Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Kapamilya Channel: Legal ba umere?

Mga serye na kasama sa Kapamilya Channel





 Madami ang nagtatanong, legal ba ang pagpapalabas ng mga shows ng ABS-CBN sa bagong tatag nila na Kapamilya Channel kung saan doon lumalabas ang mga serye nilang Love Thy Woman, FPJ's Ang Probinsiyano,The General's Daughter at iba pa kung saan doon nakatalaga o' pwesto ng dating ABS-CBN na ngayon ay nakabinbin ang franchise at inilalaban pa rin ng legal arms ng kompamya para maibalik sa ere for free TV?

Happy ang mga artista ng serte dahil balik trabaho sila
Sa local cable channel ko, its the same Channel 8 ang pwesto na dating bahay ng ABS-CBN na ngayon ay naka-assign sa Kapamilya Channel.

Sa "pagbabalik"sa ere ng mga seryeng tatak ABS-CBN, merong ilan ang hindi na naka-awra like ang shows nina Liza Soberano at Enrique Gil at ang Pamilya Ko nina Sylvia Sanchez, JM de Guzman, Kiko Estrada, Rossana Roces at Joey Marquez.

Sylvia Sanchez's Pamilya K, hindi nakasama
Pansin ko, wala sa naturang Kapamilya Channel ang pinapanood ko nightly na news program na TV Patrol nina Noli Boy de Castro, Bernadette Sembrano at Ted Failon. Meron silanlocal news na ng titulo ay News Patrol, kaya kapag TV Patrol na ay change channel ako at lipat sa DZMM TeleRadyo.

Tanong ng marami, may isyu pa rin ang"ABS-CBN Black Box kung saan napapanood ang Kapamilya Channel show's like It's Showtime sa Jeepney TV at ang mga serye nina Kim Chiu, Xian Lim, Christoper de Leon, Coco Martin sa Cinemo Channel sa black box?

Tama lang ba ang ginagawa ng ABS-CBN management sa diskarte nilang ito habang inilalaban pa sa kogreso ang kanilang prankisa? Unti8l npw tuloy ang panguurirat sano[insyoko, paulit-ulitang mgatanonh na naghahanap na lang ng butas para lang magtagal ang hearing.

As of presstime,narito ang ilan na mga shows na napapanood sa Kapamilya Channel sa kasalukuyan:


1. FPJ's Ang Probinsyano
2. A Soldier's Heart
3. Love Thy Woman
4. Magandang Buhay
5. The Voice Teens
6. TV Patrol
7. Paano Kita Mapapasalamatan - Every Saturday
8. Iba Yan - Every Sunday
9. The World of a Married Couple
10. It's Showtime

Kung saan mauuwi ang laban ng ABS-CBN sankanilang franchise ay abangan na lang natin. I wish my friends sa Kapamilya Network na ang ending ay para sa kanilang kapakanan





Coco Martin, may babalikan pa ba?

Coco Martin



 Yes, Coco Martin or popularly known by his fans as Cardo Dalisay and the rest of the FPJ’s Ang Probinsyano cast are now set to tape new episodes for their fans to enjoy. 

Korek, magbabalik na sa ere si Cardo! 


We all know that Metro Manila and Luzon are now under general community quarantine and we still have to take extra precautions due to the dreadful Covid-19 pandemic. Dahil dito, minabuti nina Coco, cast ng FPJAP at ng crew nito na ma-confine sa isang lugar at doon lang mag-taping para hindi na nila kailangang lumabas pa at makihalo sa iba like the usual taping days that they used to do. 
 
Abangan ang pagbabalik ni Cardo Dalisay


I’m sure, aware naman si Coco bilang aktor at direktor ng show sa mga protocols and rules that have been set by the government to ensure everyone’s safety.

Matatandaang halos mag-rally online ang fans ni Cardo sa pagkawala ng FPJAP. It was on May 5, 2020 when ABS-CBN went off the air at hanggang ngayon dinidinig pa rin sa kongreso ang isyu ng franchise renewal ng istasyon. Kaya akala ng lahat katapusan na rin ng paborito nating bida at hero sa telebisyon. Wow mali pala ang mga detractors ni Coco! 

Magiging mataas pa rin kaya ang rating ng FPJAP?

Despite all the bashing, the memes that were thrown at him for standing for what he believes in during the Laban Kapamilya forum, he patiently and silently worked para makabalik sa ere ang programa nila. ‘Yun din kasi ang emote niya, na kung mawawala ang programa at istasyon nila-- mawawalan ng pangkabuhayan ang mga nagta-trabaho rito. So, at least now, unti unti nang bumabalik ang lahat hindi man sa dati pero, may trabaho na. Kesa sa wala. 




Where will it be shown? Will it have the same viewership as when it was shown in ABS-CBN? These are the questions that come to mind and asked upon hearing Cardo’s comeback on TV. Well, FPJAP will be shown on the Kapamilya Channel on Sky Cable television, TFC, Cinemo sa may mga TV Plus as well as other cable TV channels. 

The teaser of FPJAP’s comeback is also being shown on the internet and on DZMM teleradyo. Ipinapakitang namamahay-mahay si Cardo na tila naghahanap ng bagong matutuluyan. Papasukin naman natin siyang muli sa ating mga tahanan. Why not? 


Coco: Patuloy pa rin iniintriga

Coco Martin




 Ito ang limang shocking and controversial news na involved si Coco Martin, Ang actor-director ng longest running Pinoy TV series of the decade na 'Ang Probinsyano'.

Una na rito ay bading siya at pumapatol siya sa bading, dahil matindi ang man-to-man scenes sa first big role niya sa indie films. Breakout role niya ang 'Masahista' (2005) which made him win the Best Actor Awards sa Young Critics' Circle in 2006. Nasundan ito ng roles na may torrid scenes with fellow men sa 'Serbis' at 'Daybreak'.


Coco's 'Masahista" international post
Minsan din siyang na tismis na diumano may issue tungkol backer niya na bading kaya dumami ang kanyang projects. Nadawit si John 'Sweet' Lapus kasi sinabi niya dati na gusto niyang mainterview si Coco for Showbiz Central. 

Two, the questions na gusto niyang itanong dati kay Coco ay kung pumatol na ito sa bading at kung willing ito pumatol.

Isa sa lalong nagpa-curious sa mga tao sa gender ni Coco ay ang role niya sa MMK in 2009 sa episode titled 'Boarding House' where he started opposite Derek Ramsay.

Second issue of course, na very recent lang,yung ay yung pambubuhos ng tubig sa crew issue na inopen-up ni Robin Padilla pero kinlarify ng mga katrabaho ni Coco like Arjo Atayde na biruan lamang sa set kasi nga 

sobrang close nila. Isang crew member from sa 'Juan Dela Cruz' ang nag-testify ng good working relationship with him despite nabuhusan ng tubig.

Ang pangatlo ay ang issue ng suntukan niya niya with Matteo Guidicelli sa after-party ng Star Magic Ball 2011 dahil kay Maja Salvador. Hindi ito dineny ni Maja at inamin niya ang relationship nila ni Matteo noong time na yun. Ayon sa isang source ay nagstart ang tension because Coco kissed Maja on the lips but dineny yun ni Maja. 'Minsan Lang Kita Iibigin' pa lang daw ay si jealous na si Matteo kay Coco dahil ipinartner ito kay Maja sa teleserye na yun. Si Matteo daw ang nag-umpisa ng suntukan ayon sa witness.

Pang-apat ay ang video rant niya na social media where he spoke out against those who issued a cease and desist order laban sa Kapamilya network.

Of course, ang pang-lima sa list na siya ring ating Top 1 ay ang issue na nabuntis niya diumano si Julia Montes. Ito ay lumabas when Julia decided to take a long break with her biological father sa Germany.

Coco-Julia, may iililihim pa rin

May nagcirculate pa nga na photo si Coco kasama si Julia pagkapanganak nito at looking so happy kaya inisip ng netizens na matibay yung evidence pero todo deny si Coco.

Para sa writer na ito eh sa lahat ng napanood niyang interviews ni Coco ay matipid ito palagi sumagot o may agam-agam sa mga maiinit na issue na ibinato sa sa kanya. The only time na I remember na siya'y nagkwento talaga ay tungkol sa rivalry issue nila ni Vice at naging tampuhan after Best and the Bestie, which was not that major of an issue.

At present ay nali-link si Coco Martin ay Yassi Pressman at strong na strong pa rin ang CocoYass fandom na nabuo dahil sa chemistry ng two sa 'Ang Probinsyano'.

Speaking of buntisan, halos kabuwanan na nina Bangs Garcia at Iya Villania so may incoming "Covid-19 babies" ang showbizlandia.


*****

Ang first comedy show put together via Zoom ay ang 'Tawa Tawa Together', led by Showtime writer and stand-up comedian Alex Calleja.

Inamin niya na kahit may nagsusulputang viral comedy stars ay di siya threatened kasi nga need nila i-sustain yung ikinasikat nila. Inexample niya si Dante Gulapa na nag-eagle dance hanggang magsawa ang mga tao.


Alex Calleja, magpapatawa online
Based sa media day held a few days ago ay sina Sophia Reola, Chunsa Jung, at DJ Rex Ricamara ang inaabangan ng mga tao.

Isa sa mga nabanggit in connection sa Pinoy humor ay kung how people just laugh off the delayed ayuda and the social distancing na uso ngayon.

It doesn't mean na di natin sinseryoso but that is just the way Pinoys make light of difficult situations.

Mapapanood ito for free via iWant ng ABS-CBN.

Coco Martin: Waley na ang positive aura

Coco Martin



 People change, whether good or bad, it is still change. Some people do plastic surgery to change their look and some people change the way they project to give a better presentation of themselves. So, lahat nagbabago, siguro the only constant in this world is change. For more than two months maraming nabago at marami ring nagbago. Ito na siguro ang effect ng community quarantine sa mga tao.

Bago na-implement ang community quarantine sa buong Luzon ay mapapanood pa ang ilang taon ng TV show na pinagbidahan ng masasabi nating isa ng batikang actor at bagong sibol na director na si Coco Martin. Yes, yan po ay ang palabas na “Ang Probinsyano.” Sa tagal ng umiire itong palabas na ito ay marami kang pagbabago na mapapansin sa palabas at sa particular na character nito na si Cardo na binibigyan buhay ni Coco.



Ilan sa mga pagbabago ay ang pagiging director ni Coco sa nasabing TV show. Sa mga character naman ay maraming nawala at maraming pumalit. May mga nabigyan ng trabaho at nabigyan ng pagkakataon makabalik sa showbiz industry. Pero ang ating full attention ngayon ay about sa mukha at awra ni Coco Martin.

Natatandaan nyo pa ba ang maamong mukha ni Coco sa pelikulang “Masahista”? Well, batambata at may pagka-inosente pa ang look. Eh yong look nya sa movie na “Kinatay”, dito ay nagkaroon na siya ng confidence at mas naging maganda ang mga ngiti. Idagdag mo pa yong teleserye na “Walang Hanggang” na talaga naman kinagiliwan ng madlang people na lalong nagpa-angat ng kanyang tinatagong good looks. Sa “You’re My Boss” mas lalong nagkaroon ng maaliwalas na mukha at isama mo pa ang simpleng pagpapasaya nya sa mga nag-aabang ng mga romcom na story. At yong drama series na nagbigay ng sense ng pagiging idolo na “Juan Dela Cruz.”


Poster of his earlier films as an indie actor
Sa ilang taong lumipas naging maganda ang changes sa awra ni Coco Martin. From a simple looking binata to a more accomplished idol peg. Pero lately sa pag-papel ni Coco bilang Cardo ay parang nagkaroon na ng ibang imahe ang kanyang mukha at awra. Kung noong una ay puno ng saya at pag-asa ngayon ay parang puno ng pag-aalala, galit, at disappointment. Dahil ba sa haba na ng teleserye ay na-i-imbibe na nya yong character ni Cardo?

So ano sa tingin nyo, gone with the wind na nga ba ang masaya at maamong mukha?


Kim Chiu: Pinagdududahan

Kim Chiu





Kapamilya actress Kim Chui seems to have recovered from the shooting incident that almost killed her and two of her other companions (her PA and driver) almost three weeks ago in Quezon City. In a You Tube video released by Kim, she said it was confirmed to her that it was a case of mistaken identity and the bullets were not meant for them.

Laking pasasalamat ni Kim dahil iniligtas sila sa kapahamakan at naniniwala ang aktres, ito ay milagro mula sa Panginoon. Days before she spoke up, Kim acted normal after the incident happened.


Kumbaga, ipinaubaya na niya ang lahat sa awtoridad. At dahil sa pagbuhos ng pagdamay at pagmamahal ng kapamilya’t kaibigan niya, she was able to move on fast. Pero may ilang tila hindi nasiyahan. There were some netizens that would write nasty comments at nagpaparinig pa about “tamaan ng bala” and something to that effect to get Kim’s attention or to make her feel upset. Why do you like to make others feel bad? Gosh.


At para matuludukan na nga ang issue, naglabas si Kim ng You Tube video para marinig naman ang kanyang saloobin.

Anyway, kilala si Kim sa pagiging matulungin at involved sa charity work. By way of thanksgiving for sparing their lives, namahagi si Kim ng relief goods sa mga nawalan ng trabaho sa kalapit na barangay ng village nila dahil sa Enhance Community Quarantine na ipinatupad para maiwasan ang pagkalat ng Covid -19. Keep it up, Kim!


*****

Being home quarantined hasn’t stopped celebrities from doing their jobs.

Patunay lang dito ang pag-eere ng mga news at TV shows kahit “work from home” ang mga artista at broadcasters. May kanya-kanyang style mapa Zoom man yan, FB live or You Tube para ma-share sa televiewers ang saya at impormasyong kailangang malaman lalo na sa gitna ng COVID-19 scare at nationwide lockdown.


Toni and Alex Gonzaga, tumulong sa apektado ng lockdown
Also, the stars from Kapamilya and Kapuso networks have united as one in extending help to our kababayans who are greatly affected by the lockdown.

Ilan sa mga nag-donate ay sina Angel Locsin, Willie Revillame, Kris Aquino, Coco Martin, Judy Ann Santos, Dingdong Dantes, KC Concepcion, Ara Mina, Aiai delas Alas, Richard Quan, Toni and Alex Gonzaga at marami pang iba. Walang maliit o malaking tulong sa panahong nangangailangan ang higit na nakararami.

What’s important is we have the heart to give and care to those who have less.



*****

Sarah and Matteo: Love na love ang isa't isa
After being married for a month now, Matteo Guidicelli and his wife Sarah Geronimo-Guidicelli are enjoying their honeymoon stage. Sa totoo lang, I’ve never seen Sarah so beautiful and glowing, ngayon lang. Iba talaga ang nagagawa ng love, in fairness, for some po hahaha!

Kaya ayan, may mga nagtatanong kung preggy na raw ba si Sarah o balak na nila magka-baby?


Well, mas okay ‘yung enjoyin muna nila ‘yung buhay mag-asawa na sila lang, di ba?

Ang mahalaga, they now have each other to face whatever it is that life may bring- ke maganda o hindi. Hmmn, ano kaya ang say ni Mommy Divine na blooming si Sarah sa piling ni Matteo? Charot!.

Mga lumang serye, balik prime time

Old hit seryes 0n prime time tonight, March 16



Sorry sa mga regular vhiewers ng mga programa ng ABS-CBN like FPJ’s Ang Probinsyano, Make It With You, at A Soldier’s Heart.

Hindi muna natin makakasama si Cardo Dalisay at ang mga paborito ninyong karakter sa primetime block ng ABS-CBN.

Stop muna ang taping ng mga teleserye ng Dos bilang pagsunod sa patnubay ng pamahalaan kaugnay sa COVID-19 outbreak at para sa kaligtasan ng lahat.


Kaya ‘yung mga nagwi-wish na matapos na sana ang apat na taon na pamamayapag ng Ang Probinsyano eh may reprieve kayo ng isang buwan.

Ang papalit sa slot ng Ang Probinsyano ay ang May Bukas Pa na bida ang bata pa noon na si Zaijan Jaranilla.

Zaijan Jarnilla is back on prime time

Temporary lang naman ang “pamamaalam” sa primetime ng show ni Coco Martin. Kapag puwede na muli mag-taping ay muli magbabalik sa ere ang action program ng hari ng primetime.

Mula nang ipalabas ang action-drama show ni Coco four years ago ay nanatili itong number one sa mga viewers. Top-rating ito at maraming commercial load.

Marami rin endorsements na dumating kay Coco since he took the role of Cardo Dalisay.


Siyempre nakakabitin sa takbo ng kwento na biglang “babu” muna sa ere ng mga programa ng Dos, lalo na kung regular kang viewer nito.

Ang promise naman ng Kapamilya network ay ibabalik nila sa regular programming pag bumuti na ang sitwasyon at sure sila na hindi malalagay sa alanganin ag kaligtasan at kalagayan ng lahat ng involved sa production.

Ganito rin ang mensahe mula sa GMA 7. Stop din muna ang taping ng mga station-produced programs, pati ang mga ginagawa ng independent production houses na kinontrata ng network for program content.

Maraming activities ang affected ng COVID-19 pero we cannot afford to take risks.Postponed ang first Summer Metro Manila Film Festival. Ito pa naman ang unang edisyon ng filmfest na dapat sana ay magsisimula sa April 11.

Biglang stop tuloy ang promo ng mga pelikulang kalahok sa Summer MMFF. Nagdesisyon din sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na ipostpone ang kanilang kasal.(na itinuloy pa rin nila last Saturday sa isang private and simple ceremony ang pagiisangdibdib-Ed).

Richard-Sarah, hindi  inatrasan ang CODV-17
Mahirap naman kasi i-compromise ang kalusugan ng kanilang mga bisita sa event nila.

Dahil sa virus na ito ay tiyak na affected ang trabaho ng mga artista na may teleserye.Paano ka mag-iskedyul ng taping kung may lockdown at pinaiiwasan ang pagtitipon ng mga tao to ensure na walang mahahawa sa virus?

Malaking problema ang pagtigil ng taping ng mga tv series kung walang nakaimbak na episodes.

Eh yung iba pa naman teleserye ay may oras na yung natatapos i-shoot in the morning ay siyang ipalalabas sa gabi.

Apektado ang pagbubukas ng mga bagong movies sa cinemas. Paano ka magre-release ng bagong movie kung walang manonood?

The month-long lockdown will surely affect many of us pero kailangan naman ito to make sure na mapipigilan ang pagkalat ng virus para wala nang mas maraming tao ang maapektuhan.

Lahat tayo ay umaasa na mareresolba ng proper authorities ang problemang dulot ng COVID-19 virus in due time para makabalik tayo sa ating normal na buhay.

idi






Sharon Cuneta, balik Social Media

Sharon is back





Megastar Sharon Cuneta is active again on her social media account after being in hiatus for a month or so. Surely, her fans have missed her because Sharon is one of the stars who shares details of her activities regularly to keep her followers updated. Pero bakit nga ba nag-leave si Sharon sa IG ng ilang linggo?


Sharon is very active in her Instagram
Bago pa nanahimik si Shawie sa IG, nag-post siya tungkol sa tiwala at kung gaano kasakit malaman na ang pinagkakatiwalaan mo ay tinatraydor ka. Siyempre, nagtaka agad ang followers ni Mega, sino ang may kakayahang gumawa nito sa kanya? Burado na ang post na ito ngayon pero umiikot ito sa pagkawala ng tiwala at pagkadismaya ng Megastar sa taong ito.

Dahil dito, samu’t saring chika na at ispekulasyon ang lumabas mula nang I-post ito ng Megastar.

May mga nagsasabing ka-trabaho raw ni Sharon ang tinutukoy niya sa post at aktres din daw ito?

Na kesyo humiram daw ng mga mamahaling alahas ni Mega pero hindi na isinoli? But you know, this is too vague.

Malabo ang mga ganitong chenes at wag basta magturo, di ba? Ang kalurky, pati si KC Concepcion dinadamay sa isyu? Wag naman po.

Hindi natin alam ang puno’t dulo ng gap ng mag-ina kaya unfair kung idamay si KC sa emote ni Shawie.

*****

Bamboo
Does Bamboo have haters?

Yes, Bamboo Manalac, the famous Rivermaya rock icon and now one of the coaches of The Voice Teens is a victim of fake death on the internet for the fourth time.

Recently, the news on Bamboo’s “death” circulated, kasabay ng namamayagpag na CoVid kaya talagang marami ang nagulat at nagtanong tungkol dito.
Sa true lang, hindi ko kinagat ang balitang ito.
Halatang gusto lang magpapansin ng ibang tao sa gitna ng CoVid scare at the expense of Bamboo kaya kung anu-ano ang nilalabas na balita.

*****

Hindi nakakatuwa ang CoVid na ito. Maraming naabalang buhay at gawain lalo na sa mundo ng showbiz at iba pang kalakalan.

Eto nga, kamusta kaya ang kita ng mga pelikulang palabas ngayon na Motel Acacia at Hindi Tayo Puwede?

Angelica Panganiban and Coco Martin in Love or Money
Kung kelan may social distancing at community quarantine saka naipalabas ang mga ito. Sayang.

Hindi na rin tuloy ang MMFF Summer Film Fest, postpone rin daw ito dahil sa CoVid scare kaya di rin mapapanood ang Love Or Money entry nina Coco Martin at Angelica Panganiban na ang most of the scenes were shot in Dubai pa. Maudlot man sandali ang pagpapalabas nito pero sabagay buti na rin yung maingat tayong lahat.



Hopefully, everything will get better in the coming days.

First Lady Lorna Tolentino, pakikialaman ang alitan nina Coco at Binoe

Lorna Tolentino, the troubleshooter



Hiningan ng kanyang opinyon si Lorna Tolentino tungkol sa hidwaan ngayon ng mga aktor na sina Robin Padilla at Coco Martin.


 Nagsimula ang lahat nang ilabas ni Robin via social media ang pagbuhos daw ng tubig ni Coco sa mga natutulog na talents ng programang FPJ's Ang Probinsyano.

 Sa paniniwala ni Lorna, iisa lang daw ang industriya bilang mga artista kaya dapat nagmamahalan sila at kung puwede ay protektahan mo ang kapwa artista mo.


Lorna is a peacemaker
"Para sa akin,kung kapwa mo artista dapat din proteksyunan mo, dapat mahalin mo rin.

"Kasi kung ano man yung mali o hindi maganda sa artista na yun, lalabas talaga,hindi mo matatago.

“Tama, huwag na nga sa kapwa mo artista mo manggaling," sey ni Lorna.
   
Dasal nga ni Lorna na magkaayos na balang-araw sina Robin at Coco dahil sila-sila rin daw ang magtutulungan balang-araw.

"Lahat naman ng nag-aaway na artista sa showbiz later on, nagkakabati kasi iisa lang ang linya ng trabaho.

 "So magkakaintindihan din 'yan. Sa ngayon siguro 'di pa sila nagkakausap, pero magkakaintindihan din sila eventually.

 “Sana merong tao na pwedeng pumagitna sa kanila para maging bukas yung isip nila at magkaintindihan."

*****

 Bilang pet owner, may connection si Carla Abellana sa emotions ng kanyang mga alagang aso.

Noong pumanaw ang pet dog niyang Corgi na si Sunny noong 2018, naiwan daw na mag-isa na lang ang isa pa niyang pet dog na si Patches na isang Jack Russel.
   Napapansin daw ni Carla na parating malungkot si Patches. Nawala na yung dating masigla at masaya niyang alaga.


Carla Abellana is a pet lover
Gumawa ng paraan si Carla at nag-ampon siya ng dalawang pet dogs para maging happy ulit si Patches.
  
Sa kanyang YouTube vlog, kinuwento ni Carla ang pag-adopt niya sa dalawang Aspin or Asong Pinoy. Pinangalanan niya itong Wing and Fly at galing sila sa pangangalaga ng PAWS o Philippine Animal Welfare Society.

Noong mauwi na raw niya sina Wing and Fly, medyo mahiyain pa raw sila pero hindi nagtagal ay lumabas ang pagiging playful nila at sumigla na agad ang alaga niyang si Patches dahil may mga bagong kalaro na ito.


*****