|
Super-kilig si Lovi Poe nang nakatanggap siya ng video greet mula sa Spanish actor ng hit Netflix series na Money Heist.
Binati nga si Lovi ni Enrique Arce, ang gumaganap bilang si Arturito sa Money Heist na kinababaliwan ng aktres na panoorin habang may ECQ (enhanced community quarantine) sa buong Luzon.
Love, keri ang LDR with American boyfie Monty |
“I woke up to this. Better than flowers or chocolates, Bubba! ♥️ Swipe left! 😱 @montyblencowe @lacasadepapel @enriquearceactor,” masayang caption pa ni Lovi.
Nangyari raw ito dahil sa effort ng kanyang American boyfriend na si Monty Blencowe.
Kahit daw malayo sila sa isa’t isa ngayon, hindi raw nakakalimutan ni Monty ang mga paborito niya, kaya nagawa nitong sorpresahin si Lovi.
‘Yun daw ang nagagawa ng maayos na communication. Kahit LDR (long distance relationship) sila, puwede naman daw manatiling malapit kayo sa isa’t isa.
Sey ni Lovi: “Communication is key. Kahit nga hindi long-distance relationship, it's important to communicate.”
Importante rin daw ang respect sa isang relasyon kahit malayo kayo sa isa’t isa.
“Without respect, there is nothing. Parang siyempre ‘pag may respeto ka sa partner mo, the last thing that you want to do is to ruin that trust and to cut that communication.”
*****
Kasama na rin si Janine Gutierrez sa mga celebrity na nagtatag ng fund-raising project para makapagbigay ng dagdag na tulong sa mga frontliner.
Sa kanyang vlog ay pinaalam ni Janine sa kanyang subscribers ang The Bright Side Project. Lahat ng matatanggap nilang donasyon ay ibabahagi nila sa frontliners at sa iba pang mangangailangan ng tulong.
Bilang pasasalamat ni Janine, may isang lucky donor na mananalo ng isang pre-loved Louis Vuitton wallet.
Sa mga nais donate, magpunta lamang sa link na ito, https://gogetfunding.com/brightside.
Tiyak na maraming makukuhang donasyon si Janine dahil sa mga naging koneksyon niya noong dumalo siya sa New York Fashion Week 2020.
Kabilang na rito ay ang celebrity hair stylist na si Justine Marjan na nakatrabaho na ang iba’t ibang international personalities tulad nina Ariana Grande at Kim Kardashian.
*****
Habang wala pang pinagkakaabalahan na trabaho, isa si Kris Bernal sa kumikita sa pagiging vlogger niya.
May higit na 200,000 subscribers si Kris sa kanyang YouTube channel at nakatanggap na raw siya ng paunang suweldo niya sa kanyang vlog na $400 o 20,000 pesos.
Pero hindi raw ginastos ni Kris ang sweldo niyang iyon sa kanyang sarili kundi ipinamahagi niya ito sa kanyang mga tinutulungan na organizations.
“So 'yung first income ko, binigay ko siya sa iba't ibang animal welfare organizations kasi mahilig nga ako sa aso and may alagang akong pusa,” sey ni Kris.
Kris, kumikita na sa kanyag VBlog |
Gusto rin daw bigyan ni Kris ng trabaho ang mga video editors na pansamantalang nawalan ng trabaho ngayon.
“To video editors out there who want to work with me, feel free to send me an email with your sample works attached. Glad to be of help to freelancers during this challenging time.”
Nag-aaral din ng business course online si Kris para madagdagan ang kaalaman niya sa pagiging isang business woman.
No comments: