90 Day FiancĂ©, kilala ny'o si Rose? Medyo gagayahin lang natin boses ni Rose. I-a-apply n'yo lang s'ya sa bawat words na kakantahin mo. Step 2: Kilala mo 'yung partner n'ya, si Big Ed? Medyo gagayahin lang natin 'yung posture niya, kumbaga tight 'yung katawan."
Meron ng 152,000 followers at 617,000 likes si Garrett sa TikTok.
No comments: