Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Julie Anne: Patrona ng Mga Nasaktan sa Pag-ibig

Julie Anne San Jose




 Marami sa fans ng Asia's Pop Diva na si Julie Anne San Jose ang tinatawag siyang "the patron saint of moving on."

Sa isang interview niya para sa bagong single na 'Better,' ipinaliwanag ni Julie ang kaniyang mga ginawa para maka-get over noon mula sa isang heartbreak. 

Patron ng mga sawi sa pag-ibig?

Kuwento niya: “Iba-ibang paraan naman ang tao para maka-move on 'di ba? For me, what I did was madali kasi ako maka-move on. I don't know. Since mako-consider din 'yung medyo preoccupied din ako with other stuff, like busy rin ako sa work at sa iba kong ginagawa. I keep myself productive at home and then I go out with friends, so nandoon 'yung support din from the people who really love me.”


Sa ngayon ay nananatiling single si Julie at naka-focus muna sa kanyang showbiz at music careers.

Samantala, extended ang online auditions ng Season 3 ng #The Clashkung saan si Julie ay isa sa main hosts.

Nag-20 straight days at number one sa iTunes Philippines pre-order chart ang song ni Julie na ‘Bahaghari’.

Isa ulit itong collaboration kasama ang rapper na si Gloc-9. Nagkaroon ng worldwide release ang ‘Bahaghari’ noong July 10.

*****

Nakitaan ng magandang chemistry sina Andre Paras at Angela Alarcon noong magkaroon sila ng online chat sa YouTube channel ni Andre na “Shout Out Andre.” 
 
Andre Paras and Angela Alarcon


Kapwa anak ng celebrities sina Andre at Angela. Anak si Andre nila Benjie Paras at Jackie Forster, samantalang ang ama ni Angela ay si Jestoni Alarcon. 
Sa kanilang chat, mas nakilala ni Andre ang kanyang kapwa showbiz royalty. Nagkamustahan ang dalawa tungkol sa kanilang mga pinagkakaabalahan ngayong quarantine at pati na rin ang kani-kanilang YouTube channel.

Sa mga nakapanood, bagay raw na maging loveteam sina Andre at Angela.

*****

Presumed dead na ang Glee star na si Naya Rivera pagkatapos itong mawala sa isang lake sa Southern California.

"We're presuming that an accident happened and we're presuming she drowned in the lake. The goal is still to bring Miss Rivera home to her family," ayon pa kay Deputy Chris Dyer ng Ventura County. 

Naya Rivera

Nawala ang 33-year old na si Rivera sa Lake Piru on Wednesday evening. She went to the lake that afternoon and rented a pontoon boat kasama ang 4-year-old son nito.

Noong hindi maibalik ni Rivera ang boat, pinahanap na ito ng may-ari. A rental employee found the boat on the north end of Lake Piru. Ang sakay lang ng boat ay ang 4-year old son ni Rivera na suot ay isang life jacket.

Sa CCTV video, makikitang si Rivera at ang anak nito ang sumakay ng boat. Natagpuan ang boat sa area ng lake na may lalim na 30 feet.

Naya Rivera played Santana Lopez for six seasons sa Glee.

Si Rivera ang ikatlong cast member ng show na pumanaw dahil sa isang trahedya.

Unang pumanaw si Corey Monteith noong July 13, 2013 dahil sa drug overdose. Pangalawa ay si Mark Salling na nag-suicide by hanging sa Los Angeles noong January 30, 2018

Dennis at Jennylyn: Mayroon bagong dibersyon

Dennis and Jennylyn



 Kahit naka-quarantine sa bahay, busy pa rin ang Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa pag-aasikaso ng kanilang mga negosyo. 

Sa katunayan, si Jennylyn mismo ang punong-abala sa kanyang cookie business. 

“Wala naman kasing p'wedeng mag-handle nu'n so sa ngayon ako 'yung naghahawak ng mga orders tapos delivery. Happy naman ako na ako 'yung humahawak ng mga ganito. Tinutulungan din ako ni Dennis.” 

Dennis and Jennylyn, happy together sa love at negosyo
Pinaghahandaan na rin nila ang pagbubukas ng kanilang cat cafe at salon. Kwento pa ni Jen, happy at proud siya dahil natupad ang pangarap niyang maging baker dahil sa pamamalagi sa bahay habang mag lockdown. Kaya naman siya mismo ang nag-bake ng birthday cakes nila ni Dennis para sa kanilang nakaraang kaarawan. 

“Ngayon halos wala namang nagbebenta ng cake so wala kaming choice. Ako rin gumawa ng birthday cake niya tapos ako rin gumawa ng sarili kong birthday cake. Favorite ko kasi 'yung carrot cake.”

Maging si Dennis ay nahilig na rin sa pagbe-bake katulad ni Jen.

“Mahilig kaming manood ng videos onine so naghanap kami ng mga recipe para gumawa ng mga sarili naming cake tsaka mga pizza, tinapay.”

*****

Sa recent online interview kasama ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose, naibahagi niyang on-going pa rin ang online auditions para sa The Clash Season 3. 

Hanggang June 28 pa ang auditions at masugid raw ang pagsi-screen sa mga nagpapadala ng entries.
Julie Anne
“Kasi may mga nagsa-submit po na parang hindi maganda 'yung quality or hindi maganda 'yung tunog, so kailangan mai-screen po lahat 'yun. And then lately nag-livestream po kami with The Clash. Tapos na-explain naman din po 'yung mechanics kung ano po 'yung do's and dont's doon po sa pag-o-audition din po.”

Natanong rin ang The Clash Master kung handa na ba siya sakaling mag-taping na muli ang programa.

“Hindi pa po kami nabi-brief about that, pero right now mas naka-focus muna kami ngayon sa online content po namin. Kasi madami din po nagsa-submit ng mga entries nila and audition tapes, so ini-screen naman po namin lahat 'yun."

Para sa mechanics, pumunta lamang sa official Facebook page ng ‘The Clash’.

*****

Sa mga panahon ng hirap at kagipitan gaya ngayon na may kinakaharap na krisis sa buong mundo ay mas higit na makikilala natin kung sino ang ating tunay at tapat na kaibigan. 

Sa latest YouTube vlog ng Kapuso talent na si Benedict Cua, tinalakay nito kung paano nga ba makakahanap ng tunay na kaibigan at kung dapat na bang putulin ang mga relasyon na hindi na nakakabuti sa sarili. 

Benedict Cua
Ang tunay na kaibigan ay kung hindi ito nagpapadala sa peer pressure at kayang irespeto ang iyong desisyon.

“Doon mo mate-test kung totoo silang kaibigan 'eh kapag ni-reject nila 'yung 'No' mo and they didn't respect your decision, then you might as well stay away.

“A true friend would also love unconditionally. In general, kapag nagkamali ka, mage-gets niya kung saan ka nanggagaling and pagsasabihan ka niya pero hindi ka niya gagawing enemy.”



Alden: Binuksan ang bahay sa fans

Alden Richards




 Nakipagkuwentuhan kamakailan online si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa kanyang fans sa gitna ng enhanced community quarantine. 

Sa kanyang Instagram live, ipinakita ni Alden ang kanyang mga koleksyon, ilang parte ng kanyang bahay, mga alagang aso, at sumagot din ang Kapuso actor ng ilang questions mula sa kanyang mga fans. 


Ikinuwento rin ni Alden na kasama niya ang kanyang ama, nakababatang kapatid, lolo at Lola, at mga kasambahay sa kanilang bahay sa Laguna. 

Siya rin daw ang runner na bumibili ng groceries para sa kanyang pamilya. 

Wish ni Alden na sama-sama nating ipagdasal ang frontliners, ang mga taong maysakit, at lahat ng apektado ng COVID-19 pandemic. 



***

Tuluy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng ilang Kapuso stars sa mga kababayan nating nangangailangan sa pamamagitan ng kanilang donation sa GMA Kapuso Foundation. 

Naghandog ng P50,000 each ang Kapuso singers na sina Julie Anne San Jose, Anthony Rosaldo, at Maricris Garcia mula sa nakuha nilang talent fee sa sinalihang online mini concert. 
Julie Anne San Jose,Anthony Rosalado and Maricris Garcia
“Gusto ko din pong gamitin 'yung voice ko to inspire other people to be positive and to push each other forward and help each other,” sey ni Julie. 

Dagdag naman ni Maricris: “Lagi ko kasing pinagdadasal kay Lord na gawin niya kong instrument sa kahit na anong paraan para makatulong at makapag share ng blessing na ibinigay sa akin.” 

Sey naman ni Anthony: “Ngayon na kaya ko namang tumulong na rin, hindi ko ipagkakait 'yung help kahit gaano katiting, na ibigay sa mga kababayan natin.” 

*****

Magiging Sunday Funday para sa buong pamilya dahil sa offering ng GMA Network sa May 3.

“Everything is awesome!” ang sigaw ng hit 2014 computer-animated comedy film ‘The Lego Movie’ on Kapuso Movie Festival. 

Based on the Lego line of construction toys, it tells the story of an ordinary Lego minifigure who finds himself helping a resistance to stop a tyrannical businessman from gluing everything in the Lego world. Watch his exciting journey and adventure in saving the Lego universe. 

Susundan ito ng Kapuso Movie Festival’s second feature na ‘Batman v Superman: Dawn of Justice.’ 

Witness the crossover of two of the most-loved superheroes in DC Comics 2016 film starring prized actors Henry Cavill and Ben Affleck. 

Catch the return of the iconic fantasy-comedy film series starring Vic Sotto in ‘Enteng Kabisote 10 and the Abangers’ on GMA Blockbusters. 

Ito ang ika-10th movie installment based on the television sitcom ‘Okay Ka, Fairy Ko!’ Sumama sa adventure ng real world at sa mundo ng Encantasia!

Balik naman tayo sa taong 1998 with Ang Kilabot at si Miss Pakipot starring Rommel Padilla and Rita Magdalena on Sunday Night Box Office (SNBO). 

After serving his sentence, ex-convict Carding (Rommel) seeks his cousin's home for a fresh start. Things become complicated when a drug syndicate runs a drug trade in that place.

Huwag mahuli sa family bonding with Kapuso Movie Festival after iBilib, GMA Blockbusters after Dear Uge, and SNBO after The Boobay and Tekla Show, this Sunday, only on GMA-7. 

Gloria Diaz: Pinaglaruan sa panahon ng ECQ

Miss Gloria Diaz with daughters Ava and Isabelle Daza




Dala na rin siguro ng quarantine lockdown kaya naisipan ni Isabelle Daza at ng kanyang kapatid na si Ava Daza na paglaruan nila ang kanilang inang si Ms. Gloria Diaz.

Sa tulong din ng fiance ni Ava na si Luch Zanirato, gumawa ng script sina Belle at Ava.

Sa prank video, nagpanggap na isang barangay officer si Luch at tinawagan sa bahay si Gloria para ihain ang complaint na lumabag ito sa paglabas ng bahay habang may ECQ.

Nagpaliwanag si Gloria na lumabas siya para bumili ng gamit at tinapay sa mall na malapit sa kanila.

Gloria with Isabelle and Ava
Naging defensive si Gloria sa pagsabi ng: "Akala mo naman nagpa-party! Hindi! Hindi ako nagpa-party!"

Pagkatapos tanungin pa si Gloria kung may symptoms ito ng COVID-19, pinasa ni Luch ang telepono kay Ava at ni-reveal na isang prank iyon ginagawa sa kanya.


Ava Daza
Hindi pa sila nakuntento kay Gloria at tinawagan din nila ang kapatid ni Gloria na si Socorro Diaz na ina ng pinsan nilang si Martine Ho.

Nagpanggap naman bilang PNP officer si Luch at sinita rin si Soccoro sa hindi pagsunod sa ECQ guidelines.

Super-explain si Socorro na dalawang beses lang daw itong lumabas para bumili ng pagkain at gamot. Sinabi rin nito na isa siyang frontliner feeder.

Hanggang sa i-reveal na ni Ava na isang prank ang ginagawa nila.

Dahil successful ang kanilang prank, ito ang pinost ni Belle sa kanyang Instagram:


“We pranked @gloria.diaz69

“I say “we” cause i helped write the script but it was really @avadiazdaza’a fiancé @luchzanirato’s acting that did it!!! inspired by @cathygonzaga’s vlog. We werent supposed to post this (as you can see by the video) but its too good not to post!! Also @martine’s mom tries to get out of a fine by saying shes a front line feeder)"

*****

Patuloy ang paghatid ng saya nila Betong Sumaya at Ate Gay sa maraming nasa bahay lang sa pamamagitan ng social media.

Nagkakaroon sila ng sarili nilang online shows via Facebook Live o di kaya via Zoom.


Bentong Sumaya at Ate Gay nagpasaya online
“Kumbaga, ito lang ang ambag ko para sa ating mga frontliner, mga tao sa bahay na nababagot,” sey ni Ate Gay na kinakatuwaan ng marami ang kanyang mga videos.

Si Betong naman ay gustong pasayahin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nag-aalala sa kanilang mga naiwang pamilya sa Pilipinas.

“Alam ko na hindi solusyon na palagi mo silang patatawanin pero malaking bagay din na kahit papano nada-divert mo 'yung problema nila.”

Naglabas din si Betong ng sarili niyang novelty song under GMA Music titled "Nang Minahal Mo ang Mahal Ko.” 

*****

Muling pinatunayan ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose ang kanyang husay sa paggawa ng kanta. 

Nangunguna agad sa iTunes PH All Genre Chart ang bagong single ng Kapuso star na “Better” sa araw mismo na ini-release ang kanyang kanta. 

Cover si Julie ng Spotify New Music Friday Philippines playlist.

Featured din ang “Better” sa Spotify New Music Friday HK, Indonesia, Malaysia, Singapore, Taiwan, at Thailand. Congratulations, Julie! 

Mga Kapamilya at Kapuso Stars, umaalma na

Janine, Donny, Angel at Bela




 "Positive na sukang-suka na sa gobyerno. Good people are outnumbered," sey ng no holds barred tweet ni Maris Racal. Pumasok ang ka-loveteam ni Inigo Pascual sa top Philippine Twitter trends last April 2.

Samantala, walang exact criticism sa goverment si Inigo ay positive na hinahanap rin niya kung saan napunta ang P275 Billion state calamity fund ng gobyerno dahil niretweet niya ang post ni Khalil Ramos demanding na malaman kung paano ito nagastos.


Inigo, Janella at Maja
Pati si Maja Salvador aka Lily Cruz ay pasok sa trending list ng Twitter. She posted a group photo from Wildflower na palaban ang pose nila at me caption na: "Let's go friends, hanapin natin ang 275B". Nagtweet rin siya ng famous Lily Cruz memes na angry ang expression as if saying na galit na rin talaga siya sa nangyayari.

Ang wanted sa Twitter na "President of the Philippines" Nadine Lustre ay lumutang na rin with a statement sa kanyang IG story: "Yung 275 Billion hanapin n'yo. Wag ako. Kaloka. Makapaghalaman na nga." Sa isang slide ay pinatutsadahan niya si Koko.

Kung may positive na dala ang pandemic na COVID-19, yun ay ang mas gawing aware ang successful people tulad ng ating mga artista na mahalaga ang voice nila at part sila ng nation.

April 1 ang nagsilbing trigger dahil sa 3 major events. April Fools' Day ito kaya fitting kasi parang lokohan talaga ang nangyari ng araw na yun. First ay ang arrest sa 20-plus na mga taga-Sitio San Roque sa EDSA, Quezon City) dahil walang food aid. Second ay isang major trigger which is paglabas ng statement ng NBI regarding Vico Sotto. At third ay ang speech ng ating mahal na Pangulo warning people na 'wag kalabanin ang gobyerno.


Yeng, Jodi, Toni at Julie Anne

Sina Donnie Pangilinan, Angelica Panganiban, Julie Anne San Jose, Janine Gutierrez, Angel Locsin, Yeng Constantino, Janella Salvador, Gretchen Ho, Jodi Sta. Maria, Alex at Gonzaga, Bela Padilla, Lauren Young, ilan lang sila sa maraming influential figure na nakikiisa na sa bayan para mag-demand sa gobyerno ng transparency.

Sabi nga sa isang revolutionary film na V for Vendetta: "People shouldn't be afraid of their governments. Governments should be afraid of their people."



Barbie at Kate, naging adik na!

Barbie Forteza and Kate Valdez 





Habang stop muna sa taping n GMA series na pinagbibidahan nila ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Kate Valdez, inaaliw muna ni Kate ang kanyang sarili sa sikat ngayong social media app na TikTok (ang daming celebrities na adik rin sa naturang app.-Ed)

Dahil bago pa lang sa TikTok, ang kapatid daw nito na si Karen ang nagturo ng dance moves sa viral song ni Justin Bieber na Yummy. 

Barbie and Kate pang-aliw ang TikTok
Pinuri naman ng netizens ang tinatagong galing ng Kapuso actress sa pagsasayaw.

“Ang galing naman sumayaw ni Caitlyn este Kate pala.” Biro pa ng TikTok user na si Irish dela Cruz, “Sana all magaling sumayaw.” 



Bukod sa dancing, hinahangaan din si Kate sa husay nitong gumanap bilang si Caitlyn sa serye nila ni Barbie na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.


*****

Isa si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa mga nanawagan sa importansya ng pagkakaisa at kooperasyon sa gitna ng banta ng COVID-19.

Sa kanyang post sa Instagram, hinikayat ng Descendants of the Sun lead actor na ngayon mas kailangan na pairalin ang pagtutulungan ng bawat isa.

Dingdong Dantes
"We are now in a battle that challenges systems, institutions and the very core of our humanity. At ang labang ito ay nangangailangan ng ating kooperasyon at pagtutulungan. Now, more than ever, we are challenged to be responsible citizens to the best of our abilities."

Bukod diyan, mahalaga rin ayon kay Dingdong na pag-ingatan ang katawan at protektahan ang ating mga sarili para lumakas ang ating resistensya laban sa virus at iba pang impeksyon.

“Nagsisimula ito sa pagpapalakas ng ating kalusugan at disiplina sa ating sarili, dahil dito nakasalalay ang kalakasan ng ating mga pamilya at ng ating komunida.” 

Pinaalalahanan din ng Kapuso actor ang lahat na ang kasalukuyang krisis na ito sa kalusugan ay hindi lang laban ng gobyerno at mga private sector kung 'di laban din ng bawat isa.

Umani naman ng mga positibong komento mula sa netizens ang panawagan na ito ni Dingdong sa social media. 

*****

May new look ang Kapuso star na si Sanya Lopez at ayon sa kaniyang mga tagahanga, lalo siyang gumanda.

Pinuri ng Instagram followers ang short hair niya at bagay na bagay daw sa aktres. 

Sanya Lopez
Naging mas active sa social media ngayon si Sanya at panay ang update niya sa mga fans ng pinagkakaabalahan habang naka-quarantine. 

Aliw na aliw din ang followers sa mga TikTok videos ni Sanya na talaga namang nakakapag-bigay ng good vibes.

Samantala, muli siyang mapapanood sa primetime bilang si Danaya sa hit 2016 remake ng telefantasya na 'Encantadia' pagtapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.


*****

Kabilang ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose sa nais maghatid ng entertainment sa ating mga kababayan habang meron pang enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Julie Anne Sam Jose
Sa isang YouTube video, inialay ng All-Out Sundays star ang kantang “Stand By Me” para sa lahat. Pinahanga niya ang mga subscribers sa short acapella cover ng sikat na kantang ito. Ramdam nila ang pag-asa sa inawit na ito ni Julie.

Dasal ni Julie na malagpasan nating lahat ang pagsubok na ito.