Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » » » Bea-John Lloyd: Pwedeng-pwede na

John Lloyd Cruz and Bea Alonzo




          
Are we really near the final stretch of the extended, enhanced community quarantine? Do you believe that by the end of month, it will be finally lifted and we can go back to our daily routines and programmed lives?
          
We still don’t have a cure or antidote, and sadly, majority of the populace, the promises of social amelioration, assistance from local government units and barangays are still empty pledges.  

Kaya nga, hindi na ako nagtaka kung bakit kung ano-anong kabalbalan ang binibigyan pansin sa social media.  

Maliban sa BL dramas, dance moves ni DJ Loonyo at millennial sex scandals, bahala kayo diyan kung bentang-benta sa inyo ang social media exchanges nina Bea Alonzo at John Lloyd.  

Lloydie-Bea, this time totohanan na

Sa mga panatiko nina Alonzo at JLC, may kilig na hatid ang pag-follow at pag-la-like ni Cruz sa photo postings ng kanyang pangmalakasang leading lady.  Siempre pa, dahil na single ang “Enough is enough” babaitang ghosted ni Gerald Anderson , umaasa ang mga ayaw gumising sa kanilang ilusyon at kalandian na maybe this time, hindi lang sa pelikula, kundi sa totoong buhay, magiging mag-jowa ang dalawa lalo na nga’t tapos na ang pagmamahalang Cruz, at Ellen Adarna, ang babaing bubog! 

Please, I don’t want to burst your romantic bubbles mga Lloydie at Bea supporter pero dapat niyong tanggapin na hindi talaga sila ang para sa isa’t-isa and no amount of you rooting for Popoy and Basha can change that fact.  

Isa pang pinaglilibangan, ang Tiktok videos ni Mahal. Sa true lang, pinapanood at natatagalan niyo talaga? 

Ang matandang babaing unano, ayaw paawat sa pagkendeng, kembot, giling at kung ano-ano pang galawan, na parang busog-busog at bundat-bundat ang tiyan, sa mga pasayaw niya.   

Mga girl, boy, bakla at tomboy ganyan na ba talaga ang mga bagay-bagay na, hindi ko babasagin ang inyong trip pero please, spell babaw with a capital B, huh! 

Isama na rin natin sa equation ang flash in the pan na baklang Ms. Everything na internet sensation na daw ang category dahil marami ang amuse na amuse at amaze na amaze sa kanyang grammatically incorrect manner of speaking the King’s language.
Viral ka teh sa pa-inglis-inglis mo na mali

Idagdag pa, sorry to disappoint his mob, si Eric Camata, ang tunay na pangalan ni Ms. Everything, has a face that only his mother can love at nakakatawa siya sa karamihan kasi hindi siya kagandahan na pinipilit at pinapaniwala ang sarili na siya ay kumikilos ayon sa kanyang ganda.  

Of course, super LOL yung rendition niya of a Disney cartoon song, she donned a ka-cheapanggang yellow dress at naglambitin sa sanga na biglang nabali at plumakda sa lupa ang ba

Sa true, tawang-tawa kayo kasi nga ang subtext of your collective laughter ay, “beh buti nga sa baklang pusali!” At ang tone of your guffaws eh pang Maleficent, mataginting at pang-impakta. Hahahahaha. Ang savage! 

Of course, ang the highest order of ka-cheapan, ang mga DDS na nagsasabing si Agot Isidro, who had an unflattering photo and a hairdo na nakakapagtaka bakit siya binaboy ng glamour technician kaya ayan, look-a-like daw siya ni the late comedian Palito. 

 
Agot in a Palito , the comedian hairstyle


Kaloka rin naman si Isidro, patol! Ang kanyang explanation: “Palito is a legend. I am quite honored, actually. So thank you for this.” At “But please, take your pea-brains out of my TL, because I am blocking you. My TL, my rules.” 

Siguro knowing niyo na ang TL ni Agot ay timeline at hindi true love, huh!








«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply