|
Hindi masikmura ni Noble Queen Universe International Maffi Papin Carrion ang mga panlalait at bashing sa kanyang dear mother na si Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin matapos itong kantahinsa isang new recording titled "Iisang Dagat (One Sea)" kasama ang ibang Chinese singers.
Kung anu-ano ang tinawag sa Sentimental Songstress na nagpasikat noon ng mga kantang "Bakit? (Kung Liligaya Ka, sa Piling ng Iba," "Isang Linggong Pag-Ibig," at marami pang iba. Tinawag silang traitor at hindi makabayan.
Noble Queen Universe International Maffi Papin Carrion |
Foul ang bashing ayon kay Maffi dahil isa lang naman ang gustong mangyari ng kanyang mother: magkaisa ang lahat.
"People judged prematurely before fully understanding the song. And it truly breaks my heart with how they are reacting. I understand having the freedom of speech which everyone is entitled to on any level. However when you start
condemning people that is a different story," ayon kay Maffi. "The bullying is so inhumane by a lot of our kababayans that it is unfathomable."
Alam naman daw niya ang issue tungkol sa West Philippine Sea pero hindi naman daw kailangan umabot sa mga below-the-belt ang bashing.
Kung hahantong naman daw ang issue na ito sa digmaan sa darating na panahon (huwag naman sana), sa Pilipinas pa rin naman daw siya kakampi.
Kinumpara ni Maffi ang awiting "Iisang Dagat" sa OPM classic na "Isang Mundo, Isang Awit" na pinasikat ni Leah Navarro at nanalong first prize sa Metro Manila Popular Music Festival noong 1980.
Proud din si Maffi na napili ang kaniyang mommy dear sa international song na ito na sinulat ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Former Jukebox Queen Imelda Papin |
"Ang awitin na 'Iisang Dagat' is about pagkakaisa, pagtutulungan, at pag-asa. Parang 'Isang Mundo, Isang Awit.' Sa lahat na singers sya ang pinili. Ano'ng masama po doon artist sya? Secondly, maganda naman ang lyrics - its all about unity- pagkakaisa, pagtutulungan at pag asa. Eversince, unity has been her advocacy kaya tinanggap nya po ang project," ayon kay Maffi.
Sinabi rin ni Maffi na walang bayad ang kanyang mommy sa project.
"My mom didn't even charge a single cent from this. It’s purely out of love, care and unity especially during this critical time. The morale of the people is so low dahil hindi natin nakikita ang kalaban dito sa COVID 19. Kaya baka yong boses na binigay ng Diyos sa kanya makatulong sa pagbigay inspiration man lang sa iba at tumaas ng konti ang kanilang moral."
The mother and daughter team of Imelda and Maffi |
"I was requested to sing and the only Filipino singer that was chosen by no less than the China Ambassador Xilian as one of the singers together with the Chinese stars with no pay at all. Not a single cent was given;
"With all sincerity as an artist, I accepted to join the recording because I don't see anything wrong singing a unity song. I don't see anything wrong singing 'Iisang Dagat',
"COVID-19 is the main reason why I would also like to join the other Chinese stars. It is now that we need to be united and help one another for we do not see our real enemy," ayon kay Imelda.
No comments: