Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » Singer Zendee: Sumali sa kulto

Zendee





 Malaking social media platform na ang Tiktok lalo na sa panahon ng quarantine, at ito ay naging sikat sa pagpapalabas ng mga nakakaaliw ng vidoes tulad ng pagsasayaw, pagkanta, comedy skits at marami pang iba. At tulad ng malalaking social media, ito rin ay pinupuntahan ng mga artista, singers, at iba pang sikat na personalidad upang gumawa ng kung anu-anong content.

Iba-iba ang mga pakulo sa TikTok upang makuha ang attensyon ng mga gumagamit nito. Bukod sa comedy, trending na sayaw, mga effects at filter na nakaka-aliw, at minsan nakakatakam na cooking videos, ay makikita din ang mga "collab" ng mga creator nito upang gumawa ng mga content na mas magigng trending sa TikTok.

Zendee, sikat sa TikTok
Isa sa pinakamaraming followers sa Pilipinas ay ang singer na si Zendee na gumagawa ng maraming hugot monologues at parody na kanta tulad ng version ng "Tala" ni Sarah Geronimo na may lyrics na inakma sa buhay quarantine. Binuhay nito ang kanyang mga fans at nagkaroon din ng mga bagong tagahanga sa pagdami ng followers.

Kamakailan napasama na rin siya sa isang "kulto" sa TikTok. Hindi ito tulad ng literal na kulto ng relihiyon kundi isang pagsasama-sama bilang isang grupo at ipakita ang pwersa nila sa TikTok. Nagsimula ang TikTok cult sa Amerika kung saan milyun-milyon na ang kasapi.

Pero hindi papatalo ang mga Pilipino dahil sa biglang paglobo din ng mga nagti-TikTok. Ilan sa mga pinakamalaking Pilipinong content creators ang nagsama sama para buuin ang kultong "YACULT". At target nito na mag-recruit at sumali sa mga "comment battles" para malaman sino ang mas ma-impluwensya.

Zendee with Ellen Degeneres
Sa mga comment battles na ginagawa nila, bawal ang racist, hate, at bullying na comments na sinusunod ng lahat ng cults. Sa kasaluyukyan, napapansin na ang YACULT ng TikTokers sa Amerika.

At kahit kasama sa kyulto si Zendee patuloy pa rin siya sa sariling style ng kanyang content, at paminsan-minsan ay ipinapakita din niya ang gaming siya sa pagkanta. Inaabangan na rin sinong celebrity ang susunod na sasama sa YACULT.


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply