Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

MMFF Summer 2020, matutuloy ba?





Dahil sa Covid-19 virus, maraming mga scheduled shows and concerts ang postponed until further notice.

Postponed ang Budakhel concert nina Bugoy Drilon, Daryl Ong at Michael Pangilinan.
Postponed din ang concert ng Aegis Band na naka-set sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Hotel on March 26.

Cancelled din ang 51st Box-Office Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. Saka na lang daw i-announce kung kailan ito itutuloy ang coronation ng mga nagwagi

Ang mga showbiz activities ay affected rin. Naglabas na ng statement ang Sinag Maynila na hindi muna itutuloy ang dapat sana ay festival nila from March 17 to 24.
Eh ang 1st Summer Metro Manila Film Festival, tuloy kaya?


A Hard Day, an official MMFF Summer 2020 entry
Ayon kay Noel Ferrer, spokesperson ng MMFF, as of today daw ay wala naman pagbabago sa schedule. By Monday raw ay magkakaroon ng assessment tungkol sa schedule of activities ng Summer MMFF.

Nag-anunsiyo rin ang ABS-CBN na hindi muna sila magpapasok ng studio audience sa kanilang mga live shows tulad ng It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, Magandang Buhay, at iba pang programa.

May ganito rin anunsiyo mula sa GMA 7.

Mahirap na kalaban anything may connection sa health issues. Pero ibang klase itong Covid-19 dahil matindi ang epekto sa mga tao, hindi sa atin sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.




Siyempre importante ang kalusugan nating lahat. It is better na maging safe kaysa mahawa sa virus.

*****

Nakatanggap ng double nomination si Allen Dizon for Best Actor mula sa Gawad Pasado Awards.

Nominado siya for Alpha, The Right to Kill, ang pelikula ni Brillante Mendoza na hindi nakasali sa 2018 Metro Manila Film Festival and was shown last January 2019. He is also nominated for Mindanao, another film ni Direk Brillante na naghakot ng award sa MMFF 2019.
Another nomination for Allen Dizon


Kalaban ni Allen sa Best Actor award sina Alden Richards para sa Hello, Love, Goodbye; Louise Abuel for Edward at Julius Sobenorio para sa Guerrero Dos.

Allen is the most awarded actor among his batch. Marami na siyang napanalunan na Best Actor awards not only locally but also internationally. Isa sa mga paboritong movie ni Allen na kanyang nagawa ay ang Magkakabaung kung saan nagwagi siya ng Best Actor award mula sa Gawad Urian, ang prestigious group ng film critics sa Pilipinas.

Malaking sorpresa kay Allen ang pagwawagi niya as Best Actor mula sa MMFF 2019 for Mindanao dahil lahat ng prediction ay si Aga Muhlach ang magwawagi for his work in Miracle in Cell No. 7.

Curiously though, hindi nominated si Aga sa Gawad Pasado.

Hindi rin nominado si Jansen Magpusao, ang bida ng John Denver Trending, na Best Actor winner sa Cinemalaya 2019.

Hindi sila pumasa sa panlasa at criteria ng mga guro na hurado ng Gawad Pasado.
Past winner sa Gawad Pasado si Allen noong 2017 for Iadya Mo Kami. Will he get another win this time?
Allen with co-stars Lovi Poe and  Mariel de Leon foe Iadya Mo Kami




«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply