Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » Sharon Cuneta, balik Social Media

Sharon is back





Megastar Sharon Cuneta is active again on her social media account after being in hiatus for a month or so. Surely, her fans have missed her because Sharon is one of the stars who shares details of her activities regularly to keep her followers updated. Pero bakit nga ba nag-leave si Sharon sa IG ng ilang linggo?


Sharon is very active in her Instagram
Bago pa nanahimik si Shawie sa IG, nag-post siya tungkol sa tiwala at kung gaano kasakit malaman na ang pinagkakatiwalaan mo ay tinatraydor ka. Siyempre, nagtaka agad ang followers ni Mega, sino ang may kakayahang gumawa nito sa kanya? Burado na ang post na ito ngayon pero umiikot ito sa pagkawala ng tiwala at pagkadismaya ng Megastar sa taong ito.

Dahil dito, samu’t saring chika na at ispekulasyon ang lumabas mula nang I-post ito ng Megastar.

May mga nagsasabing ka-trabaho raw ni Sharon ang tinutukoy niya sa post at aktres din daw ito?

Na kesyo humiram daw ng mga mamahaling alahas ni Mega pero hindi na isinoli? But you know, this is too vague.

Malabo ang mga ganitong chenes at wag basta magturo, di ba? Ang kalurky, pati si KC Concepcion dinadamay sa isyu? Wag naman po.

Hindi natin alam ang puno’t dulo ng gap ng mag-ina kaya unfair kung idamay si KC sa emote ni Shawie.

*****

Bamboo
Does Bamboo have haters?

Yes, Bamboo Manalac, the famous Rivermaya rock icon and now one of the coaches of The Voice Teens is a victim of fake death on the internet for the fourth time.

Recently, the news on Bamboo’s “death” circulated, kasabay ng namamayagpag na CoVid kaya talagang marami ang nagulat at nagtanong tungkol dito.
Sa true lang, hindi ko kinagat ang balitang ito.
Halatang gusto lang magpapansin ng ibang tao sa gitna ng CoVid scare at the expense of Bamboo kaya kung anu-ano ang nilalabas na balita.

*****

Hindi nakakatuwa ang CoVid na ito. Maraming naabalang buhay at gawain lalo na sa mundo ng showbiz at iba pang kalakalan.

Eto nga, kamusta kaya ang kita ng mga pelikulang palabas ngayon na Motel Acacia at Hindi Tayo Puwede?

Angelica Panganiban and Coco Martin in Love or Money
Kung kelan may social distancing at community quarantine saka naipalabas ang mga ito. Sayang.

Hindi na rin tuloy ang MMFF Summer Film Fest, postpone rin daw ito dahil sa CoVid scare kaya di rin mapapanood ang Love Or Money entry nina Coco Martin at Angelica Panganiban na ang most of the scenes were shot in Dubai pa. Maudlot man sandali ang pagpapalabas nito pero sabagay buti na rin yung maingat tayong lahat.



Hopefully, everything will get better in the coming days.

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply