Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Janine Gutierrez




 Alam natin na aktibo sa usaping pambansa si Janine Gutierrez na makikita sa kanyang mga tweets at iba pang social media posts. At dahil dito nakakatangap siya ng parehong papuri at pamumuna. Pero hindi nagpapatinag si Janine sa kanyang political stand.

Pero hindi lang sa social media pinatunayan ni Janine ang kanyang paninidigan. Kamakailan sa ginawang Manañita noong June 12, Araw ng Kalayaan. Ang pagtitipon na ito ay ginawa upang pagtuligsa sa mga pampublikong isyu tulad ng Anti-terror Bill.

Janine at the UP Diliman rally last June 12, 2020

Sa isang video na pinost niya sa twitter, ipinakita niya kung paano siya dumaan sa butas ng karayom para makasama sa Mananita party sa UP.

"Muntik na akong hindi makadalo sa mañanita dahil napakahigpit ng bouncers! Pero sa huli, nakaabot din. Happy independence day, Pilipinas. Mahal ka namin" ang tweet niya.

Dahil sa mga check points sa mga daanan papunta sa UP ay napilitan sina Janine na humanap ng mga alternatibong daan para makapasok. At makikita sa video na nakapasok siya sa pagtitipon.

Hindi man nai-detalye kung saan siya dumaan para makapunta sa "party" ay napakita nito kung gaano siya ka-dedicated na makiisa sa mga ganitong okasyon. Bumuhos din ang magkahalong positive at negative comments sa kanyang ginawang pakikisa.


Bukod sa kanyang personal na adbokasiya, patuloy din naman ang kanyang mga projects kahit may quarantine. Kamakailan ay naghost ng live session si Janine para sa isang cellphone brand at inaabangan naman kung kailan mapapalabas ang kanyang pelikulang "Ngayon Kaya" ng T-Rex Entertainment kasama si Paulo Avelino.

Consistent si Janine sa kanyang mga paninindigan na kayang napagsasabay sa kanyang buhay artista at influencer. At sa kayang pagsali sa Mañanita ay patunay din na hindi lang siya sa social media nagiingay. 

Patuloy si Janine sa kanyang pag-voice out sa mga isyu ng bayan sa kanyang mga post, like, at mga retweet.



«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply