 |
| Old hit seryes 0n prime time tonight, March 16 |

|
Sorry sa mga regular vhiewers ng mga programa ng ABS-CBN
like FPJ’s Ang Probinsyano, Make It With You, at A Soldier’s Heart.
Hindi muna natin makakasama si Cardo Dalisay at ang mga
paborito ninyong karakter sa primetime block ng ABS-CBN.
Stop muna ang taping ng mga teleserye ng Dos bilang pagsunod
sa patnubay ng pamahalaan kaugnay sa COVID-19 outbreak at para sa kaligtasan ng
lahat.
Kaya ‘yung mga nagwi-wish na matapos na sana ang apat na
taon na pamamayapag ng Ang Probinsyano eh may reprieve kayo ng isang buwan.
Ang papalit sa slot ng Ang Probinsyano ay ang May Bukas Pa
na bida ang bata pa noon na si Zaijan Jaranilla.
 |
| Zaijan Jarnilla is back on prime time |
Temporary lang naman ang “pamamaalam” sa primetime ng show
ni Coco Martin. Kapag puwede na muli mag-taping ay muli magbabalik sa ere ang
action program ng hari ng primetime.
Mula nang ipalabas ang action-drama show ni Coco four years
ago ay nanatili itong number one sa mga viewers. Top-rating ito at maraming
commercial load.
Marami rin endorsements na dumating kay Coco since he took
the role of Cardo Dalisay.
Siyempre nakakabitin sa takbo ng kwento na biglang “babu”
muna sa ere ng mga programa ng Dos, lalo na kung regular kang viewer nito.
Ang promise naman ng Kapamilya network ay ibabalik nila sa
regular programming pag bumuti na ang sitwasyon at sure sila na hindi malalagay
sa alanganin ag kaligtasan at kalagayan ng lahat ng involved sa production.
Ganito rin ang mensahe mula sa GMA 7. Stop din muna ang
taping ng mga station-produced programs, pati ang mga ginagawa ng independent
production houses na kinontrata ng network for program content.
Maraming activities ang affected ng COVID-19 pero we cannot
afford to take risks.Postponed ang first Summer Metro Manila Film Festival. Ito
pa naman ang unang edisyon ng filmfest na dapat sana ay magsisimula sa April
11.
Biglang stop tuloy ang promo ng mga pelikulang kalahok sa
Summer MMFF. Nagdesisyon din sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na
ipostpone ang kanilang kasal.(na itinuloy pa rin nila last Saturday sa isang private and simple ceremony ang pagiisangdibdib-Ed).
 |
| Richard-Sarah, hindi inatrasan ang CODV-17 |
Mahirap naman kasi i-compromise ang kalusugan ng kanilang
mga bisita sa event nila.
Dahil sa virus na ito ay tiyak na affected ang trabaho ng
mga artista na may teleserye.Paano ka mag-iskedyul ng taping kung may lockdown at
pinaiiwasan ang pagtitipon ng mga tao to ensure na walang mahahawa sa virus?
Malaking problema ang pagtigil ng taping ng mga tv series
kung walang nakaimbak na episodes.
Eh yung iba pa naman teleserye ay may oras na yung
natatapos i-shoot in the morning ay siyang ipalalabas sa gabi.
Apektado ang pagbubukas ng mga bagong movies sa cinemas.
Paano ka magre-release ng bagong movie kung walang manonood?
The month-long lockdown will surely affect many of us pero
kailangan naman ito to make sure na mapipigilan ang pagkalat ng virus para wala
nang mas maraming tao ang maapektuhan.
Lahat tayo ay umaasa na mareresolba ng proper authorities
ang problemang dulot ng COVID-19 virus in due time para makabalik tayo sa ating
normal na buhay.
idi
No comments: