Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

FRESH: Pinoy DJ Loonyo is like Ivana Alawi

DJ Loonyo aka Rhemuel Lunio aka DJ Rhemz 



  What's with this DJ Loonyo aka Rhemuel Lunio aka DJ Rhemz "thing" dominating the posts around the social media?

From what I've known, he made his Facebook Live via his @djloonyo account on March 16, 2020. He appealed to all of us, his fellow Filipinos to come as one and be vigilant in fighting this CoVid-19 "pandemic." Simula nang ginawa n'ya ang panawagan n'yang 'yun, inulan na si DJ Loonyo ng sari-saring reactions, puna, batikos, at mga papuri sa ginawa n'yang gesture.

Who is DJ Loonyo?

Bukod sa pagiging Disc Jock, s'ya ay naka-base ngayon sa Hangzhou, China as the newly-appointed CEO ng isang dance studio doon. In connection nga sa ginawa n'yang "appeal" sa atin, dumami tuloy ang mga naglalabasang videos, uploads and posts about him kaya lalong naging curious ang mga netizens sa kanya making him as one of the "hot items," sa totoo lang!


Loonyo is a sex object like Ivana
May kakaiba rin kasing "appeal" sa tao itong si DJ Rhemz eh,  most especially sa mga girls na kino-consider s'ya na "Ivana" male version. As of now, mukhang taken na s'ya, and his girl friend daw is Garnet Kaye Cantos but he has recently confirmed na break na sila ni Ate Girl. 

More about DJ Loonyo

Malapit na s'yang mag-celebrate ng birthday n'ya this coming April 4, and he'll be 28 na. He is also the founder of the famous dance group Rock*Well na nagbigay ng karangalan sa atin sa pagkakapanalo nila as First Place sa "Dancestar World Finals 2018," na ginawa sa Porec, Croatia. Na-achieve din ni DJ Loonyo ang award na "Standout International Dance Choreographer of the Year" last October, 2018 sa World Supremacy Battlegrounds. 




Ian, Richard, at James: Mamasa-masa ka sa kanila

Ian Veneracion, Richard Yap and James Blanco




Should we say supposedly or allegedly with to the tale of support coming from the government in this quarantine season? Sabi sa isang Facebook post, may tatlong waves daw ang ayuda, una, from the barangay captain level. Ang ikasunod, from the mayora or mayor of our local government units. At ang pinakabongga dapat, mula sa gobyerno nacional.
         
From my experience, this is the 17th day of the ECQ, naramdaman ko naman ang barangay level ayuda. Yung mga susunod na kabanata, hindi ko sure kung kaabang-abang pa o pwede na lang paghikaban at itanong sa buwan kung darating pa ba.
         
Kaya ang inyong Showbiz Blah! columnist, inaaliw na lamang ang sarili sa mga slightly mature showbiz gods na sa true lang, kay sarap-sarap luhuran at sambahin.
          
Sa papable papa pyramid, ang nasa tuktok siempre ap si  Ian Veneracion, at ang pag-ayon mula sa titas at bekis of Manila who like men who are tisoy, artistic, intelligent, great conversationalist, scruffy na mas lalong nagpapatingkad sa kanyang machismo ay in agreement.
          
Ian Swabe

Si Veneracion ang buhay na patotoo na ang tunay na lalaki, walang abs. Kaya pag ang hombrelicious niyo ay obsessed na magka-six pack abdominals, alam niyo na, hombreng may six pack o eight pack abdominals rin ang bet nila. Hahahaha.
          
With Ian, alam mong kumakain ng kanin, bet ang masarsa 'o masabaw na ulam, at hindi nahihiya sa second or even 3rd serving, palaban sa sa eat-all-you can buffet, and during dinner you talk about abstract painting, the Museum of Modern Art in New York or the Louvre Renaissance painting collection, feel good music and he always has a genuine interest about your life and peculiarities. And yes, you conclude the super heavy dinner with him sipping cappuccino as you trade stories na siempre pa, off the record na.
          
Richard Yap, of course is the next in line papable papa. Mr. Clean, parang hindi nalulukot at nagugusot ang mga damit na sinusuot, ang mukha, closed ang pores and he seems like a decade younger than his actual digits.
          
Dignified pag kausap mo pero may ka-kenkoyan din, he can make the people around him laugh. He disarms everyone with his Mr. Chinito charisma and you just cannot help but wonder, ano kaya ang itsura niya pag hubad baro dahil lagi siyang ballot na ballot at ang fashion sense, laging age appropriate.
         
Richard  Tsarap

Ang bango niya pa, sa true lang. Ang mahiwaga kong kamay, naidantay ko na sa tiyan ni Yap, which he did not mind, and ang sarap-sarap dantayan nito kasi saktong-sakto ang lambot. Muntik na nga dumausdos ang kamay ko pababa para maramdaman kung may kung anong titigas. Hahahaha,
         
And of course, James Blanco. His stature as an artist may not be as stellar kagaya nina Ian at Richard pero this reliable character always invest a high level of emotional truth sa mga katauhan niya sa soap man o sa pelikula.
          
James Wet

When he became the leading man of Trixie Maristeaula, a devastatingly beautiful transwoman, hindi ko makalitan. Para talagang minahal niya si Maristela.
         
If you are his Facebook friend, makikita niyo ang kanyang mga homework out videos kung saan in full display ang kanyang kay kinis-kinis na katawang pang-romansa na looking yummier kasi veiled in sexy sweat.
          
Sa patigasan battle ng mga papa na ito, kanino kaya kakalembang ang puso niyo, kay Ian Veneracion, Richard Yap o kay James Blanco? Yung totoo, kanino naman kayo mag-we-wet, wet, wet? Ang savage! Hahaha!

Marian Rivera, balik telebisyon pagkatapos ng COVID-19









Kanya-kanyang paraan ngayon ang maraming Pinoy families kung paano magpapalipas ng oras sa kani-kanilang bahay dahil sa ECQ or enhanced community quarantine.

Kabilang na rito ang maganda at nakakatuwang bonding time ng pamilya nila Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. 

Nagkuwento ang Kapuso Royal Couple ng mga ginagawa nila sa bahay kasama ang kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy.


Sey ni Daddy Dingdong ay hinahati nila ang araw sa tatlo: sa umaga ay oras ng pag-aaral, sa hapon ay oras ng paglalaro, at sa gabi ang bonding time nilang apat. 

Share naman ni Mommy Marian, maganda din daw na gawan ng worksheets ang mga bata para kahit nasa bahay ay natututo sila. Ang saya raw kasi na nagkaroon sila ng oras para mas maturukan ang kanilang mga anak sa growing and informative years nila.

Malapit na ring bumalik si Marian sa paggawa ng teleserye via First Yaya kunsaan makakasama niya si Gabby Concepcion.

Si Dingdong naman ay napapanood sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun kasama si Ultimate Star Jennylyn Mercado. 

Dahil season break ang DOTSPH, pinalitan ng ito ng Encantadia Season 2 na mapapanood tuwing gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

*****

Tine-take advantage ngayon ng Mars Pa More hosts na sina Iya Villania at Camille Prats ang kanilang oras na makipag-bonding sa kani-kanilang mga anak habang nasa bahay lang sila.

 Camille and Iya mga hand-on moms

Nag-share ang dalawang Kapuso stars ng ilang parenting tips sa isang no-contact online show.

Share ni Iya ay kung paano niya sinimulang i-potty train ang kanyang mga anak.

“Actually, na-inspire ako kay Jennica [Garcia] kasi sinimulan niya 'yung mga anak niya I think as early as four months. 

“Kay Primo sinimulan ko siya ng bago siya mag-one year old. Itong kay Leon, four months sinimulan na namin.” 

Si Camille naman ay nag-share ng kanyang self-isolation  dahil kagagaling lang nilang mag-asawa sa Amerika kaya nasa pangangalaga ng kanilang relatives ang mga anak.

“Ang ginagawa ng sister-in-law ko sa mga pamangkin ko at sa anak ko na nasa mommy ko, nagbibigay sila ng activities nagti-trace sila ng lines, nagko-color sila. Let's come up with activities to keep them busy. Ito na 'yung opportunity para maturuan sila.”

*****


Simula April 1, muling mapapanood ang multi-awarded Korean drama na ‘My Golden Life’ sa GMA. 

Bibigyang-boses ng mga Kapuso stars ang kuwento ng magkapatid na nabago ang buhay dahil sa pagkakamali ng kanilang ina. 

Nagkakilala sina Dion (Ken Chan) at Gillian (Sanya Lopez) sa isang aksidente. Hindi man maganda ang kanilang naging unang pagkikita, mas nakagugulat nang malaman ni Dion na si Gillian ang matagal niyang nawawalang kapatid. 

Tumira si Gillian kasama ng mayamang pamilya ni Dion subalit lingid sa kanyang kaalaman ay hindi pala siya ang 

nawawalang anak ng mga itinuturing niyang magulang. 

Kasama rin sa serye ang mga karakter na gagampanan nina Bruno Gabriel at Ayra Mariano. 

Abangan ang My Golden Life, simula April 1, bago ang Eat Bulaga sa GMA-7.




Janine at Paulo, bagong tambalan

Janine Gutierrez and Paulo Avelino





 Kahit na baguhang production outfit ang T-Rex Entertainment Productions, headed by Rex Tiri, magaganda naman ang kanilang mga movies, tulad ng award-winning Deadma Walking sa MMFF two years ago.  Sila rin ang gumawa ng hit comedy film na Patay na si Hesus,na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino years back

Dahil sa kanilang magandang track record bilang production outfit kaya naman ginawaran ang T-Rex Entertainment ng Rising Star Producer Award sa 3rd Eddys, kung saan ka-share nila sa parangal ang Spring Films ni Piolo Pascual.

Nagbago na kaya ang perspective ni Sir Rex bilang producer dahil sa award na kanilang natanggap?


“Considering that T-REX Entertainment is relatively new, sobrang honored ako to be recognized as Rising Producer Circle Awardee, alongside Spring Films ni Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal, and Erickson Raymundo. This recognition from EDDYS would definitely inspire us at T-REX to continue making productions that matter!”

Ang iba pang pelikula na prinodyus ng T-Rex Entertainment ay ang Open which starred Arci Munoz and JC Santos, na co-produced nila with Black Sheep Cinema; ang Bakwit Boys na dinirek ni Jason Paul Laxamana, na bida si Vance Larena, ang pinakasikat ng talent ng T-Rex Entertainment.


Bakwit Boys
Ang latest offering nila ay ang romance movie ng T-Rex Entertainment Productions na Ngayon Kaya, which is the first team-up of award-winning actors Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Kasali ito sa 1st Summer Metro Manila Film Festival, na on hold sa ngayon dahil sa Covid-19 virus problem sa buong mundo


Bagong screen love team  of Janine and Paulo
Ayon kay Sir Rex Tiri of T-Rex Films, proud siya sa kanilang pelikula na dinirek ni Prime Cruz. 

Ito ang unang pagsasama sa pelikula nina Janine at Paulo, na parehong  award-winners pagdating sa acting.

Kakaibang romcom film itong Ngayon Kaya, na tiyak na maraming millennials ang makaka-relate sa kwento.





Ang tanong na lang na kailangan sagutin ay kung kailan kaya matutuloy ang 1st Summer MMFF 2020? 












Iza Calzado, uuwi na today at safe sa COVID-19

Iza Cazado is now safe





Happy to learn that actress Iza Calzado is now safe from the coronavirus.

Sa social media post ng manager ng aktres na si Noel Ferrer yesterday(March 30, 2020), ibinabahagi niya sa publiko ang maikling mensahe sa mga nagaalala sa kalagayan ng aktres. Narito ang short message ni Noel:


Dear Family and Friends,

It’s an amazing start of the week as we were just told that Iza can go home tomorrow after completing her IV antibiotics! Moreover, the good news is - Iza’s retest results came back and she is now negative for CoVid.

We would like to thank each and everyone of you for your prayers, love and support especially the doctors, nurses and all the health workers who continuously risk their lives to serve us all at this time.

Let us continue to pray as Iza continues to heal and support others who are battling with the virus.

Indeed, we pray and heal as one.

To God Be The Glory!


Kongresista Lucy Torres, responsible citizen of the PH

Leyte Congresswoman Lucy Torres is safe





Salamat sa Diyos at nalampasan na ni Leyte Congresswoman Lucy Torres-Gomez ang nakamamatay na COVID-19.

Mabuti at isang responsible citizen of the Philippines (and the world na rin) si CW Lucy kung saan pagdating niya sa Ormoc City last March 18 ay nag-self-quarantine kaagad siya.

On her arrival sa lunsod kung saan Mayor ang mister niya na si Richard Gomez, agad siya nag-kusang sumailalim sa-14 days self-quarantine ayon sa isang press statement na nagmula sa kanyang opisina.


CW Lucy and husband Ormoc Mayor Richard Gomez
Umiwas si CW Lucy sa mga tao at mga sa mga kasambahay, reason kung bakit safe na siya at wala sa posibleng pagkahawa at makahawa dahil sinunod niya ang tamang protocol kung kaya't hindi naging positibo ang kongresista sa coronavirus.

Sa isang official na gathering ng political party na PDP-Laban na kinabibilangan niya last March 4 sa Forbes Park mansion ni Sen. Manny Paquiao, nakasalamuha niya ang pasaway na si Sen.Koko Pimentel na positive na sa COVID-19 ay nakipag-meeting pa na nilagay pa ang mga medical staffs ng Makati Medical Center ang buhay at kalusugan sa pagsaway niya sa protocol.

Thankful si CW Lucy sa mga taong nag-alala sa naging health status niya nang mag-viral at kumalat ang video na nakipag-beso-beso pa siya kay Sen. Koko.

“I am well and ending the quarantine with no symptoms. God bless and protect us all,” sabi niya sa press statement.

She added that:“If anybody contracted COVID-19 during that party, he or she would have exhibited symptoms already.


In last Saturday evening dinner with Richard and Juliana

Last Saturday night, after undergoing the 14 days quarantine, they celebrated it with a dinner with daughter Juliana.





Depression ni Ellen, dahilan ng hiwalayan nila ni John Lloyd?

 Ellen Adarna and John Lloyd Cruz





 So, it seems Ellen Adarna has recovered and moved on from her break up with Kapamilya actor John Lloyd Cruz. Their much talked about relationship ended up with their living separate lives again despite having a son and back to concentrating on their respective careers again.

Marami rin kaibigan at supporters ni Ellen ang masaya sa kanyang pagbabalik at matibay din ang suporta ng pamilya ng dalaga sa kanila ng kanyang anak. Sa muli niyang pagiging aktibo sa showbiz, she got an endorsement for Kamiseta Skin at iba pa. Si John Lloyd, busy din sa ibang projects and movie offers are also lined up for him.

Kasabay ng comeback ni Ellen, she also admitted that she has just finished undergoing a mental health training workshop which was done in Bali, Indonesia

Na-curious tuloy ang marami, bakit kaya?

Diretsahang sinabi ni Ellen na she was diagnosed with depression, anxiety and post traumatic stress disorder (PTSD) kaya kinailangan niyang dumaan sa ganitong mental training. Say pa niya, she went to two psychiatrists for counselling and had 

medication for sometime. wo to three years daw pinagdaanan ni Ellen ang ganitong depresyon. Di ba ito yung time na magkasama sila ni JLC? Ano kaya ang dahilan?

Kung bakit at ano pa man ito, ang mahalaga Ellen is doing her best to be back in shape.
And move on with her life. Ganoon din si John Lloyd.

Oh well…


*****

Veteran actor Christopher de Leon is a COVID-19 survivor. Last week, Boyet himself admitted that he was a PUI (person under investigation) because of possible contamination with the virus which he got exposed to while at work. Boyet is actively seen in ABS-CBN’s afternoon teleserye Love Thy Woman kaya agad namang pinag-quarantine ang mga nakasama niya bago siya mismo makaramdam din ng mga simtomas.


Boyet is a COVID-19 survivor
Despite his condition, he got more worried about his wife Sandy Andolong, who had kidney transplant some years back and is at high risk for contaminating diseases due to low immune system. Nagpapagaling na ngayon ang premyadong aktor sa kanilang bahay. In fact Sandy greeted him as they celebrated their wedding anniversary recently.

Sa mga fans ni Papa Boyet, let’s offer prayers for his full recovery para bumongga uli ang health niya. Owkaaay?

*****

Maligalig man ang mga tao ngayon dala ng banta ng COVID-19, it doesn’t stop us from celebrating life lalo pa’t si Kathryn Bernardo ang nag-birthday.


Kathryn Bernardo, sharing her blessings
Yes, kaarawan ni Kath nu’ng March 26 pero mas pinili niyang tahimik nai-celebrate ito. Balita namin, namigay ng pagkain at relief goods si Kath sa less privileged communities na malaki ang pangangailangan sa food and other basic needs lalo sa panahon ng covid-19 scare.

Binabalik din ng langit ang kabutihan sa aktres dahil ngayon ay inuumpisahan nang I-construct ang dream house niya for her family. God bless you more Kathyn!

Korina Sanchez, naaaliw kina Pepe n' Pilar

Korina with twins Pepe and Pilar



 Stop muna ang mga morbid stories about COVID-19.Pa-good vibes naman tayo so that our Showbiz Blah followers ay makabasa naman ng positive stories  from showbiz celebrities.
                 

Tulad ng journalist-broadcaster na si Korina Sanchez kung saan ibinahagi niya ang video ng kambal nila ng ex-politician Mar Roxas na sina Pepe at Pilar.
                 
Tuwang-tuwa si Korina habang kinukunan ng video ang kawa-one year old pa lang na twins nila ngn husband na si Mar.
                 
Caption ni Korina sa video: “Now they walk into the room! Palakpakan.” bSuper bonding ang mag-iina dahil sa enhance community quarantine.
                 
Nag-umpisang kunan ni Korina ng video sina Pepe at Pilar the day when the ECQ (Enhanced Community Quarantine) ay pina-implement ni President Duterte.
                 
Step by step ay kinukunan niya ang kambal kung papanong very eager na makapaglakad ang mga ito.
                

Kuwento ni Korina: "For months, Pepe and Pilar would knock on the sliding door from their nursery into the bedroom. Well, milestone alert: Now they walk into the room! Palakpakan!"

                
Enjoy na enjoy si Korina habang pinapanood sina Pepe at Pilar sa paggapang ng mga ito at unti-unting tatayo para makalakad.“ I love to watch the twins get up on their feet,” sabi ng ina.

*****
Very happy si Matteo Guidicelli dahil first time niya nagcelebrate bilang mister ng Pop Royalty Sarah Geronimo.

Sa pag-open ni Matteo ng kanyang IG account ang nakita niya agad ay ang post sweet birthday greetings ng kanyang misis.
                 
“Happy Birthday to my loving and caring husband!!” sa mismong socmed ni Matteo.
                  
Birthday cake for Sarah's husband
Na-touch si Matteo at ang akala niya ay hinack ni Sarah ang kanyang account para doon siya i-greet ng happy birthday.

Mensahe ni Matty: “First birthday with you as your husband and I will forever cherish.

Matteo added: “Family, friends, loved ones and everyone out there, thank you very much for the greetings! God bless us all. Stay safe everyone.”  
                

*****

Nagsama ang ABS-CBN at GMA star para gawin ang music video na “We Heal As One.”
Ang music video ay dinerehe ni Frank Lloyd Mamaril.
         
Ang “WHAO” ay isang inspirational song na produced ng isang community group para ma-inspire ang mga Pinoy “to come together and contribute in the fight against COVID-19,” ayon sa grupo.

Ang nasabing kanta ay revival  sa official theme song ng 2019 SEA Games na "We Win As One” kung saan si Maestro Ryan Cayabyab ang nag-compose na ang lyrics ay sinulat ni Direk Floy Quintos.
           
Alden Richards
Kasama ang mga artista at mg singers na sina Lani Misalucha, Apl de Ap, Lea Salonga, Gary Valenciano, KZ Tandingan, Jamie, Rivera, Martin Nievera. Pops Fernandez, Sarah Geronimo, Menchu Lauchengco, Jed Madela, Robert Seña, Isay Alvarez, Ogie Alcasid, Iñigo Pascual,  Michael Williams, Bamboo at Paolo Valenciano, Alden Richards, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Christian Bautista, Mark Bautista, Rita Daniela at Ken Chan.
Paliwanag ng organizer:"It is our collective hope that the new lyrics reflect a timely and humane artistic response to the war we all must win together.”




  



Sa mga epal na mga politiko: " Wag ninyo unahin ang inyong pang-personal na interest." -Jennylyn Mercado

Jennylyn Mercado





 Nagbigay ng kanyang opinyon ang Descendants of the Sun PH star na si Jennylyn Mercado hinggil sa VIP testing para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na kinakaharap ngayon ng ating bansa.

"Hindi po kami magsasawang uliting sabihin na sana dumami na ang mga test kits na ipapamahagi ng ating gobyerno sa medical community para mas madaming ma-test na nangangailangan nito," sey pa ng Kapuso Ultimate Star.

Jennylyn Mercado, doing her role as a celebrity
Panawagan pa ni Jennylyn na sumunod sa guidelines ng COVID-19 testing kung saan prayoridad ang mga taong may sintomas ng virus at hindi ang mga VIP na ginagamit ang kanilang kapangyarihan para sa kanilang sariling kapakananan.

Dagdag pa ni Jen: “At habang limited pa ito, lahat sana ay sundin ang guidelines. No one is exempted. Pantay-pantay po tayo. Muli po naming pinapaala doon sa mga taong may power o pribilehiyo na maging “VIP” na 'wag ninyo unahin ang inyong pangpersonal na interes."



*****

Habang ang ilan ay nag-e-enjoy na magpahinga sa kani-kanilang tahanan simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine noong nakalipas na linggo, nag-share naman ang Kapuso star na si Klea Pineda na miss niya na raw ang magtrabaho. 

Klea Pineda

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng StarStruck 6 Ultimate Female Survivor at Magkaagaw star na hindi raw ito sanay na nasa bahay lamang kaya nami-miss na nitong umarte sa telebisyon. 

Sa kabila ng kinahaharap na krisis ng buong mundo, pinaalalahanan pa rin ni Klea na maging positibo ang lahat.

“Looking at the brighter side of this quarantine... we get to spend more time with our loved ones, nakakatuwa na sabay sabay kami kumakain sa hapag kainan. Matagal ko na rin sila hindi nakakasama dahil nasa trabaho ako,” caption pa niya.

Agree ang maraming netizens sa sinabi ni Klea at kahit daw miss na rin nila ang mga kapana-panabik na eksena sa top-rating GMA series na Magkaagaw, mabuti rin na gamitin ang pagkakataong ito upang makipag-bonding sa family. 

Habang on season break ang Magkaagaw, pansamantalang mapapanood ang highest rating daytime teleserye na Ika-6 Na Utos bilang kapalit ng Magkaagaw tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime.

Mga leading ladies ni Vico Sotto

Mayor Vico Sotto



 Dahil parehong showbiz ang ama at ina, hindi pa rin nawawala sa isip ng mga tao ang posibilidad na pwedeng mag-artista in the future ang masipag at maabilidad na mayor ng Pasig na si Vico Sotto.

Malamang sa malamang kung magkagayon ay ilaunch siya agad as leading man, bagaman kulang sa acting experience, dahil may fanbase na siya, at isa sa mga pinakasikat rito ay ang Vico.


Angel Locsin, showbiz na naglilingkod sa bayan
So, sino ang mga pwedeng ipareha sa kanya as leading lady? Para sa akin, it all boils down to three choices: Angel Locsin, Nadine Lustre, at Ivana Alawi. Ito ang reasons why.

Si Angel Locsin undoubtly ang pinakakilalang artista sa Pilipinas na gumanap na superhero on-cam pero in real life ay superhero rin off-cam.

Recently ay nagtrend siya dahil wala siyang kiyemeng nagbalot ng garbage bag sa katawan as improvised protection laban SA COVID-19 habang namamahagi ng tulong kasama ang designer na si Michael Leyva. Bitbit nila ang first batch ng personal protective equipment na tinahi ng designer.

Nang magtrending si Koko Crunch, este si Koko Pimentel sa pagwawalwal niya habang PUI siya at inaantay pa ang results ng kanyang COVID-19 test, walang kiyemeng binanatan siya ni Angel sa Twitter at humingi ng tawad ang aktres sa mga tao dahil sa pagendorse kay Koko dati. Sinelebrate ito ng mga tagahanga ng dalaga at sinabing dapat mag-run si Angel for President.


Nadine Lustre, bagay kay Mayor Vico
Dumako naman tayo sa President of the Philippines ayon sa Pinoy Twitter users, si Nadine Lustre. Bagaman walang visible effort si Nadine para tumulong, ay yun na nga, presidente siya ng Pilipinas. Halos hindi dumadaan ang isang buwan na wala siya sa Top Twitter trends lalo pa ngayong pinapasaringan ang ilang JaDine fans and KathNiel fans sa pag-slutshame kay Nadine dati for showing flesh na ngayon ay si Kathryn naman ay may photo na may pagka-sexy.

And last, but not the least, si Ivana Alawi na pantasya ng bayan at inaming niloko siyang ng mga dating naging BF. A few days ago ay nagpost siya ng photos with her mom at younger sister na si Mona habang napapalibutan sila ng sako-sakong bigas, samu't-saring canned goods, atbp. na malamang ay ipamamahagi nila sa mga ubos na ang supplies ngayong nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang buong Luzon at ilang mga probinsya sa Visayas at Mindanao.


Ivana, ng Sex Symbol ng Bayan



So take your pick, sino ang best leading lady for Vico Sotto?


*****


Nakipagsabayan si Maine Mendoza sa Dua Lipa at nagtrending sila sa Twitter hindi dahil nag-collab sila kundi dahil may parehong bago sa kanila in one day.


 'Parang Kailan Lang' by Maine Mendoza
"Nakalimutan ang lahat ng pangako at binaon na lang sa sa kahapon." Yan ang lyrics na tumatak sa akin nang napanood ko ang music video ng 'Parang Kailan Lang' ni Maine Mendoza released at exactly 12 noon today, March 27. Naaalala ko kasi dito ang kapalpakan ng ilang pulitiko sa pagresponde sa COVID-19.

Ang 'Future Nostalgia' naman ng Dua Lipa ay nag-official release kinagabihan at umakyat agad para maging highest rated album of 2020.

Kasama ni Maine ang Gracenote sa music video na kapansin-pansing white and red ang theme. Minimalist ito at hindi baduy tingnan.