Dingdong Dantes, Ai Ai delas Alas at Kara David |
Sa public service announcement ng Department of Health (DOH) at Film Development Council of the Philippines (FDCP) kaugnay ng impormasyon tungkol sa COVID-19 at kung paano ito maiiwasan, tampok ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Kuwento ni Dingdong sa eksklusibong panayam ng 24 Oras:
“Kinontak ako ni Liza DiƱo ng FDCP as well ni Pepe Diokno 'yung naging direktor ng infomercial. Ito para talaga sa telebisyon. Ipinakikita 'yung pinaka-basics, kung ano 'yung mga dapat gawin para malimitahan 'yung risks of having COVID-19. 'Yung mga simpleng bagay na gano'n na siguro dati ay tine-take natin for granted ay napakahalaga talaga para makasalba tayo ng buhay.”
Dagdag na kuwento pa ng ‘Descendants of the Sun’ lead actor, katulong raw niya sa pag-shoot ng clip ang asawang si Marian Rivera-Dantes.
Dingdong at Marian Rivera, nagsama sa COVID-19 project |
“Siya 'yung nag-click ng camera. Ang galing nga e, kasi parang ang ganda nu'ng tandem namin pagdating sa ganu'n. Ang dali niyang matuto pagdating sa camera.”
Muling mapapanood ang 2010 teleserye ni Dingdong na Stairway To Heaven simula sa Lunes, May 18 sa GMA Afternoon Prime.
*****
Biru-biruan sa ating mga Pinoy na pagkatapos ng ECQ ay marami na sa atin ang ga-graduate na chef dahil sa dalas nating magluto sa kusina.
Ang nakatutuwa pa rito, dahil na rin sa halos lahat tayo ay limitado lang din ang pwedeng mailuto, umiral ang Pinoy ingenuity sa paghahanda ng ating mga pagkain.
Kaya naman ang GMA News TV program na Pinas Sarap, may bagong paandar online—ito ang ECQusina: Pinoy Kusina Stories Ngayong Quarantine.
Kara with daughter Julia |
Ang ECQusina ang latest online series ng Pinas Sarap kung saan itatampok ang ilan sa mga nakaaaliw na dishes na gawa sa mga special food item na bumida ngayong tayong lahat ay stay at home.
Ang Pinas Sarap host nga na si Kara David, ibinahagi kanyang ECQusina story sa last Thursday (May 14), sa Facebook page ng programa.
Ano kayang putahe ang ihahanda ni Kara at anong food item na bumida ngayong quarantine ang gagamitin niya?
Bukod kay Kara, abangan ang iba pang personalities na magsi-share ng kanilang ECQusina story.
Tutok na sa FB page ng Pinas Sarap!
Tutok na sa FB page ng Pinas Sarap!
*****
Marami ang napabilib kay Ai-Ai delas Alas dahil sa kabila ng pinatupad na enchanced community quarantine sa Luzon ay nakahanap ito ng bagong mapaglilibangan at mapagkakakitaan.
Kahit na naka-lockdown sa bahay, nakahanap ng sideline ang Comedy Queen at ito ang pagiging baker.
Ginamit niya ang kanyang culinary skills at tinayo ang business na ‘ Martina’s Bread and Pastries.’
Hindi lang komedyante, baker na rin si Ai Ai |
Malaki naman ang pasasalamat ni Ai-Ai sa lahat ng tumatangkilik sa kanyang mga produkto.
“Nakakataba ng puso ang level namin ay pang-Japanese store na. Salamat po. To God be the glory.”
Dagdag pa ni Ai-Ai, buong pamilya raw niya ang katuwang niya sa paggawa ng lahat ng kanilang produkto kaya made
No comments: