The Prima Donnas and their boys |
When the GMA teleserye, Prima Donnas started airing, the three Donnas already made an interesting story. The story of the lost princesses or the three Donnas. Kahit papaano ay namayagpag ang kakaibang istorya na pinagbibidahan nila Jilian Ward, Sofia Pablo, at Althea Ablan. Dating mga child star na ngayon ay mga umuusbong na magagandang dalagang artista ng Kapuso Network.
At dahil sa mga angking ganda ng mga batang ito ay hindi maaalis na gawan sila ng istorya na magkaroon ng kanya-kanyang mga love team. Sabagay, ang isang teleserye ay hindi kumpleto kung walang kasamang istorya ng pag-ibig at mga charot ek ek para kiligin at langgamin di lang ang mga artist kundi pati na rin ang mga manonood.
Sa takbo ng istorya ng Prima Donnas ay makikita mo ang unti-unting pagpapakilala sa ibang mga karakter na magbubuo ng kani-kaniyang mga love team. Nauna na ang paglabas ni Will Ashley sa karakter ni Nolan, na nung una ay parang medyo malabo kung sino ang kanyang love interest, si Jilian Ward bilang Donna Marie o si Sofia Pablo na umaacting na Donna Lyn. Sinundan pa ang medyo magulo at maintrigang tagpo sa paglitaw nila Vince Crisostomo at Julius Miguel na kung saan naging parang aso’t pusa ang mga karakter nila. Magkakaaway sa simula pero sa huli ay magkakahulihan din ng kiliti.
SoWill |
So, nagsimula ang mga bagong love team na may mga kanya kanyang pangalan na Jilvin for Jillian Ward and Vince Crisostomo, SoWill para kay Sofia Pablo at Will Ashley, at ang huli ay TheaGuel na kung saan ay tinaguriang din Siopao love team, Althea Ablan at Julius Miguel.
TheGuel |
No comments: