|
An optimistic post from Facebook, and
yes, we look forward to this happening: “When this ends, AND IT WILL, every
game will sell out, every restaurant will have a 2-hour wait, every kid will be
glad to be in school, everyone will love their job, the stock market will
skyrocket, and we will embrace and shake hands. Every other house will be
filled with laughter and love. That’s
going to be a pretty good day. Hang in there,
World.”
Habang inaantay natin ang katuparan nito,
sino ba muna ang mga prettiest artistang babae sa kasalukuyan na bonggang-bongga
sigurong makayakap ng mahigpit na mahigpit pag tepok na nga ang pisting veerus
na ito.
LizQuen, may sawa factor na ba? |
Siempre pa, ang pinaka-magandang
dalagaga para sa mga millennial, si Liza Soberano. Daig pa nga ni Enrique Gil
ang tumama sa lotto dahil talaga namang makabagong Venus itong si Soberano.
Kahit ang buhok niya ay pinakulot o tuwid na tuwid, may make-up o wala, at parang
pagsubok sa kakayahan ng styling team kung gagawin siyang babaing dukha dahil
kahit saan anggulo tignan, yayamanin ang arrive na ito.
Of course, ang hiling ng lahat, ipareha
naman si Liza Soberano sa ibang artistang lalaki dahil nga nakakaumay at
nakakabagot na palaging si Gil ang kanyang katambal.
Panalo kung pagtatambalin sila ni
Daniel Padilla. Wagi rin kung makaka-sparring niya sa aktingan si James Reid. At
mas siksik, liglig at umaapaw sa takilya ang isang pelikula, kung sila ni Alden
Richards ay pagtatambalin.
Ang pambansang harot, si Maja Salvador,
Marami ang lalaki ay kanyang binibighani dahil may taglayu na pang-halina at
karisma na talagang nakakabuhay ng mga ugat na tulog at kalamanang pumipintig-pintig.
Ang artistang lalaki na rin naman ang
narahuyo sa kanyang kaharutan, maski itanong pa natin sa mga naging malalapit
sa kanyang sina Matteo Guidicelli, Gerald Anderson, Carlo Aquino at Coco Martin.
Maja and boyfriend Rambo Nunez |
Kahit pa nga masaya ang kasalukuyan nilang
relasyon ni Rambo Nunez, it does not diminish her allure at elya factor sa mga
barako.
Maja, please naman, huwag mo na lang uulitin
ang walang wawang drama na mala-The Killer Bride para hind maging spaghetting
pababa ang iyong karera.
Sa totoo lang, mas pinag-usapan pa ang
closeted gay character ni James Blanco sa evening show na parang kayo-kayo lang
ang nanood kesa sa iyo na supposedly eh ang major character, huh!
Siempre, pasok na pasok rin sa kagandahan
scale aalakasang nympha, ang babaing kayang tumibag ng relasyon, si Julia Barretto.
Paki-baba ang mga collective niyong kilay
kung hindi kayo nanalig na si Julia ang siyang dahilan kung bakit noong unang
panahon, ang relasyon nina Jasmine Curtis-Smith at Sam Concepcion ay nawasak.
Si Barretto rin ang natatanging teen-actress
na noong lumnabas ang alleged photo o bidyo scandal nga ba ni Marco Gumabao,
may tweet siya rito, if my memory serves me right, na parang binibiro niya ang
binatang makisig sa kakakaibang pinagkaka-bisihan nito.
Julia, nagbabadya |
Siempre pa, alam na rin naman natin kung
paano niya nilaspatangan ang closeness nila ni Joshua Garcia at kung paanong,
ang halos buong Pilipinas, buong-buo pananalig na may kakayahan siyang agawin
si Gerald Anderson kay Bea Alonzo.
Kaya, may pagdadabog pa ba ang inyong
bangs at hindi kayo kumbinsido na si Julia ay nympha of the highest order?
Liza, Maja or Julia, pasok ba sa pihikan
niyong panlasa bilang tres mujeres bonitas?
No comments: