![]() |
| Pia Wurtzbach |
![]() |
Pero bago mag-isip ng kung ano-ano ang kanyang fans, nilagnat si Pia dahil sa sobrang pagod niya sa biyahe mula sa Manila papuntang Brazil para sa isang cover shoot.
Deadma lang si Pia sa kanyang nararamdaman. Work to death pa rin ang peg ng Filipino-German beauty queen.

"By far one of the most challenging (if not, the most challenging) cover shoots I've ever done. It took us 36 hours to get to Brazil from Manila and I literally had 1 full day to finish everything. The traveling took longer than the actual shoot! 😲 Battling jetlag, exhaustion, a fever and the heat, I wasn't gonna let anything stop me from getting good shots! Sayang ang binyahe ko!" ayon sa caption ni Pia sa Instagram.
Isa na yata si Pia sa pinaka-masipag na personality natin na mag-biyahe sa ibang bansa. Ilan sa mga pinuntahan niya ay para sa kanyang TV show na "Pia's Postcards" at ang iba ay mga invitation para sa mga special appearance. May mga post din siya na simpleng bakasyon lamang.
Nitong huli lang bago siya tumulak papuntang Brazil, naging abala si Pia sa mga event sa Indonesia - naging judge siya sa Puteri Indonesia (Miss Universe Indonesia) at nag-promote rin siya roon ng kahalagahan ng HIV-testing.
Five years na ang nakakaraan mula ng manalo siya sa Miss Universe na ginanap sa Las Vegas, Nevada,pero hanggang ngayon ay pinag-aagawan pa rin siya sa mga endorsements, guest appearances, modelling, at movies.
Bukod sa super ganda ang takbo ng kanyang career, happy rin ang kanyang love life. Ang saya-saya! I'm sure wala ng mahihiling pa si Pia! Hardworking siya and she deserves all the happiness in the world or the universe, rather.
*****
![]() |
| Celine Dion |
Tulad na lamang ng nangyari sa mag-asawang Hollywood stars na sila Tom Hanks at Rita Wilson. Inamin nila na positive sila sa COVID-19 na nakuha nila sa Australia.
Shock ang showbiz industry sa pangyayaring ito!
![]() |
| Celine, a victim of COVID-19? |
Agad namang kinansela na rin ni Celine ang kanyang mga shows sa New York dahil sa virus.
Feeling ng ibang tao, maraming unreported cases na may kinalaman sa deadly virus. Sa Pilipinas kaya, sino ang mga unang personalities ang aamin na positive sila sa virus? Sana naman ay hindi na madagdagan pa ang mga bilang ng mga tao na positive sa pinsalang health problems na kinahaharap ngayon ng mundo. Lagi tayo mag-i-ingat!











No comments: