|
Kapag wala raw ang girlfriend nitong si Andrea Torres, inamin ni Kapuso hunk actor Derek Ramsay na iba ang niyayakap nito.
Ang tinutukoy ni Derek ay ang mahabang unan nito na mula sa Japan na kung tawagin ay athlete’s pole, hinihigaan daw niya ito upang makatulong sa pag-align ng spine at pag-strengthen ng kanyang core.
Derek and Andrea, siuper happy pa rin |
Sa kanyang Youtube video ay ibinahagi ni Derek ang mga bagay na hindi niya raw kakayaning mabuhay ng wala gaya ng car keys at necklace na bigay ng girlfriend nitong si Andrea.
May kakaibang glow din si Derek simula nang maging sila ni Andrea.
Anyway, magbabalik-telebisyon ang AndRek sa GMA series na Sanggang Dikit na maaksyon daw at malayo sa huli nilang pinagbidahang serye na The Better Woman.
*****
Maganda, maayos at kahanga-hanga ang pagpapalaki ni Love of my Life star Coney Reyes sa anak nitong si Mayor Vico Sotto.
Inuulan kasi ngayon ng papuri sa social media ang anak ni Coney dahil sa aktibo at mabilis na pagpapatupad nito ng mga hakbang sa kanyang lungsod laban sa lumalaganap ngayong coronavirus disease.
Pero bukod sa mga tagahanga ng mayor, higit na mas proud ang ina nitong si Coney na umaming isa siyang disciplinarian at maka-Diyos pagdating sa pagpapalaki nito kay Vico.
“When my children were younger, I was really much stricter, now I do not interfere because I just believe that I raised them in the ways of the Lord," ngiti pa ni Coney.
*****
Dobleng pag-iingat ngayon ang veretan actress na si Snooky Serna sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic.
Dahil time out muna sa taping ng primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, siniguro ng aktres na handa siya at ang kanyang pamilya sa ipinapatupad na enchanced community quarantine sa Luzon.
Ayon kay Snooky, nag-grocery sila at sinuguro na may stock ng mga kailangang gamit sa bahay dahil sa lockdown. Palagi rin siyang naghuhugas ng kamay para mapanatili na malinis ang katawan.
For a few weeks ay wala muna sa ere ang primetime series si Snooky na Masaya siyang katrabaho ang lahat ng kanyang co-stars.
Natutuwa naman si Snooky na magaan katrabaho sina Barbie Forteza at Kate Valdez.
“Barbie Forteza and Kate Valdez are so giving and supportive as well as they are both very professional and kind.
“Habang naka-break ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday, mapapanood pansamantala ang hit primetime show na Kambal, Karibal sa timeslot nito sa GMA Telebabad.
*****
Masayang inanunsyo ng mag-asawang Max Collins at Pancho Magno na lalaki ang kanilang magiging unang anak.
Ito ang naging revelation ng Kapuso couple sa pamamagitan ng isang YouTube video kasama ng kanilang pamilya.
Masayang-masaya ang dalawa at excited na sa paparating na blessing. Nakatanggap ang mag-asawa ng maraming pagbati na nagmula sa kanilang mga kapwa Kapuso artist, kaibigan, at netizens.
Congratulations, Max and Pancho!
No comments: