Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Liza, Janina at Pinky: Mga Babaeng Sawinpalad

Liza Soberano, Janina San Miguel at Pinky Amador




  Is there a premium or value that we place on the freedom and independence we enjoy as a nation and people of this great republic?

We are on the eve of the Philippine Independence Day celebration, and with the manner things are going and moving, it is indeed bothersome to accept that the nation of so many billions continue with their claim of several heavily disputed territories and yes, before we can even unleash hell to the best and brightest, with the terror bill now a shoo in as a law,even if there is no evidence of actual lawlessness and civil obedience, we all have to be artistic and creative in expressing our opinions, especially with the manner our gobiyerno nacional is handling the current state of affairs of the Republic.

Saan kaya patutungong ang carrer ni Liza?
Kaya nga, mabuti na lang may magagandang mga babae na kahit paano, nagiging source of distraction nating lahat dahil nga parang mas malalaki ang mga pasabog at problemang kanilang kinahaharap kung ikukumpara sa mga dalahin natin na basic na basic lang naman – anda, datung, pera, salapi para mabayaran ang lahat ng bills, may makain sa araw-araw ang ating pamilya at minamahal sa buhay, mapag-aral ang 



mga pinag-aaral, mabili ang mga gamot pang-maintenance at pangkasulugan at makapag-impok kahit paunti-unti para naman handa sa mga hindi inaasahang kaganapan,

Siempre, on a sad note ang kanyang fans ni Liza Soberano dahil nga tinigbak na ang Make It With You drama niya kung saan kapareha niya ang jowang si Enrique Gil.

Malaking blow at tadyak sa karera ni Soberano ang pagka-chugi ng kanyang primetime series dahil all of a sudden, neither here nor there ang kanyang karera at dagdag stress pa ang katotohanan walang kasiguraduhan kung ang inaasam na ABS-CBN prankisa ay maibibigay pa sa embattled Mother Ignacia based network.

With the way the payasos in the Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives) na paulit-ulit at paikot-kot lang ang mga argumento at kamalasudahan, parang nanganganib na mag-gone with the wind at gone in 60 seconds, and ma-lost in space, lost in emotion at ma-lost in translation ang dapat sanang star hot career ni Soberano.

Is her beauty her curse? O mas sumpa sa former beauty queen Janina San Miguel ang kanyang alindog at rikit?

Janina,ano kaya ang ending ng kanyang expose'?
Bumagasak pa ba ang panga nating lahat sa kanyang pasabog na diumano ang mga tulad niya, at ibang pang babae na may hinhin na tangi at dakilang ganda ay sold to the highest bidder sa karnehan ng predatory big spenders?

Bb.San Miguel, tale as old as time na ang prostitution sa kung saan-saan lugar, mula sa barangay level hanggang sa alta sociedad. In a macho culture like our, ang hombrelicious na hindi best in good manners and right conduct at may sobrang sexual insecurity or appetite ang siyang nag-o-objectify sa mga babae at siempre pa, kung may datung sila, lahat kaya nilang bilhin, even the beauty conteseras na may mala-porselanang kutis at whistle bait figures. Daig pa nilang lahat si the late anchor Bob Barker na lahat ay may if the price is right tag.

So saan patungo ang aria ni Janina? Eh di saan pa kundi sa kankungan, kalabasahan at pansitan. Hindi na priority sa kasalukuyan ang ganyang kalandian kalakaran.
 "Peace na..."- Pinky
Eh ang aria ni Pinky Amador? Humingi na siya ng paumanhin dahil nahimasmasan na ang starlet na forever under the starlet category na never malalaos dahil hindi naman talaga sumikat in a major, major way.

Hayaan na natin ang nagmamainobra sa kanyang karera ang mag-magic sa kanyang inahe at kung paano nila babaguhin ang katotohanan tungkol sa kanyang ugali na pumutok at sumabog na parang bulkan.

Vin Abrenica: Apektado ang trabaho

Vin Abrenica




 Kapamilya hunk Vin Abrenica was launched a few a months ago as the newest endorser of an intimate apparel for men.

He was beaming with excitement dahil ito ang unang major endorsement na alok sa kanya.
“Lahat ng first time natin ay special – first love, first kiss, first taste of ice cream and first endorsement. It feels great na I was given this chance to endorse a popular intimate apparel brand. Dreams do come true talaga,” said the younger brother of Aljur Abrenica.


Vin, katawang yum-yum
“I prayed for this. I have been working out every day, ipinagdarasal ko talaga ito. I am very thankful to the trust that Hanford has given me. I hope makatulong ako sa success ng kompanya.

Excited si Vin na maglibot ng malls para i-promote ang bago niyang endorsement. Pero dumating na parang bangungot ang Covid 19 pandemic. Bawal ang social gatherings tulad ng mga mall shows. Apektado ang pagrampa sa stage ni Vin to promote the intimate apparel brand.

Pero hindi naman nawawala ang kanyang pag-asa na one of these days, kapag pwede na, ay magkakaroon na rin siya ng chance to sing onstage.

Nami-miss na rin ni Vin ang taping ng A Soldier’s Heart, ang action serye ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Gerald Anderson.

Kahit na hindi pa masyadong expanded ang kuwento ng character niya sa series (na nahinto ang telecast at taping dahil sa enhanced community quarantine, humanga naman si Vin sa dedikasyon ng mga sundalo sa kanilang tungkulin.


Vin with his co-stars in A Soldier's Heart

“It’s amazing na iiwan nila ang family nila para magtrabaho para makatulog tayo nang mahimbing. Iniiwan nila ang taong mahal nila para mabantayan tayo, protektahan tayo, ang bawat Pilipino. Ganoon kaimportante ang trabaho ng mga sundalo.”

“Working with Gerald is an experience. Alam niya kung paano kami atakihin pagdating sa role. We are seven guys na iba’t-iba ang personality so alam niya kung paano niya kami kausapin lahat.”

Binanggit pa ni Vin na perfect na perfect si Gerald sa role nito bilang leader ng 7-man squad.

Katulad ng iba niyang co-stars sa A Soldier’s Story, naghihintay pa rin ng go signal si Vin kung kailan ang resumption ng kanilang taping.


With girlfriend Sophie Albert

Dahil nagpapatupad na ang pamahalaan ng general community quarantine kung saan possible ng payagan ang tapings ng TV shows at shooting ng pelikula, inaabangan kung sino kaya ang mangangahas na mag-iskedyul na ng taping or shooting.

Marami pa rin ang nangangamba sa GCQ dahil wala pa naman vaccine na natutuklasan for Covid 19. Kung sakaling may taping na, kaya ba ng mga artista at production crew na mag-practice ng social distancing.

Mas maganda siguro na may matuklasang munang lunas for Covid-19 bago isaisip ng mga TV stars at crew na magbalik na sila sa trabaho.




Edward Barber: Biktima ng impostor

Edward Barber



 Warning sa mga basher at impostor ni Kapamilya star Edward Barber!

Kung ayaw ninyong "makuyog" sa social media, iwasang gamitin ang kanilang idol sa mga kalokohan!

Edward, may impostor
Ganito kasi ang nangyari: May isang impostor na nagpakilala sa Facebook na Edward Barber na diumano ay nag-post ng mga message sa kanyang ex-girlfriend.

Ang ginawa ng scammer ay nilagay rin nito ang pangalan ni Maymay Entrata sa post at lumabas tuloy na parang ang nag-uusap sa FB ay sina Edward at Maymay.

Kilala sila Maymay at Edward sa tandem na MayWard, mula sa Pinoy Big Brother Lucky 7 ng ABS-CBN noong 2016.

Nakita ito ng ilang members ng MayWard Flyers, fan club nila Edward at Maymay, at sila'y na alarma dahil wala naman palang active Facebook account si Edward.

Nakarating na ang kalokohan na ito ng impostor kay Edward pero hindi naman daw affected ang aktor.

Pero hindi pa pala dito natatapos ang walang magawang impostor.

Kinabukasan, ang ginawa naman ng impostor ay gumamit ang picture ni Edward mula sa lumang Facebook account nito.

Hindi nga affected ang aktor pero hindi na ito pinalampas ng kanyang mga fans.

Dito na kinuyog ng MayWard Flyers ang pekeng Facebook account. Sama-samang binatikos ng MayWard fans ang Facebook ng impostor.

Maymay Entrata and Edward Barber
Nag-comment sila ng mga masasakit na salita laban sa may pakana ng pekeng Facebook na pag-aari kuno ni Edward.

Hindi rin ma-take ng mga MayWard Flyers na mali-mali ang grammar ng fake na Edward sa mga English post nito.

Magaling sa English si Edward ayon sa MayWard Flyers at hindi raw ito magkaka-mali sa tamang spelling ng "troback" at "cherful" na siyang nilagay ng impostor.

So ayan! Kaya ingat ang iba diyan na may plano ring isangkot ang tambalang MayWard sa mga kalokohan nila at baka sila naman ang sumunod na kuyugin at bombahin ng MayWard Flyers!


MayWard: Nilaglag ni Edward dahil kay Lexa na gaganti

Edward  Barber and Lexa Lauraine 





Yet another press conference was televised very late at night and for all who managed to wait and view the latest update on the how’s and why’s of the pisting veerus that has ravaged us all, as always, better written in Filipino than in English, “tinimbang ka, ngunit kulang pa rin” ang mga inilahad mula sa Ginoo mula sa Malakanyang.
Lexa is a model

       
No concrete news about the forthcoming of an antidote or cure. Nay on announcement of a full proof plan on how to expedite the release of the promised social amelioration package that only a minority has received. Nada on how to flatten the curve which majority do not understand the importance, diminish the number of casualties and increase the digits of survivors and healed.

Thus, I cannot help but wonder, whatever happened to Catriona Gray’s assurance that a silver lining is somewhere out there?
          
Kaya nga kesa mag-open ang closed pores, paglaruan na lang nating ang drama na hell hath no fury a woman scorned nga ba ang mantra ngayon ni Lexa Lauraine, ang dyowa diumano ni Edward Barber?
        
Before this poot at suklam phase happened, it was Edward who started liking the photos of Lexa sa IG, especially her sexy photo postings. May katotohanan nga kaya ang rumor na it was Barber who pursued the model, na hindi lang sila basta naging acquaintances, naging close, enough for Lauraine to merit a “chill time” with the young star sa condominium niya. 

And for the millennials, alam na alam na nila ang ginagawa ng mga kapwa nila millennials when they chill and hang out together, huh! Promise, hindi sila naglalaro ng scrabble, snakes and ladders at mas lalong hindi jack-en-poy!
         
Dahil nga napagtanto ng powers that be ang lambingan at si Maymay Entrata, biglang lo and behold, deleted lahat ng photo postings niya with Edward sa kanyang IG account, ang binatang tisoy na may chance na mamula-mula ang tinatago nitong Barber inside his skivvies, natauhan na daw. Iwas to death and high heavens na nga ba talaga ang dramarama ni Edward?


MayWard: Isang palabas
Afraid at umurong ang yagbols ni Barber and does not one to suffer the same fate ng mga  ibang actor na gone with the wind, gone in sixty seconds, lost in space and lost in emotion ang karera kaya mas matindi pa sa linta, tuko ang pagkapit nito ngayon kay Entrata?

May wisdom beyond his years  na nga bsi Edward at alam niyang masyado pa siyang bata para maging la ocean deep at sumanib sa League of Extra Ordinary Has Beens, huh!
         
Of course, the plot thickens and how? Sa angking ganda at rikit ni Lexa, nasaan nga naman ang hustisya now that Edward is doing a Gerald Anderson, ghosted siya ni Barber just like what Papa Gege did to Bea Alonzo.
        
Binabalewala na nga ba siya at umaarte ang ang former PBB discovery na wala silang magandang  pinagsamahan at no romantic history at all? Ouch for the lovely miss, huh!
         
Tapos na ang MayWard "loveteam"

Ang boy, oh boy! Si Lexa, malapit na malapit na raw umabot sa pagputok ng bulkan ang poot at suklam nito para kay Edward at more than ready to spill the beans and open Pandora’s box and expose how close was the closeness she and the young Barber shared?

What kind of pasabog kaya ang ready si Lauraine to unleash? Will it rival the seven deadly plagues? Will it be as catastrophic as the eruptions of bulkang Mayon, Pinatubo and Taal combined? The moment her big reveal happens, end of the days na nga ba agad-agad ang karera ni Edward, kung saka-sakali?

Wait and see and play it by ear muna tayo kung may kung may sapat na tapang nga itong si Lexa Lauraine to make Edward Barber weep.

Ang mas kaabang-abang, will we finally witness the greatest performance ni Maymay Entrat

Ang pinaka-bonggang tanong, marunong ba namang umarte at all si Entrata kaya ano ang aabangan natin? Ang savage! Hahahaha!


Buking: Andrea, may pakandong pa sa iba at isang palabas ang sa kanila ni Seth

The Kadenang Ginto Teens




Let us continue to pray that sooner, rather than later, an antidote, cure or vaccine will be discovered to stop the widespread chaos and havoc of the COVID-19. Let us storm the heavens with prayers that God guides the men and women of science in finding the remedy for this pandemic and yes, may He also bring the light to the people in power in government who is too busy with politicking, adding more confusion and panic, and literally, natutulog sa kankungan at pansitan in addressing the issues, concerns and woes of taongbayan.

Si Andrea Brillantes, ang teen-vavavoom, sa totoong buhay ay sa binatilyong katangkaran, si Kyle Echarri daw may HD? HD na hindi high definition kundi hidden desire, huh!

Si Seth Fedelin, gaano katotoo na hindi type ni Brillantes at buti na nga lang eh ang binatilyo, may itsura kahit kaunti at paano kaya pinagtitiyagaan na lang ni Andrea? 
Acting for the sake of acting lamang ng aba ang kanilang closeness at fondness ni Seth, para sa fans at para sabihing good girl siya? 



Labs labas na isang palabas lang?
Si Echarri ang bida. How true na feeling the same way rin ito for Brillantes at marami ang bulong-bulungan na itong si Andrea, tuwing break sa taping, ang question no.5, lagi nga ba itong kumakandong-kandong kay Kyle, na parang nakasakay sa isang wooden play horse, kaya ang namumuong damdamin ni Echarri para sa dalagitang best in makapal na kilay ay lalong tumindi at umigting?


Ang pinakamatinding tanong, how true, na poot na poot at suklam na suklam for real si Andrea kay Francine Diaz dahil ito ang tinik at hadlang sa closeness nila ni  Kyle pero hindi niya pwedeng ipahalata ito sa lahat dahil ayaw niyang mabansagang little miss anaconda? 
Bubot na bubot pa nga naman si Brillantes para lumevel sa pang-aakit department na ang mistress of the kalandian arts ay si Julia Barretto, hindi ba naman? Pasok, Bea Alonzo at tili ka ulit, “Enough!” Hahahahaha!


Kung may namumuo ngang baby love sa pagitan nina Brillantes at Echarri, tama lang naman na may adult intervention dahil alam naman nating lahat na pag hindi sila ginabayan ng tama, ang kasunod na kabanata, alam na alam na.


Si Kyle ang 'True Love" ni Andrea?
Hindi ko masisisi ang dalawa kung like nila ang isa’t-isa. Guapo ang binatilyo, kagandahan ang dalagita at kung ano man ang kanilang galawan sa likod ng camera, tanging sila lamang ang nakaka-alam.
Ang dapat ipaunawa kina Andrea at Kyle,  hindi lahat ng pagtibok ng puso, ang ibig sabihin na ay pag-ibig.  




Kaya nga, marami tuloy ang miss na miss ang “Kadenang Ginto” sa telebisyon dahil naging guilty pleasure at afternoon delight siya nating lahat. 'o siguro kung nagmamagandahan, nagsasampalan, nagsasabunutan pa at nagpapambuno sina Daniela Mondragon at Romina Mondragon, na buong husay na binigyang buhay nina Dimples Romano at Beauty Gonzales, malamang wala tayong masyadong pakialam sa pisting veerus na ito, pati na rin ang mga alkalde at mayora na lost in space at gone with the wind and sixty seconds rin kasi nga hindi nararamdaman ang kanilang kilos at kalinga sa kanilang mga sinasakupan.
      
Tapos na ang serye, pwede lumantad ang dalawa?
 Kaya nga, ang madlang pipol, hinahanap-hanap rin sina Cassie at Marga, lalo na nga’t kahit wala na sa telebisyon ang kanilang palatuntunan, ang dami-dami parang tanong na walang kasagutan.
      


Papasukin na rin ba ni Gerald Anderson ang politika?




Ang daming nagtatanong sa post na larawan ni Gerald Anderson kung ano ang reasons niya sa pagbisita sa Kongreso kamakailan.

May kuhang picture ang actor kasama si House Speaker Alan Peter Cayetano at mga celebrity representatives like Vilma Santos, Lucy Torres, Sol Aragones, etc


Gerald with Rep. Lucy Torres
Nakasuot ng formal Barong ang ‘A Soldier’s Heart’ lead actor nang bumisita sa Kongreso.

Ni-recognize ni House Speaker Cayetano ang presensya ni Gerald sa kanilang session.

After ng session, nakipagtsikahan si Gerald kay House Speaker Cayetano gayundin kina Ate Vi at Congresswoman. Lucy Torres-Gomez.

si Gerald ay in-appoint bilang Philippine Youth Ambassador of Goodwill ng Philippine Youth-KASAMA kung saan 900 Sangguniang Kabataan sa buong Pilipinas ang nagsidalo

Nauna rito, ang actor ay kabilang sa Philippine Army Reserve Force.

Ayon sa isang netizen, inuumpisahan na raw ni Gerald na makihalubilo sa mga pulitiko dahil may balak itong pasukin ang pulitika.

Naka-agaw pansin naman sa netizens ang pagkukwentuhan nina Ate Vi at Gerald.

Anila, bagay daw na pagsamahin sa isang proyekto ang Star For All Seasons at ang Kapamilya actor.

Tutal naman daw ay matagal na ‘yung Angel Locsin-Ate Vi movie, ang ‘Everything About Her.


Christian Bables, hindi na makikipagsisikan sa bus

Christian Bables and his new van






Happy ako sa mga magagandang kaganapan sa personal na buhay at career ni Christian Bables.

Ilang awards na ba ang nakuha nya sa pagiging isang aktor. Madami-dami na rin ang mga . achievements niya bilang isang artista. Maging sa personal niyang buhay, malayo na rin ang narating niya.

In his Facebook post, I've learned na hindi na siya makikipag siksikan sa public bius biyaheng Cavite patungong Manila para dumalo sa mga acting workshops niya at showbiz kaganapan like castings or auditions.


Achievement for Christian  ang kanyang sasakyan
He wrote: " I remember those days when i had to literally chase every Jasper Jean bus that would pass Zapote Talaba Cavite (Punuan na usually, sa Dasma Cavite pa lang). Titigil siya nang bahagya, pero umaandar pa rin, tapos sasabayan ko ng talon habang bumibilis ang takbo para lang maisakay ako papuntang Pasay MRT, kahit na standing position at halos magkapalit na kami ng mukha ng katabi ko sa sobrang sikip. 

"Paulit ulit ko to ginagawa maka-attend lang sa acting classes ni Direk Rahyan (Carlos) sa Star Magic Workshops or makahabol lang sa mga auditions na kadalasan ay nasa QC. 

"I remember, there was this one time habang nakasakay ako sa tricycle from Quezon Ave. MRT station to ELJ Building, pinag-pray ko habang nakatitig sa tower satellite ng ABS CBN - “God mabigyan lang ako ng chance na makaarte at mabigyan ng kahit kaunting speaking lines, kahit anong role po paghuhusayan ko talaga for your purpose” Then i woke up one day, crying my heart out... in front of a camera. Heavenly Father, you are everything. 

"Thank you for all the blessings. From Your presence, to my family, to the gift of time, the gift of kind hearted people around me, and the gift of purpose. Maraming salamat po."

Goodluck and more power Christian.




Robi deadma sa ex-girlfriend na si Gretchen

 




Naka-move on na talaga ang Kapamilya star na si Robi Domingo sa kanyang break-up kay Gretchen Ho, isa ring Kapamilya star.

Paano ba naman, nag-joke ang isang candidate sa kanya tungkol kay Gretchen pero wa-epek na ito sa popular na TV host.

Ganito ang nangyari: Co-host si Robi sa isang prestigious beauty contest na Mutia Ti la Union 2020.

Tinawag niya ang isang kandidata para sa question-and-answer. Binati ni Robi ang kandidata at sinabi nito na napakaganda ng kanyang smile.

Sumagot ang candidate at sinabi nitong 'I got the smile from Gretchen Ho.' Akala ng marami ay magre-react si Robi sa joke ng candidate pero deadma.

Itinuloy na lamang ni Robi ang question-and-answer round para sa candidate.

Nag-break sina Robi at Gretchen noong 2017. Three years din silang naging magkarelasyon. Sa ngayon ay mayroon ng non-showbiz girlfriend si Robi. Si Gretchen naman ay na-link kay Pasig Mayor Vico Sotto kamakailan lamang.

*****
Sino itong road manager ng isang sikat na personality na kinainisan ng mga tao sa isang provincial tour recently?

Ang kuwento sa amin ay napaka-sungit daw ng road manager na ito na akala mo ay kung sinong umasta.

Sa isang umpukan, naikuwento sa amin ng aming friendship na bumisita raw ang isang local official kung saan may nagaganap na photo shoot involving the popular personality.

Pumunta raw ang local official sa venue para magbigay pugay sa international personality at siyempre para i-check kung maayos ang lugar na kinalalagyan ng personalidad.

Nang dumating na sa venue si local official, hindi raw agad ito pinapasok sa venue.

Hinarang daw ito ni road manager. Ang katwiran ng road manager wala raw itong suot na name tag na pinamigay nila.

Nag-explain ang dalawang kasama ng local official at ipinaliwanag kung sino ang kasama nila. Pero matigas pa rin daw ang road manager.

Ilang beses nag-explain sa road manager kung sino ang kasama nila. Sa wakas pinapasok rin ang local official pero hindi man lang daw nag-sorry si road manager sa abala.

Ang tanong: alam kaya ni international personality ang ginawa ng road manager niya?