Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Migs Villasis: Big break ang Baklaan Serye

Migs Villasis

Dumarami na ang mga pumapasok sa mundo ng BL (Boy's Love) series at kabilang na dito ang series ni Migs Villasis na "In Between (Sa Pagitan ng Kamusta at Paalam" kasama si Genesis Redido na magsisimula na sa July 11 (Friday).

Migs is a varsity player from Letran

Tila ito na ata ang big break ni Migs upang mapakita ang kanyang karisma at galing sa pag-arte. Bilang bagong mukha sa showbiz. Marami ang naging interesado kung saan nagmula ang athletic hunk na sasabak sa romantic series na gawa ng USPHTV.

Unang nakilala si Migs Villasis bilang isang varsity player ng basketball sa Letran. At dahil sa magandang katawan at artistahin na mukha ay sumabak din siya sa pageants tulad ng Face of the Year 2018 kung saan nanalo siya bilang first runner-up.

In Between's  official poster

Upang lalong ihanda ang sarili sa showbiz ay dumaan sin diya sa ilang mga acting workshop mula kay Elson Montalbo. Nag explore din siya sa pagkanta dahil hilig din niya ang music tulad ng slow rock. Active din siya sa social media kung saan malaki ang kanyang following tulad sa instagram na umaabot sa 47.2k followers.

Mukhang naging malaking oportunidad ang quarantine upang mapabilang sa isang online series na dumadami na ang nanonood, at dumarami din ang mga lumilitaw na bagong shows. Sa series na ito din naranasan ni Migs at Genesis ang una nilag gay kiss.

Interesting ang magiging kwento na ito lalo na sa bagong mukha sa pinoy entertainment. Promising din ang trailer nito kung saan marami nang fans 

ang kinikilig sa sandaling screentime ng dalawa. Ano pa kaya kapag nagsimula na ito sa sabado.

 

 

Janine Gutierrez: May paninindigan laban sa Anti-Terror Bill

Janine Gutierrez




 Alam natin na aktibo sa usaping pambansa si Janine Gutierrez na makikita sa kanyang mga tweets at iba pang social media posts. At dahil dito nakakatangap siya ng parehong papuri at pamumuna. Pero hindi nagpapatinag si Janine sa kanyang political stand.

Pero hindi lang sa social media pinatunayan ni Janine ang kanyang paninidigan. Kamakailan sa ginawang Manañita noong June 12, Araw ng Kalayaan. Ang pagtitipon na ito ay ginawa upang pagtuligsa sa mga pampublikong isyu tulad ng Anti-terror Bill.

Janine at the UP Diliman rally last June 12, 2020

Sa isang video na pinost niya sa twitter, ipinakita niya kung paano siya dumaan sa butas ng karayom para makasama sa Mananita party sa UP.

"Muntik na akong hindi makadalo sa mañanita dahil napakahigpit ng bouncers! Pero sa huli, nakaabot din. Happy independence day, Pilipinas. Mahal ka namin" ang tweet niya.

Dahil sa mga check points sa mga daanan papunta sa UP ay napilitan sina Janine na humanap ng mga alternatibong daan para makapasok. At makikita sa video na nakapasok siya sa pagtitipon.

Hindi man nai-detalye kung saan siya dumaan para makapunta sa "party" ay napakita nito kung gaano siya ka-dedicated na makiisa sa mga ganitong okasyon. Bumuhos din ang magkahalong positive at negative comments sa kanyang ginawang pakikisa.


Bukod sa kanyang personal na adbokasiya, patuloy din naman ang kanyang mga projects kahit may quarantine. Kamakailan ay naghost ng live session si Janine para sa isang cellphone brand at inaabangan naman kung kailan mapapalabas ang kanyang pelikulang "Ngayon Kaya" ng T-Rex Entertainment kasama si Paulo Avelino.

Consistent si Janine sa kanyang mga paninindigan na kayang napagsasabay sa kanyang buhay artista at influencer. At sa kayang pagsali sa Mañanita ay patunay din na hindi lang siya sa social media nagiingay. 

Patuloy si Janine sa kanyang pag-voice out sa mga isyu ng bayan sa kanyang mga post, like, at mga retweet.



Gina Pareno: Hit na hit sa TikTok

Ms. Gina Pareno


 Hindi lang para sa mga bata ang pagkakaroon ng Tiktok, dahil pati na rin ang mga nakakatanda ay naroon na rin at sumusubok sa iba't ibang gimik at trending na challenge. Isa na rito ang beteranang aktres na si Gina Pareno na gumawa ng kanyang account noong nakaraang buwan lang.

Pero hindi papatalo si "Lola Gets" sa mga kabataan sa pagsasayaw at pag-arte. Nagsimula siya sa pagaya ng mga trending na sayaw at minsan ay sinasagot ang tanong mula sa comments. Masipag ang lola niyo sa pagbabasa ng mga comments lalo na ang mga pumupuri sa kanya at nagpapaalala ng kanyang mga dating projects.

May isa nang nagtanong sa kanya tungkol sa pagganap niya bilang darna noong araw. At kanyang nireveal na bagamat hindi siya ang unang Darna, siya ang kaisa-isang Darna na kulay "electric blue".

Tumi-TikTok si Manay Gina

Dahil siguro sa pagkakatenga sa kanyang bahay kaya naisipan na si Gina na sumali sa kinahuhumalingan ng marami lalo na ng mga kabataan ngayon. Naging opportunity din ito para ma promote ang replay ng kanyang Magpakailanman episode tungkol sa May-December relationship kasama si Jay Manalo.

Bongga! Naka-1.7 Million likes sa TikTok
Ang nakakahanga pa sa account niya ay kahit wala pa itong isang buwan ay nakaabot na siya ng 1.7 Million likes, may mahigit na 366.1K na followers at "verified" na account. Dinaig pa niya ang maraming artista na bagamat matagal na sa platform ay hindi kasing bilis ng paglaki tulad ng sa kanya.

Nakakaaliw talaga ang bawat post niya na nakakatangal ng stress lalo na sa panahon na ito. At kahit wala masyadong projects ay naipapakita pa rin niya na isa talaga siyang artistang game na game sa lahat at magbigay ng kasiyahan sa kanyang fans at followers.

Ken Chan : Biktima ng playtime ng mga kasama

Ken Chan



 Tuloy ang pagpapasaya ng mga artista ng All-Out Sundays sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng online shows gamit ang conference call. Kasama si Ken Chan sa mga Kapuso artists na nangaaliw sa mga TV at online viewers sa kanilang "Work from Home" set up.


Ken, na playtime?

Pero maraming nangyayari sa live show na minsan ay hindi maiiwasan. Tulad nang nangyari kay Ken Chan sa isang segment ng show kung saan sila ay nag-"shout out" sa mga nanonood na fans.

Sa segment na ito, isa-isang nagbabasa ng mga pangalan ang sina Christian Bautista at Julie Anne San Jose, pero nang si Ken Chan na ang magbabasa, hindi niya napansin na isang patibong ang pinapa-shout out sa kanya.

Walang problema sa unang pangalan na sinabi niya pero ang sumunod ang nakapukaw ng attensyon sa kanyang mga kasamahan.





"Master Baiter... Jenny ..." ang basa ni Ken na hindi agad napansin ang hidden meaning ng kanyang binasa.

Biglang napatawa ng malakas ang kanyang mga kasamahan sa conference call at alam na agad kung ano ang nangyari. Mga ilang segundo pa nang ma-realize ni Ken at nahiya sa blooper na nagawa niya. Hindi agad makapagsalita si Ken habang nagrereact ang kapwa Kapuso co-hosts niya.


"Master Baiter... Jenny."-Ken
Mukhang na bingwit sa patibong si Ken ang nag pabati na sa huli, tinawanan lang ng lahat ang pangyayari. Siguro ay magiging mas maingat na rin si Ken sa pagbabasa lalo na sa mga mga shout out ng live.





Singer Zendee: Sumali sa kulto

Zendee





 Malaking social media platform na ang Tiktok lalo na sa panahon ng quarantine, at ito ay naging sikat sa pagpapalabas ng mga nakakaaliw ng vidoes tulad ng pagsasayaw, pagkanta, comedy skits at marami pang iba. At tulad ng malalaking social media, ito rin ay pinupuntahan ng mga artista, singers, at iba pang sikat na personalidad upang gumawa ng kung anu-anong content.

Iba-iba ang mga pakulo sa TikTok upang makuha ang attensyon ng mga gumagamit nito. Bukod sa comedy, trending na sayaw, mga effects at filter na nakaka-aliw, at minsan nakakatakam na cooking videos, ay makikita din ang mga "collab" ng mga creator nito upang gumawa ng mga content na mas magigng trending sa TikTok.

Zendee, sikat sa TikTok
Isa sa pinakamaraming followers sa Pilipinas ay ang singer na si Zendee na gumagawa ng maraming hugot monologues at parody na kanta tulad ng version ng "Tala" ni Sarah Geronimo na may lyrics na inakma sa buhay quarantine. Binuhay nito ang kanyang mga fans at nagkaroon din ng mga bagong tagahanga sa pagdami ng followers.

Kamakailan napasama na rin siya sa isang "kulto" sa TikTok. Hindi ito tulad ng literal na kulto ng relihiyon kundi isang pagsasama-sama bilang isang grupo at ipakita ang pwersa nila sa TikTok. Nagsimula ang TikTok cult sa Amerika kung saan milyun-milyon na ang kasapi.

Pero hindi papatalo ang mga Pilipino dahil sa biglang paglobo din ng mga nagti-TikTok. Ilan sa mga pinakamalaking Pilipinong content creators ang nagsama sama para buuin ang kultong "YACULT". At target nito na mag-recruit at sumali sa mga "comment battles" para malaman sino ang mas ma-impluwensya.

Zendee with Ellen Degeneres
Sa mga comment battles na ginagawa nila, bawal ang racist, hate, at bullying na comments na sinusunod ng lahat ng cults. Sa kasaluyukyan, napapansin na ang YACULT ng TikTokers sa Amerika.

At kahit kasama sa kyulto si Zendee patuloy pa rin siya sa sariling style ng kanyang content, at paminsan-minsan ay ipinapakita din niya ang gaming siya sa pagkanta. Inaabangan na rin sinong celebrity ang susunod na sasama sa YACULT.