Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Throwback: Hilda Koronel






Isa si Hilda Koronel (Susan Reid sa tunay na buhay) sa magaling na aktres ng Philippine cinema. Bukod sa kanyang talent, taglay din ni Hilda ang isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz.

Nakilala si Hilda noong 1970 nang nanalo siya FAMAS bilang best supporting actress sa pelikulang "Santiago." Noong panahong iyon, si Hilda ang pinakabatang nanalo ng Famas sa edad na 13.


In "Kung Mangarap Ka't Magising"
Nakitaan ni Direk Lino Brocka ng talent si Hilda kaya naman sinundan pa ito ng paglabas niya sa mga critically-acclaimed Filipino films na "Tinimbang ka Nguni't Kulang" at "Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag."

Taong 1976 nang nanalo si Hilda sa Metro Manila Film Festival bilang best actress sa pelikulang "Insiang" kung saan gumanap siya bilang rape victim ng lover ng kanyang mother. Wagi rin siya sa bilang best actress para sa same movie mula sa Gawad Urian. Ang pelikulang "Insiang" ang kauna-unahang Filipino movie na ipinalabas sa Cannes Film Festival sa France.

Lumabas din si Hilda sa iba pang hindi malilimutang movies tulad ng "Kung Mangarap Ka't Magising," "Gaano Kadalas Ang Minsan," "Sana Bukas Pa Ang Kahapon," "Palabra de Honor," "Kung Mahawi Man Ang Ulap," "Working Girls," "Tanging Yaman," "Santa Santita," atbp.

Ang huling movie na kanyang ginawa ay ang "The Mistress" noong 2012. Ang blockbuster na ito ay pinagbibidahan nila John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Wagi rin siya rito ng best supporting actress sa Luna Awards noong 2013.

Sa TV naman, lumabas din si Hilda sa "Esperanza," "Mula Sa Puso," "Sa Dulo Ng Walang Hanggan," "Kung Mawawala Ka," etc. Pinakahuling teleserye na kanyang ginawa ang "Ikaw Ang Lahat Sa Akin" noong 2005.


Pagdating sa lovelife, kilala si Hilda bilang ka loveteam ni Jay Ilagan, isa ring multi-awarded actor na namayapa na. Nagkatuluyan sila at nagkaroon ng dalawang anak. Nagkaroon din ng kids si Hilda sa ibang guy na naka-relasyon niya.

Nasaan na nga ba si Hilda ngayon?\


Hilda with husband Ralph Moore Jr.
Noong May 2000, ikinasal si Hilda kay Ralph Moore Jr., isang Filipino-American na naka-base sa Nevada, USA. Doon na ngayon naninirahan ang mag-asawa.


Ngayong taon, 2020, nagse-celebrate si Hilda ng kanyang 50th anniversary sa show business. Ayon sa kanya, busy siya ngayon sa pag-aalaga ng kanyang husband, mga pets at sa gardening. Sa kabuuan, meron na siyang anim na anak pero hindi niya lahat kasama ang mga ito.

Hilda is one of the greatest actress of the industry
Sa interview ng Inquirer.net sa 63-year-old star noong January 2020, tinanong ang premyadong aktres kung miss pa ba niya ang showbiz.

Sagot ni Hilda: "Sometimes, but not really. I get a lot of offers every year, but I will only do one that excites me. Plus, I’m getting old. I don’t like scripts that require me to cry from beginning to end. My health is more important to me now than anything else. We shall see what offers we have for 2020."


Edward Barber: Biktima ng impostor

Edward Barber



 Warning sa mga basher at impostor ni Kapamilya star Edward Barber!

Kung ayaw ninyong "makuyog" sa social media, iwasang gamitin ang kanilang idol sa mga kalokohan!

Edward, may impostor
Ganito kasi ang nangyari: May isang impostor na nagpakilala sa Facebook na Edward Barber na diumano ay nag-post ng mga message sa kanyang ex-girlfriend.

Ang ginawa ng scammer ay nilagay rin nito ang pangalan ni Maymay Entrata sa post at lumabas tuloy na parang ang nag-uusap sa FB ay sina Edward at Maymay.

Kilala sila Maymay at Edward sa tandem na MayWard, mula sa Pinoy Big Brother Lucky 7 ng ABS-CBN noong 2016.

Nakita ito ng ilang members ng MayWard Flyers, fan club nila Edward at Maymay, at sila'y na alarma dahil wala naman palang active Facebook account si Edward.

Nakarating na ang kalokohan na ito ng impostor kay Edward pero hindi naman daw affected ang aktor.

Pero hindi pa pala dito natatapos ang walang magawang impostor.

Kinabukasan, ang ginawa naman ng impostor ay gumamit ang picture ni Edward mula sa lumang Facebook account nito.

Hindi nga affected ang aktor pero hindi na ito pinalampas ng kanyang mga fans.

Dito na kinuyog ng MayWard Flyers ang pekeng Facebook account. Sama-samang binatikos ng MayWard fans ang Facebook ng impostor.

Maymay Entrata and Edward Barber
Nag-comment sila ng mga masasakit na salita laban sa may pakana ng pekeng Facebook na pag-aari kuno ni Edward.

Hindi rin ma-take ng mga MayWard Flyers na mali-mali ang grammar ng fake na Edward sa mga English post nito.

Magaling sa English si Edward ayon sa MayWard Flyers at hindi raw ito magkaka-mali sa tamang spelling ng "troback" at "cherful" na siyang nilagay ng impostor.

So ayan! Kaya ingat ang iba diyan na may plano ring isangkot ang tambalang MayWard sa mga kalokohan nila at baka sila naman ang sumunod na kuyugin at bombahin ng MayWard Flyers!


CENTERSTAGE: Miss Philippines-Earth 2020, tuloy na tuloy

Miss Philippines-Earth Janelle Lazo Te




Walang mga pageant fans na maghihiyawan at walang bonggang stage!


Ito ang magiging scenario sa pagtatanghal ng grand coronation ng Miss Philippines-Earth 2020 beauty pageant sa kanilang virtual reality show na tentative na gagawin sa May 24.

Ibig sabihin ay mapapanood lamang ang finals ng Miss Philippines-Earth 2020 sa social media platform ng MPE pero ipapalabas din ito sa ABS-CBN.

"We are now preparing for a virtual presentation of MPE 2020 that will be aired on ABS CBN and in our social media account. Our tentative date is May 24, 2020," ayon kay Lorraine Schuck, Executive Vice President ng Carousel Productions, organizer ng taunang Miss Philippines-Earth at Miss Earth contests.
Miss Philippines Earth 2019 winners

Kung matutuloy, ito ang kauna-unahang national beauty contest na gagawing virtual reality na ayon na rin sa pagtupad sa mga rules and regulations para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 virus.

Sinabi rin ni Schuck na ihahayag daw nila ang iba pang details ng show para sa grand finals sa mga darating na araw.

Inamin ni Schuck na talagang naapektuhan ang preparation nila para sa Miss Philippines-Earth 2020. December 2019 pa lamang ay nag-announce na kaagad ang MPE na tumatanggap na sila ng mga applicants para sa official candidates ng naturang beauty pageant.


"COVID19 prevented our preparations for below the line events and a pageantry, an elaborate presentation for the coronation night the normal way, but it did not stop Miss Earth from promoting its main cause — awareness on environmental issues," sinabi ni Schuck.

Lorraine Schuck with her queens
Naniniwala rin ang MPE official na mukhang tatagal pa ang COVID-19 krisis hanggang sa 2021 kaya may possibility na maging virtual reality pa rin ang mga susunod nilang pageant.

Ang mananalo sa Miss Philippines-Earth 2020 ay magiging representative ng Pilipinas sa Miss Earth contest. Ang TV host na si Janelle Lazo Tee ang reigning Miss Philippines-Earth.

Pero sabi ni Schuck na hindi pa raw nila napapag-usapan ang tungkol sa Miss Earth pageant.

Kahit nagkaroon ng health crisis, never raw inisip ni Schuck na ihinto ang Miss Philippines-Earth pageant ngayong 2020.

Nagpapasalamat siya sa mga media na patuloy na tumatangkilik sa Miss Philippines-Earth pageant na ngayon ay 20 years old na.

Para makatulong sa krisis, nagsagawa ng health forum ang Miss Philippines-Earth para maging aware ang mga tao sa environmental issues na related sa pagsugpo ng coronavirus.


Maffi Papin Carrion: Rumesback sa mga bashers

Maffi Papin


Mala-Rambo ang naging peg ni Noble Queen of the Universe International Maffi Papin Carrion sa mga bashers ng kanyang mother na si Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin dahil sa bago nitong kanta na "IIsang Dagat."

Galit na galit si Maffi na nagbigay ng mga comment sa bashers lalo na sa isang netizen na nag-sabing "Imelda must be shot."

Sinabi ni Maffi na gagawa ang pamilya niya ng mga hakbang laban sa mga kahibangan ng mga bashers na below-the-belt na ang mga comment sa kanila.

Pero binura na rin lahat ni Maffi ang mga negative comments na ito sa Facebook. Abangan na lamang natin ang mga susunod na kabanata.

Maffi with mom  Imelda Papin

Pinalitan na ito ni Maffi ng mga positive words: "We Love the Philippines and the Filipino people! My Mom Imelda Papin has the purest of heart and intentions! We have helped, served and saved countless numbers of lives of our kababayans. The Philippines belongs to the Filipino people! May God Bless us all. Heal this entire world and shower us with all the Love in this world!"

Matatandaang na-stress si Maffi few days ago dahil sa bashers ng kanyang mother dear matapos itong umawit ng "Iisang Dagat" kasama ang mga Chinese personalities.

Sinabi ng mga netizen na hindi napapanahon ang awitin ni Imelda dahil on-going ang mainit na issue ng West Philippine Sea.

Pinaliwanag naman ni Imelda sa isang statement na walang masama sa kantang ito dahil ang awitin ay isang unity song.
"This literally has been blown out of proportion!'-Maffi
 

Pero bago pala iyan, nag-init na pala ang ulo ni Maffi dahil may gumawa ng fake Facebook account ng kanyang mother dearest kung saan inaaway kuno ni Imelda ang mga local government officials dahil sa mga nagugutom na tao sa Bicol.

Sa kanyang post noong April 18, sinabi ni Maffi: "This literally has been blown out of proportion! For the people who claim that this is a real account of my Moms be very scared, be very very scared !!! Because damay kayong lahat !! You are impersonating someone and creating satire news;

"You guys are destroying a reputation of a person that has only known to serve the people out of her heart !!!! She doesn’t need to be a politician but she chose to serve all of you !!!!!!!!!!!! Why????"

Imbes na patulan pa ni Maffi ang mga basher sa social media, inalayan na lamang niya ito ng mga masasayang Tik Tok.

Traidor sa Bayan: "I don't see anything wrong singing Iisang Dagat."- Imelda Papin

Maffi Papin and former Jukebox Queen Imelda Papin




 Hindi masikmura ni Noble Queen Universe International Maffi Papin Carrion ang mga panlalait at bashing sa kanyang dear mother na si Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin matapos itong kantahinsa isang new recording titled "Iisang Dagat (One Sea)" kasama ang ibang Chinese singers.

Kung anu-ano ang tinawag sa Sentimental Songstress na nagpasikat noon ng mga kantang "Bakit? (Kung Liligaya Ka, sa Piling ng Iba," "Isang Linggong Pag-Ibig," at marami pang iba. Tinawag silang traitor at hindi makabayan.


Noble Queen Universe International Maffi Papin Carrion 
Sa mga hindi familiar sa chika, ganito ang nangyari: inimbitahan si Imelda na umawit ng "Iisang Dagat" kasama ang mga Chinese personalities. Ang project ay isang unity song sana para sa Pilipinas at China pero hindi naging maganda ang peg nito sa ibang Pinoy lalo't pinagtatalunan ngayon ng dalawang bansa ang West Philippine Sea.

Foul ang bashing ayon kay Maffi dahil isa lang naman ang gustong mangyari ng kanyang mother: magkaisa ang lahat.

"People judged prematurely before fully understanding the song. And it truly breaks my heart with how they are reacting. I understand having the freedom of speech which everyone is entitled to on any level. However when you start 

condemning people that is a different story," ayon kay Maffi. "The bullying is so inhumane by a lot of our kababayans that it is unfathomable."

Alam naman daw niya ang issue tungkol sa West Philippine Sea pero hindi naman daw kailangan umabot sa mga below-the-belt ang bashing.

Kung hahantong naman daw ang issue na ito sa digmaan sa darating na panahon (huwag naman sana), sa Pilipinas pa rin naman daw siya kakampi.

Kinumpara ni Maffi ang awiting "Iisang Dagat" sa OPM classic na "Isang Mundo, Isang Awit" na pinasikat ni Leah Navarro at nanalong first prize sa Metro Manila Popular Music Festival noong 1980.

Proud din si Maffi na napili ang kaniyang mommy dear sa international song na ito na sinulat ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.


Former Jukebox Queen Imelda Papin
Ka-jamming ni Imelda sa kantahan sina Chinese diplomat Xia Wenxin, Filipino-Chinese singer Jhonvid Bangayan, at Chinese actor Yubin.

"Ang awitin na 'Iisang Dagat' is about pagkakaisa, pagtutulungan, at pag-asa. Parang 'Isang Mundo, Isang Awit.' Sa lahat na singers sya ang pinili. Ano'ng masama po doon artist sya? Secondly, maganda naman ang lyrics - its all about unity- pagkakaisa, pagtutulungan at pag asa. Eversince, unity has been her advocacy kaya tinanggap nya po ang project," ayon kay Maffi.

Sinabi rin ni Maffi na walang bayad ang kanyang mommy sa project.

"My mom didn't even charge a single cent from this. It’s purely out of love, care and unity especially during this critical time. The morale of the people is so low dahil hindi natin nakikita ang kalaban dito sa COVID 19. Kaya baka yong boses na binigay ng Diyos sa kanya makatulong sa pagbigay inspiration man lang sa iba at tumaas ng konti ang kanilang moral."
The mother and daughter team of Imelda and Maffi
Sa isang statement na inilabas ni Imelda, sinabi niyang walang masama sa ginawa niyang recording kasama ang mga Chinese stars.

"I was requested to sing and the only Filipino singer that was chosen by no less than the China Ambassador Xilian as one of the singers together with the Chinese stars with no pay at all. Not a single cent was given;

"With all sincerity as an artist, I accepted to join the recording because I don't see anything wrong singing a unity song. I don't see anything wrong singing 'Iisang Dagat',

"COVID-19 is the main reason why I would also like to join the other Chinese stars. It is now that we need to be united and help one another for we do not see our real enemy," ayon kay Imelda. 


FRESH: Erik Lennart Visser is "12"

Erik Lennart Visser




 Si Erik Lennart Visser ay isang Filipino-Dutch na nanalong Ginoong Pilipinas Mr. Universe Tourism. Based siya ngayon sa Cebu City.


Pero huwag isnabin. Hindi lang face at body ang puwedeng ipagmalaki ni Erik
Ang 21-year-old na pageant title holder na ito ay isang licensed pilot at degree holder ng International Studies mula sa Silliman University sa Dumaguete City.

Ang hunk na ito na may height na 6'3 ay isang beach lover. Kaya huwag kukurap kung sakaling nasa beach kayo. Who knows baka makasabay ninyo si Erik sa isang favorite beach hang out.


Wanna swim with Erik?
Sa looks ni Erik, hindi nakapagtataka kung pasukin ni Erik ang modelling o showbiz at makipagsabayan siya sa ating mga sikat na male stars.

Kilalanin pa natin si Erik Visser:

* Celebrity crush - "Liza Soberano."

* What would you do if you had one millions dollars? - "Buy one million one-dollar meals for street children."

* What are your personal goals? - "To become a pilot someday, but not before I pursue my modelling career."

* What do you find attractive in a woman? - "Her teeth and the way she laughs."

* At what age you lost your innocence? - "16 or something."

* What should every man try at least once in his life? - "To travel the whole world."

* What is the best gift you have ever received? - "My car."

* Shoe size: "12"

* What is the happiest event in your life? - "When I won Ginoong Pilipinas Mr. Universe Tourism."
Ginoong Pilipinas Mr. Universe Tourism

*  What is your go-to karaoke song? "She Will Be Loved, probably?

* Love or money? - "Love."

* Car or motorcycle? - "Car."

* Hamburgers or hotdogs? - "Hotdogs."

* Fruits or vegetables? - "Fruits."

* Mountains or beach? - "Beach."

* Boxers or briefs? - "Boxers."

* Describe yourself with one word - "Charming."



Shamcey at Jonas: Tumulong sa mga kababayan

Shamcey and Jonas




Hindi man natuloy ang grand coronation ng mga beauty pageants sa ating bansa ay buhay na buhay naman ang mga organizer sa kanilang mga charity work para labanan ang COVID-19 virus.


Ilan sa mga beauty pageants na ito ay ang Miss Universe Philippines, Mutya Pilipinas, Miss Asia Pacific International, Miss World Philippines, Binibining Pilipinas, at Queen of Hearts.

Unang nagpakitang gilas sa charity mission laban sa coronavirus ay ang MUP team na pinangunahan nila Shamcey Supsup-Lee at Jonas Gaffud.

Shamcey helping her kababayan
Sa loob ng isang linggo sa ilalim ng busog-lusog program, nagdeliver sila ng free food packs para sa mga stranded na estudyante sa UP Diliman. Sinundan naman nila ito ng additional food packs para sa mga pamilya na nasa National Children's Hospital.

Sumunod na rin ang Mutya Pilipinas sa pangunguna ng kanilang presidente na si Cory Quirino. Nagkaroon sila ng fund-raising campaign "Beauty in Giving" na tutulong sa Philippine General Medical Foundation, Inc.

Nariyan din ang Queen of Hearts Foundation sa ilalim ni Mitzie Go-Gil at ang Miss Asia Pacific International na nasa leadership naman ni Jacqueline Tan. Puspusan ang kanilang bigay-tulong sa mga frontliner natin.

Hindi rin pahuhuli ang Binibining Pilipinas at Miss World Philippines sa pagbibigay tulong sa mga kapos nitong krisis. Para sa mga karagdagang information sa mga gustong tumulong, bisitahin ang mga Facebook o Instagram ng mga organization na ito.

O di ba? At least masasabi natin na talagang napanindigan ng mga beauty pageants na ito ang kanilang mga advocacy na tumulong sa oras ng pangangailangan.


*****

Naka-chat natin noong isang gabi si Yves Campos, ang reigning Mister Culture and Tourism Universe. Kasalukuyang nasa Nevada ngayon si Yves kung saan isa siyang ICU nurse na nagsisilbi sa mga COVID-19 patients.

Kinumusta namin siya at sinabi niyang takot na takot daw talaga siya sa mga nangyayari ngayon tungkol sa coronavirus.


Yves Campos
May mga umaga raw na praning na talaga siya at check niya lagi kung may lagnat o ubo na siya matapos umalis ng hospital.

Pero matatag lamang daw siya dahil ang pagiging nurse daw talaga ang pinili niyang profession.

Nagbigay uli siya ng paalala sa publiko laban sa COVID-19.

"Stay home. Wash your hands. Drink lots of water, take Vitamin C or immune booster every day. Wearing face mask in public and using plastic utensils will also help us prevent coronavirus. Some of you may not appreciate what the government is doing or what a frontliner is saying but take it from me. What you see and hear in the media is much worse when you see an actual COVID-19 patient."

On Christoper de Leon: "Na-survive nga niya si Nora Aunor, si Corona Virus pa?" -Lolit Solis

Christoper de Leon, nagpapagaling sa COVID-19




Shock ang sambayang Pilipino nang lumabas ang balita na kumpirmadong may COVID-19 ang batikang aktor na si Christopher de Leon. Inamin niya ito sa isang socmed post niiya last March 17.

Si Boyet ang kauna-unahang artista sa Pilipinas na umamin na may Covid-19 virus.

Sinabi ni Boyet na wala raw siyang travel history kung saan posibleng mahawa siya ng Corona Virus.


Taping break of Love Thy Woman
Ayon sa kanya, malamang na nakuha raw niya ito sa pakikisalamuha sa mga tao.

Marami raw siyang nakasamang iba-ibang tao nitong mga nakaraang araw kaya posibleng doon siya nahawaan.

Umapela si Boyet sa mga nakasama niya nitong mga nakaraang araw na magpa-check up o magpa-quarantine upang hindi na kumalat pa ang virus.

Kahanga-hanga ang ginawa ni Boyet. Hindi lahat ay kayang lumantad at ipagsigawan na may karamdaman sila. Andiyan na mahihiya ka o pandidirian ka. Higit pa riyan ay i-iwasan ka rin ng mga tao. Pero para sa bayan, lumantad siya.

Positive si Sandy Andolong, misis ng aktor na malalampasan nila ito lalo't wala naman daw kakaibang nararamdaman si Boyet although meron siyang sipon.

Dagdag pa ni Sandy na nagpa-check up na rin sila sa hospital para masiguro ang kanilang lagay.

Text back naman ni Lolit Solis kay Jerry Olea: “Malakas ang faith niya. Na-survive nga niya si Nora Aunor, si Corona Virus pa?! hah hah joke!” Former husband and wife sina Boyet and Ate Guy.


Nahawa  kaya ng COVID-19 sa aktor sina Zsa Zsa at Eula?
Posibleng may nahawaan daw si Boyet na co-star o production staff kung tutoog nakuha nga niya ito sa set ng teleserye, ayon sa kanyang mga friends.

Hindi rin kaiba ang ginawa ng Hollywood actor na si Tom Hanks at ang kanyang asawa na si Rita Wilson, parehong 63, kamakailan lamang. Pinag-sigawan din nila na nahawaan siya ng COVID-19 ay dapat mag-ingat ang lahat.



Sa ngayon, nagpapagaling ang aktor .Hoping, malampasan niya ang pagkahawa niya sa COVID-19 at gumaling kaagad.