Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » Kim at Kathryn: Mga Pisting Veerus Queens

Kim Chiu at Kathryn Bernardo



 Let us start today’s Divalicious with these thought provoking words from Ms. Philippines-Universe candidate Gazini Ganados: “People say we’re on the same boat in this pandemic. We are not. We’re on the same ocean but not the same boat. Some are on yachts, others are on ships, sturdy, strong and safe. But most of us are on wooden boats, others are clinging on to floaters and many are still drowning.”

Ang taray ni the queen who did not give us a back-to-back victory Ganados, hindi ba naman, Nakakaganang basahin ang kanyang kuda, poetic and philosophical. Siguro kung ganito ang hanash niya sa Ms. Universe pageant baka hindi ligwak ganern ang kanyang status. Ang savage. Hahahaha.

Kim, hindi pinatawad ng mga bashers at trolls
Ang mas savage ang level of bashing at hating na ipiniupukol sa dalawang Kapamilya leading ladies, parang hindi hihinto ang masasakit na mga salita para kina Kim Chiu at Kathryn Bernardo.

Siguro naman may internet access kayo lalong-lalo na ang descamisados at poorest of the poor pero favorite ng gobiyerno nacional na i-prioritize sa mga ayuda, may piso net services na pwede niyong patulan kaya alam na alam niyo tiyak kung bakit 

ang troll armies ay suklam na suklam sa kasintahan ni Xian Lim at inamorata ni Daniel Padilla.

Paki-hanap na lang sa paborito niyong search engine kung bakit pangmalakasan and to the moon and back ang attention and vitriol para sa  dalawang dalagang Pilipina.

Ang amazing para sa inyong Divalicious kolumnista, ang level of creativity at ang matatabang utak kung ano-anong versions na ang ginawa sa “Bawal Lumabas” na aria ni Kim.

Ang pleasant surprises so far ay ang pinanood at pinakinggan kong R & B version complete with pagkulot-kulot at tumitinis na boses, ang acoustic rendition na swabeng na isingit ang patamang political, isang ballad variety nito at ang pinaka-kabogera sa lahat ang Mariah Carey rendering nito. Palakpakan na may kasamang sigawan sa mga bruho at hitad na ginagawang immortal at iconic ang pahayag ni Chiu.


Kathryn, suportado ng KathNiel fandom
Sa true lang, ang Kapamilya actress, sangrekwa na ang ambag at tulong sa mga nangangailangan ngayong pandemya seaon kaya yung mga all together now ang panlalait sa kanya, yung totoo, ibabalik ko lang ang paborito niyong tanong, ANO NA BA ANG INAMBAG NIYO? Mahiya naman kayo sa kabutihan at kabaitan ni Kim pero dahil wala nanam kayong kahihiyan at feeling mister and miss perfection kahit pa nga more of than not eh namumutiktik sa wrong grammar at spelling ang mga ratrat niyo, may paglalagyan rin kayo, sa tamang panahon.

Super trending naman ang #WeBlockAsOne at ito ay ang pagsasanib pwersa ng KathNiel fans laban sa troll battalion na walang habas ang pang-aalaghi sa phenomenal box office actress matapos ipahayag ang kanyang saloobin tungkol sa krisis that her network faces.

Matagumpay ang nasabing kampanya nila to starve the trolls, na super sosyal ang dating sa akin. Kung sinabi pa nilang obliterate the ignoramuses, baka kalimutan ko na ang pagiging JaDine fan ko at maging soiid KathDen, huh! Hahahaha.

Kim and Kathryn: The Veerus Queens
Ang hindi ko talaga kinakaya sa mga umaatake kina Kim at Kathryn ay ang high level of hypocrisy ng mga nilalang na ito, pati na rin ang kanilang towering degree of vapidity and masquerading it as an act of superiority.

Mga tunay na nakakainis, na nagmamalinis, marurumi rin naman at cut and paste mentality lang talaga, mga kuya at ate mema, may mga masabi lang para maging “in” at nagkukunwaring alam ang mga isyung political.

Ang totoo, mga dalahira at katkatera lang naman talaga. Eeewww!

My heart goes to Kim Chiu and Kathryn Bernado. Laban pa actresses and ladies with the right attitude! Mabuhay kayo!

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply