Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

The "Boys" of Pinoy Baklaan Series





 Boys Love Fever is really on to Filipino viewers. From the country Thailand, na nagpalabas na ng maraming BL shows na minahal na ng mga Pinoy fans. This year, maraming Production Group na ang nagpapalabas ng teaser sa upcoming BL series sa Pinas at dalawa dito ay kasalukuyan ng napapanood ng Pinoy BL lovers. 

Dennis Padilla and Tom Rodriguez in GMA's first BL on TV
Kung ating babalikan, medyo matagal na din na nagkaroon ng show sa Pinas na 2 lalaki ang bida. Ang "My Husbands Lover" ni Tom Rodriguez at Dennis Trillo sa GMA Network. Ang soap na nagpabago sa gabi ng mga manonood at laging trending sa twitter. Well it's not a BL series pero nahumaling ang lahat dahil sa makabagong konsepto ng isang teleserye. Kaya dapat nating subaybayan kung paano papatok sa panlasa ng Pinoy ang serye ng BL sa bansa. 

Una na dito ang Gameboys, na maganda ang naging review sa kanilang 2 episodes na pinalabas sa Youtube Channel ng Idea First. Gameboys, is under The Idea First Company Production and directed by Ivan Andrew Payawal and written by Ash M. Malanum. It stars Kokoy De Santos and Elijah Canlas. Si Kokoy ay napanood na sa iba't ibang serye pero mas tumatak sya ng pinirata ang Cinemalaya entry na "Fuccbois" kung saan isa sya sa bida. Si Elijah, naman ay aktor na nakilala sa pelikulang Sundalong Kanin (2014) at Kalel, 15 (2019).

Kokoy De Santos and Elijah Canlas
Amidst the Pandemic, nagawan ng paraan ng Gameboys Production na makapagpalabas ng kilig na series. Iba sa nakasanayang school set-up dahil more of a digital touch ang serye. Sa Episode 1 "Pass or Play" , 462k views at Episode 2 "Game of Love" 264k views na ito sa Youtube. For the next episode, dapat abangan ang announcement ng Idea First sa kanilang Social Media Page. 

Second, ay ang Sakristan under Vincentiments Production and directed by Darry Yap ang box-office director ng Jowable produced by Viva Films. Bida dito si Henry Villanueva at Clifford Pusing. Henry is a Vincentiments Artist, a college student and a Theater Actor while Clifford, is a Champion Triathlete na mula sa Olangapo City. Sa Olangapo din ang naging location ng shooting ng Sakristan. 

Henry Villanueva and Clifford Pusing
Sa unang episode ng Sakristan na "Touch Move" , naka 524k views na ito sa Vincentiments Youtube Channel. Talaga namang madami ang nag-abang na Pinoy BL fans. Isa na ang hunk na katawan ni Clifford habang nasa swimming pool. Well, dapat din abangan ang next episode sa social media page ng Vincentiments. 

Sa mga views na nabanggit, masasabing inabangan ito ng BL fans. Dapat subaybayan din kung my pa torrid kissing scene at third party na manggugulo sa 2 bidang lalaki. 




«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply