|
Siya ay ang 23-year old na si Hannah Locsin at siya ang featured model sa '80's themed makeup tutorial video ng Gucci makeup artist na si Thomas de Kluyver for the Mascara L’Obscur.
Binigyan ng classic look ni De Kluyver si Locsin with the latest mascara from Gucci.
Making waves si Hannah Locsin sa mga international runways at kelan lang at nakasama siya sa Miu Miu's Fall-Winter collection sa nakaraang Paris Fashion Week.
A magazine editorial for Gucci |
Nakasama pa niya sa runway show ang supermodel na si Gigi Hadid at meron silang selfie na pinost ni Hannah sa kanyang Instagram account.
Ang agency ni Hannay ay Women Management in Paris, France. The same international agency ng mga sikat na top models ngayon tulad nila Winnie Harlow, Behati Prinsloo, Coco Rocha, Natasha Poly, Jourdan Dunn and Lais Ribeiro.
At the Gucci Runway |
Nag-model rin siya for designer brands housed at Paris' Galeries La Fayette, as well as New York's Amarium, isang online retail space for patrons to rent designer pieces.
Proud Pinay |
*****
Sinugod ng maraming fans ng top-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas’ ang mga paborito nilang Kapuso stars na sina Katrina Halili, Jillian Ward, Sofia Pablo, Althea Ablan, Elijah Alejo, Will Ashley, at Julius Miguel sa ginanap na mall shows kamakailan.
The Prima Donnas of Kapuso Network |
Sey ni Jillian: “Parang ito po talaga 'yung purpose ko sa buhay ko na mag-inspire at magpasaya po ng tao.”
Patuloy pa ring sinusubaybayan ng televiewers ang mas nagaganap na kuwento sa ‘Prima Donnas’ tuwing hapon, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Magkaagaw at tuwing Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA!
****
In-demand ngayon ang Kapuso stars na sina Kate Valdez at Migo Adecer dahil bukod sa GMA primetime series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday ay may bago silang pagsasamahang proyekto na mapapanood sa GMA News TV.
Ang newest project nila ay ‘Project Destination’ sa ilalim ng produksyon ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) at GMA Public Affairs ay iikot sa magagandang asal ng mga Pilipino.
Gaganap si Kate rito bilang Loret na anak ng prominenteng political clan sa bayan ng Negros, mahuhulog ang loob niya kay Andre (Migo) na isang Filipino-American blogger.
Patuloy naman sa pagdurog ng puso ng mga netizens sa ginawang pagtanggi ni Ginalyn (Barbie Forteza) sa tunay nitong nararamdaman kay Cocoy (Migo) para mapanatili ang kanilang friendship ni Caitlyn (Kate) sa pinag-uusapang teleserye na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.
Sundan ang mga nakakaaliw na eksena sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday tuwing gabi pagkatapos ng Descendants of the Sun sa GMA Telebabad.
No comments: