Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » Tabing Ilog Musical,postponed muna

The Tabing Ilog Musical cast



Ire-reschedule sa ibang dates ang musical ng Tabing Ilog matapos kumpirmahin ng Department of Health ang 33 cases ng coronavirus (COVID-19) sa bansa.

Sa official Facebook page ng Tabing Ilog ay mababasa ang kanilang official statement: “As our audiences’ health are our utmost priority, this week’s performances will be rescheduled. This is in line with the preventive measures taking place across the country, and to ensure the safety of our theater audiences.”

Nitong March 5 ay nagkaroon ng press preview ang nasabing musical sa Dolphy Theater sa compound ABS-CBN. Puring-puri ng press pati na rin ng ibang attendees si Kiara Takahashi.

A scene from the musical
Ayon sa mga dumalo, nabigyan raw ni Kiara nang hustisya ang karakter na si Eds, na ginampanan noon ng Kapamilya star na si Kay Abad.

Sayang at hindi kasama ni Kiara sa musical ang kanyang special someone na si Gino Roque. Ang theater actor na si Ian Pangilinan ang kanyang kapareha.

Nang tanungin naman si Kiara kung handa na s’ya sa mga kissing scene, natawa lamang ito at sinabing hindi pa. Mukhang isini-save n’ya talaga ang labi n’ya para sa taong mahal n’ya.

*****

Napili ng Disney Philippines ang Kapamilya singer na si Moira dela Torre na kakanta ng theme song Mulan na pinamagatang “Reflection” para sa local release nito.

Nauna nang kinanta ng The Voice coach na si Lea Salonga ang film version ng nito alongside with American singer na si Christian Aguilera para sa studio version.


Kaya naman, excited ang kanyang mga fans kung paano bibigyan ng twist ng kanilang idol ang iconic song na ito. Masaya raw si Moira dahil pinayagan s’ya ng Disney na bigyan n’ya ng personal touch ang kanta.

Paano kaya ito kakantahin ni Moira? Abangan natin ang live-


*****


Magbabalik sa telebisyon si Vice Ganda ngayong Sunday (March 15), sa bago niyang show na Everybody Si ng na pamalit sa dati niyang show na Gandang Gabi, Vice, na halos siyam na taon na rin sa ere. Ang Unkabogable Star na si Vice Ganda pa rin ang magsisilbing host ng nasabing upcoming show.

Vice Ganda is back on television this Sunday, March 15.
Maraming mga fans ang nalungkot nang ipalabas ng GGV ang “last episode” nito kung saan guest ang internet personality at news anchor na si Raffy Tulfo.

Ngunit, nilinaw ni Vice na hindi naman talaga namaalam sa ere ang programa niyang ito. Sa Twitter ay nilinaw ni Vice na nagpapahinga lamang ang GGV.

“Don’t be sad. No goodbyes. GGV will be back. Isang mahabang commercial break lang. I love you guys!” ang tweet ng komedyante matapos umere nf GGV.

Kung pagbabasehan ang tweet ni Vice, ang ibig sabihin nito’y naka-season break lamang ang GGV. Ano kaya ang dahilan at ‘pinagpahinga ito ng management? Well, good news pa rin ito. At least, makakaasa tayo na magbabalik pa rin sa ere ang GGV.


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply