Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » » » » » Baby Ziggy, nairaos ang birthday sa panahon ng epidemya

Baby Ziggy with Dad ang Mom




 Naging simple lang ang first birthday celebration noong nakaraang April 16 ni Baby Ziggy Dantes nila Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Primetime King Dingdong Dantes.Dahil sa ECQ (enhanced community quarantine), nag-bake na lang ng cake at gumawa ng ice cream si Marian gamit ang mga available ingredients sa kanilang kusina. 

Sa kanyang Instagram, nag-share si Marian ng cute picture ni Sixto na masayang naglalaro.



Happy Family

Dagdag pa ni Dingdong, mabuti raw na gamitin ang panahon na ito upang mas pangalagaan ng isa’t isa ang ating mundong ginagalawan maging ang mga taong nakakasama.

Magbabalik-telebisyon si Marian sa pagbibidahan nitong GMA series na First Yaya kasama si Gabby Concepcion. 


Pansamantala namang pinalitan ng Encantadia ang timeslot ng pinagbibidahang series ni Dingdong na Descendants of the Sun sa GMA Telebabad.


*****

Tuluy-tuloy ang pagtanggap ng donasyon para sa fundraising na “Guhit Pantawid: Portraits for a Cause” na ni-launch ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez kasama ang girlfriend si Carla Abellana. 

Ang maiipon na pondo ay gagamitin para sa daily wage earners na apektado ng COVID-19 pandemic. 



Joint tulong nina TomCar sa panahon ng CONDVID-19
Ayon kay Tom, first time niyang tumanggap ng commission artworks kaya espesyal sa kanya ang proyektong ito lalo na for a good cause. 

Inspirado rin ang Kapuso actor sa kanyang ginagawa at isang responsibilidad ang tingin niya rito. 



Tom and Carla's way of helping
Kuwento pa niya: “After ko matapos i-drawing and signed it, I put a little message for them. That way…grabe 'yung pasasalamat ko sa kanila because I know how difficult the circumstances are now and they are extending themselves out para lang matulungan din 'yung mga daily wage earner sa 'tin.” 

Samantala, muling nire-remind ni Carla ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan at sumunod sa mga patakaran ng gobyerno bilang tulong sa pagsugpo ng health crisis sa bansa. 


“Ang daming nagi-guilty na hindi sila makapagbigay ng tulong but staying at home is really the best way to think and help. 'Wag tayong mawawalan ng pag-asa. Sulitin na lang natin 'yung time natin para makapagpahinga, na gawin 'yung mga hobbies.”







*****
Heart's stylish mask

Nakiisa ang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista-Escudero sa #MaskSimple challenge ng kanyang mga kaibigan na designers sina Rajo Laurel at Nix Alanon. 

Sa kanyang latest Instagram post, ipinakita ni Heart kung paano gumawa ng simpleng face mask na gamit lamang ang isang pirasong tela at dalawang rubber bands.

“If you have any scarves or scrap fabrics at home, here's a simple way to make your own masks. You can even put a filter inside for added protection."


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply