Edward Barber |
Kung ayaw ninyong "makuyog" sa social media, iwasang gamitin ang kanilang idol sa mga kalokohan!
Edward, may impostor |
Ang ginawa ng scammer ay nilagay rin nito ang pangalan ni Maymay Entrata sa post at lumabas tuloy na parang ang nag-uusap sa FB ay sina Edward at Maymay.
Kilala sila Maymay at Edward sa tandem na MayWard, mula sa Pinoy Big Brother Lucky 7 ng ABS-CBN noong 2016.
Nakita ito ng ilang members ng MayWard Flyers, fan club nila Edward at Maymay, at sila'y na alarma dahil wala naman palang active Facebook account si Edward.
Nakarating na ang kalokohan na ito ng impostor kay Edward pero hindi naman daw affected ang aktor.
Pero hindi pa pala dito natatapos ang walang magawang impostor.
Kinabukasan, ang ginawa naman ng impostor ay gumamit ang picture ni Edward mula sa lumang Facebook account nito.
Hindi nga affected ang aktor pero hindi na ito pinalampas ng kanyang mga fans.
Dito na kinuyog ng MayWard Flyers ang pekeng Facebook account. Sama-samang binatikos ng MayWard fans ang Facebook ng impostor.
Maymay Entrata and Edward Barber |
Hindi rin ma-take ng mga MayWard Flyers na mali-mali ang grammar ng fake na Edward sa mga English post nito.
Magaling sa English si Edward ayon sa MayWard Flyers at hindi raw ito magkaka-mali sa tamang spelling ng "troback" at "cherful" na siyang nilagay ng impostor.
So ayan! Kaya ingat ang iba diyan na may plano ring isangkot ang tambalang MayWard sa mga kalokohan nila at baka sila naman ang sumunod na kuyugin at bombahin ng MayWard Flyers!
No comments: