Kanya-kanyang paraan ngayon ang maraming Pinoy families kung paano magpapalipas ng oras sa kani-kanilang bahay dahil sa ECQ or enhanced community quarantine.
Kabilang na rito ang maganda at nakakatuwang bonding time ng pamilya nila Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Nagkuwento ang Kapuso Royal Couple ng mga ginagawa nila sa bahay kasama ang kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy.
Sey ni Daddy Dingdong ay hinahati nila ang araw sa tatlo: sa umaga ay oras ng pag-aaral, sa hapon ay oras ng paglalaro, at sa gabi ang bonding time nilang apat.
Sey ni Daddy Dingdong ay hinahati nila ang araw sa tatlo: sa umaga ay oras ng pag-aaral, sa hapon ay oras ng paglalaro, at sa gabi ang bonding time nilang apat.
Share naman ni Mommy Marian, maganda din daw na gawan ng worksheets ang mga bata para kahit nasa bahay ay natututo sila. Ang saya raw kasi na nagkaroon sila ng oras para mas maturukan ang kanilang mga anak sa growing and informative years nila.
Malapit na ring bumalik si Marian sa paggawa ng teleserye via First Yaya kunsaan makakasama niya si Gabby Concepcion.
Si Dingdong naman ay napapanood sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun kasama si Ultimate Star Jennylyn Mercado.
Dahil season break ang DOTSPH, pinalitan ng ito ng Encantadia Season 2 na mapapanood tuwing gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
*****
Tine-take advantage ngayon ng Mars Pa More hosts na sina Iya Villania at Camille Prats ang kanilang oras na makipag-bonding sa kani-kanilang mga anak habang nasa bahay lang sila.
Camille and Iya mga hand-on moms |
Nag-share ang dalawang Kapuso stars ng ilang parenting tips sa isang no-contact online show.
Share ni Iya ay kung paano niya sinimulang i-potty train ang kanyang mga anak.
“Actually, na-inspire ako kay Jennica [Garcia] kasi sinimulan niya 'yung mga anak niya I think as early as four months.
“Kay Primo sinimulan ko siya ng bago siya mag-one year old. Itong kay Leon, four months sinimulan na namin.”
Si Camille naman ay nag-share ng kanyang self-isolation dahil kagagaling lang nilang mag-asawa sa Amerika kaya nasa pangangalaga ng kanilang relatives ang mga anak.
“Ang ginagawa ng sister-in-law ko sa mga pamangkin ko at sa anak ko na nasa mommy ko, nagbibigay sila ng activities nagti-trace sila ng lines, nagko-color sila. Let's come up with activities to keep them busy. Ito na 'yung opportunity para maturuan sila.”
*****
Simula April 1, muling mapapanood ang multi-awarded Korean drama na ‘My Golden Life’ sa GMA.
Bibigyang-boses ng mga Kapuso stars ang kuwento ng magkapatid na nabago ang buhay dahil sa pagkakamali ng kanilang ina.
Nagkakilala sina Dion (Ken Chan) at Gillian (Sanya Lopez) sa isang aksidente. Hindi man maganda ang kanilang naging unang pagkikita, mas nakagugulat nang malaman ni Dion na si Gillian ang matagal niyang nawawalang kapatid.
Nagkakilala sina Dion (Ken Chan) at Gillian (Sanya Lopez) sa isang aksidente. Hindi man maganda ang kanilang naging unang pagkikita, mas nakagugulat nang malaman ni Dion na si Gillian ang matagal niyang nawawalang kapatid.
Tumira si Gillian kasama ng mayamang pamilya ni Dion subalit lingid sa kanyang kaalaman ay hindi pala siya ang
nawawalang anak ng mga itinuturing niyang magulang.
nawawalang anak ng mga itinuturing niyang magulang.
Kasama rin sa serye ang mga karakter na gagampanan nina Bruno Gabriel at Ayra Mariano.
Abangan ang My Golden Life, simula April 1, bago ang Eat Bulaga sa GMA-7.
No comments: