|
Hindi man natuloy ang grand coronation ng mga beauty pageants sa ating bansa ay buhay na buhay naman ang mga organizer sa kanilang mga charity work para labanan ang COVID-19 virus.
Ilan sa mga beauty pageants na ito ay ang Miss Universe Philippines, Mutya Pilipinas, Miss Asia Pacific International, Miss World Philippines, Binibining Pilipinas, at Queen of Hearts.
Unang nagpakitang gilas sa charity mission laban sa coronavirus ay ang MUP team na pinangunahan nila Shamcey Supsup-Lee at Jonas Gaffud.
Shamcey helping her kababayan |
Sumunod na rin ang Mutya Pilipinas sa pangunguna ng kanilang presidente na si Cory Quirino. Nagkaroon sila ng fund-raising campaign "Beauty in Giving" na tutulong sa Philippine General Medical Foundation, Inc.
Nariyan din ang Queen of Hearts Foundation sa ilalim ni Mitzie Go-Gil at ang Miss Asia Pacific International na nasa leadership naman ni Jacqueline Tan. Puspusan ang kanilang bigay-tulong sa mga frontliner natin.
Hindi rin pahuhuli ang Binibining Pilipinas at Miss World Philippines sa pagbibigay tulong sa mga kapos nitong krisis. Para sa mga karagdagang information sa mga gustong tumulong, bisitahin ang mga Facebook o Instagram ng mga organization na ito.
O di ba? At least masasabi natin na talagang napanindigan ng mga beauty pageants na ito ang kanilang mga advocacy na tumulong sa oras ng pangangailangan.
*****
Naka-chat natin noong isang gabi si Yves Campos, ang reigning Mister Culture and Tourism Universe. Kasalukuyang nasa Nevada ngayon si Yves kung saan isa siyang ICU nurse na nagsisilbi sa mga COVID-19 patients.Kinumusta namin siya at sinabi niyang takot na takot daw talaga siya sa mga nangyayari ngayon tungkol sa coronavirus.
Yves Campos |
Pero matatag lamang daw siya dahil ang pagiging nurse daw talaga ang pinili niyang profession.
Nagbigay uli siya ng paalala sa publiko laban sa COVID-19.
"Stay home. Wash your hands. Drink lots of water, take Vitamin C or immune booster every day. Wearing face mask in public and using plastic utensils will also help us prevent coronavirus. Some of you may not appreciate what the government is doing or what a frontliner is saying but take it from me. What you see and hear in the media is much worse when you see an actual COVID-19 patient."
No comments: