Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Aiko Melendez



 Is it true that Aiko Melendez and her politician boyfriend Zambales Vice Gov. Jay Khonghun have called it quits? Sa gitna ng usapin ngayon sa showbiz tungkol sa global pandemic, network franchise at mga artistang bina-bash dahil sa paglabas ng kanilang saloobin, jumoin na rin ang chikang on the rocks (o break na?) sina Aiko at ang bf niyang si Vice Gov. Jay. Hmmn, how true?


Aiko, loveless again?
Since they both admitted last year that they were dating and soon after got into a relationship, matatandaang sinabi ni Aiko sa isang interview na feeling niya itong relasyon niya kay Vice Gov. Jay ang talagang match made in heaven. Even in her you tube video where she was joined by Carmina Villaroel, Candy Pangilinan and Gelli de Belen-- her best friends in showbiz, Aiko was vocal enough to say na feeling niya si Jay na ang huling taong mamahalin niya. Kasundo rin daw nito ang mga anak niya at nage-effort daw ito lalo na kapag meron silang misunderstanding. Pati sa pamilya niya, okay si Jay kaya ganoon na lang ito kung ipagmalaki ni Aiko.

In that convo with her friends, she also mentioned that the only time she and Vice Gov. Jay get into some petty LQs (lovers quarrel) is when he gets seloso. Aminado si Aiko, medyo seloso daw si Vice Gov. kaya ini-explain nito ang nature ng work niya bilang showbiz personality sa kanyang jowa.


Aiko with boyfriend Jay Khonghun  
Recently, may chikang on the rocks o break na ang dalawa. Ganoon? Huling nakitang magkasama sina Aiko at Vice Gov. Jay nu’ng April 5 na nag TikTok para sa mga Frontliners, and according to Aiko, ito na raw ang first and last TikTok ni Vice Gov. na mukhang mahiyain. Days after, may mga donations ding ipinaabot si Aiko sa mga ospital at sinabi niyang galing ito sa kanila ni Vice Gov. Jay. Pagkatapos nito ay saka naman lumutang ang isyung nagkakalabuan na raw ang dalawa.


Kahit unti-unti nang kumakalat ang isyu tungkol sa hiwalayan nila ng jowa, dedma lang si Aiko. Hanggang ngayon, ‘di pa rin siya nagko-komento o nagbibigay ng statement re their relationship status. Oh well, kung ano man ang pinagdadaanan ni Aiko ngayon, knows naming keri niya at malalampasan niya ito. Sana nga hindi true na waley na sila ni Vice Gov. Jay kasi she had high hopes din naman for them from the start. Pero kung talagang hindi na magwork out, surely merong mas bonggang nakalaan para kay Aiko- kung sa karera o lovelife? Well, tanging Diyos lang ang nakakaalam noh!

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply