Kahit na baguhang production outfit ang T-Rex Entertainment
Productions, headed by Rex Tiri, magaganda naman ang kanilang mga movies, tulad
ng award-winning Deadma Walking sa MMFF two years ago. Sila rin ang gumawa ng hit comedy film na
Patay na si Hesus,na entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino years back
Dahil sa kanilang magandang track record bilang production
outfit kaya naman ginawaran ang T-Rex Entertainment ng Rising Star Producer
Award sa 3rd Eddys, kung saan ka-share nila sa parangal ang Spring Films ni
Piolo Pascual.
Nagbago na kaya ang perspective ni Sir Rex bilang producer
dahil sa award na kanilang natanggap?
“Considering that T-REX Entertainment is relatively new,
sobrang honored ako to be recognized as Rising Producer Circle Awardee,
alongside Spring Films ni Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal, and Erickson
Raymundo. This recognition from EDDYS would definitely inspire us at T-REX to
continue making productions that matter!”
Ang iba pang pelikula na prinodyus ng T-Rex Entertainment ay
ang Open which starred Arci Munoz and JC Santos, na co-produced nila with Black
Sheep Cinema; ang Bakwit Boys na dinirek ni Jason Paul Laxamana, na bida si
Vance Larena, ang pinakasikat ng talent ng T-Rex Entertainment.
Ang latest offering nila ay ang romance movie ng T-Rex
Entertainment Productions na Ngayon Kaya, which is the first team-up of
award-winning actors Janine Gutierrez at Paulo Avelino.
Bakwit Boys |
Kasali ito sa 1st Summer Metro Manila Film
Festival, na on hold sa ngayon dahil sa Covid-19 virus problem sa buong mundo
Bagong screen love team of Janine and Paulo |
Ayon kay Sir Rex Tiri of T-Rex Films, proud siya sa
kanilang pelikula na dinirek ni Prime Cruz.
Ito ang unang pagsasama sa pelikula nina Janine at Paulo, na parehong award-winners pagdating sa acting.
Ito ang unang pagsasama sa pelikula nina Janine at Paulo, na parehong award-winners pagdating sa acting.
Kakaibang romcom film itong Ngayon Kaya, na tiyak na maraming millennials ang makaka-relate sa kwento.
Ang tanong na lang na kailangan sagutin ay kung kailan kaya matutuloy ang 1st Summer MMFF 2020?
Ang tanong na lang na kailangan sagutin ay kung kailan kaya matutuloy ang 1st Summer MMFF 2020?
No comments: