Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » Piolo: May kapupuntahan kapag iniwan na ang showbiz

Piolo Pascual




  Back to work na si Piolo Pascual. Nag-taping na raw sila ng ilang episodes para sa ASAP na ipapalabas sa ilang cable channels.

Sa isang locked-in studio raw silang lahat at sa iisang hotel din daw sila patutuluyin habang hindi tapos ang mga dapat na i-tape na episodes.


Guapong magsasaka
“It’s going to be really hard. It’s going to be hard to adjust. People will have to be more cautious and sensitive to the needs of others. Traydor kasi ang kalaban natin," sey ni Piolo.

Kahit daw sa production outfit niya na Spring Films, marami raw silang ginawang pagbabago. Susunod daw kasi sila sa binigay na health and safety protocol ng Inter-Guild Alliance para sa mga production firms.

Three months ngang nag-quarantine sa kanyang farm sa Mabini, Batangas si Piolo kasama ang kanyang ina. Habang nandoon daw siya, nadiskubre niya na may talent siya sa pagtanim ng mga gulay tulad ng pechay, talong, okra, repolyo at iba pa na nasa kanyang multi-level plant nursery. Trato nga raw ni Piolo sa mga ito ay para nga anak niya.

“It’s my first time to try farming, but I’ve always wanted to grow my own food. We now eat our own produce. This is one of the projects I started when we came here in March. We also have a poultry."
  
Na-enjoy daw ng aktor ang buhay-probinsya.
   
"Life is really easier and simpler. Those who live by the sea would come up here to sell fresh catch. They would then get vegetables from those in the highlands. It’s the cycle of life here. Ang galing!”

*****

May pangamba si Kristoffer Martin sa pagbabalik-trabaho ngayong general community quarantine or GCQ.

Ayon sa Kapuso actor ang kanyang opinyon tungkol sa “new normal” na kahaharapin ng publiko, partikular na lang ng mga artista, sa gitna ng COVID-19 pandemic. 
Kristoffer Martin
“Parang hindi pa tayo ready, kung lahat magsasabay-sabay 'yung work. Kung ako ang tatanungin, natatakot pa ako.

“But I'm sure ang GMA gagawin lahat ng safety precautions para ma-secure lahat ng mga tao na nando'n na safe. Alam naman naming hindi kami pababayaan ng network 'pag nag-work,” dagdag pa Kristoffer.
*****
Pina-auction ng Friends star na si Jennifer Aniston ang kanyang 1996 portrait na kinunan ng photographer na si Mark Selinger para sa relief fund for COVID-19 patients.

Naging iconic image noong '90s ang naturang portrait ni Jennifer dahil kasikatan noon ng kanyang comedy series na Friends.
Jennifer Aniston
“My dear friend @markseliger teamed up with @radvocacy and @christiesinc to auction 25 of his portraits - including mine - for COVID-19 relief... 100% of sales proceeds of this portrait will go to @NAFClinics, an organization which provides free coronavirus testing and care nationwide to the medically underserved. Thank you again to Mark for allowing me to be part of this #radart4aid,” post ni Jen sa IG.

Kasama ring pina-auction ang mga iconivphotos nila Leonardo DiCaprio, Billie Eilish, Dr. Dre and Snoop Dogg. All proceeds of which will go towards various charity funds across America. 

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply