|
Dala na rin siguro ng quarantine lockdown kaya naisipan ni Isabelle Daza at ng kanyang kapatid na si Ava Daza na paglaruan nila ang kanilang inang si Ms. Gloria Diaz.
Sa tulong din ng fiance ni Ava na si Luch Zanirato, gumawa ng script sina Belle at Ava.
Sa prank video, nagpanggap na isang barangay officer si Luch at tinawagan sa bahay si Gloria para ihain ang complaint na lumabag ito sa paglabas ng bahay habang may ECQ.
Nagpaliwanag si Gloria na lumabas siya para bumili ng gamit at tinapay sa mall na malapit sa kanila.
Naging defensive si Gloria sa pagsabi ng: "Akala mo naman nagpa-party! Hindi! Hindi ako nagpa-party!"
Pagkatapos tanungin pa si Gloria kung may symptoms ito ng COVID-19, pinasa ni Luch ang telepono kay Ava at ni-reveal na isang prank iyon ginagawa sa kanya.
Ava Daza |
Nagpanggap naman bilang PNP officer si Luch at sinita rin si Soccoro sa hindi pagsunod sa ECQ guidelines.
Super-explain si Socorro na dalawang beses lang daw itong lumabas para bumili ng pagkain at gamot. Sinabi rin nito na isa siyang frontliner feeder.
Hanggang sa i-reveal na ni Ava na isang prank ang ginagawa nila.
Dahil successful ang kanilang prank, ito ang pinost ni Belle sa kanyang Instagram:
“We pranked @gloria.diaz69
“I say “we” cause i helped write the script but it was really @avadiazdaza’a fiancĂ© @luchzanirato’s acting that did it!!! inspired by @cathygonzaga’s vlog. We werent supposed to post this (as you can see by the video) but its too good not to post!! Also @martine’s mom tries to get out of a fine by saying shes a front line feeder)"
*****
Patuloy ang paghatid ng saya nila Betong Sumaya at Ate Gay sa maraming nasa bahay lang sa pamamagitan ng social media.
Nagkakaroon sila ng sarili nilang online shows via Facebook Live o di kaya via Zoom.
Bentong Sumaya at Ate Gay nagpasaya online |
“Kumbaga, ito lang ang ambag ko para sa ating mga frontliner, mga tao sa bahay na nababagot,” sey ni Ate Gay na kinakatuwaan ng marami ang kanyang mga videos.
Si Betong naman ay gustong pasayahin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nag-aalala sa kanilang mga naiwang pamilya sa Pilipinas.
“Alam ko na hindi solusyon na palagi mo silang patatawanin pero malaking bagay din na kahit papano nada-divert mo 'yung problema nila.”
Naglabas din si Betong ng sarili niyang novelty song under GMA Music titled "Nang Minahal Mo ang Mahal Ko.”
*****
Muling pinatunayan ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose ang kanyang husay sa paggawa ng kanta.
Nangunguna agad sa iTunes PH All Genre Chart ang bagong single ng Kapuso star na “Better” sa araw mismo na ini-release ang kanyang kanta.
Cover si Julie ng Spotify New Music Friday Philippines playlist.
Featured din ang “Better” sa Spotify New Music Friday HK, Indonesia, Malaysia, Singapore, Taiwan, at Thailand. Congratulations, Julie!
No comments: