Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » REBYU: Gusto mo makilala kung sino at ano si Imelda Marcos?

The controversial documentary-film





"Sinadya kong punit-punitin ang aking cinema tiket noong pinanood ko ang dokyu na ito sa CCP. Hindi dahil sa ayaw ko ang kabuuan ng pelikula; kundi isa itong pagpapahayag ng aking nararamdaman o pangitaing pulitikal sa hinaharap.


Malakas ang ugong ng dokumentaryo noong una itong ipinalabas sa iba't ibang festivals abroad. Humakot pa nga ng maraming parangal at pagkilala ang pelikula bago ito naipalabas sa Pilipinas. At dahil anniversary week ng EDSA Revolution, pinili kong ilathala ang aking saloobin sa #TheKingmaker ngayong February 25.

Ngunit bago ito ay muli kong binalikan sa YouTube ang dokumentaryo ni Bb. Ramona Diaz  na pinamagatang #Imelda (2003) upang lubusang maintindihan ang pananariwa at pagkagiliw nating mga Pilipino sa karakter ng dating First Lady.

Nakakagulat ang response ng sambayanan sa "bagong" atake na ito ni Lauren Greenfield. Halos lahat ng screenings sa CCP maging sa UP ay sold out to SRO crowd.


Ticket na pinunit. Isang protest?
Ano nga ba ang bago? Para sa akin, parang bahagya lamang ang nadagdag sa aking kaalaman. Isa na rito ay ang pagpaparating ng dating Unang Ginang ng mga safari animals mula sa Africa(Kenya) para sa kanyang ambisyosang mala-Madagascar na zoo na nag-displaced sa higit 254 families sa Calauit Islands. Ang pabulosang Unang Ginang ay dating pinamunuan ang Ministry of Human Settlements, kaya't marapat lang ata na bigyan nya nang mas kaaya-ayang tirahan ang kanyang mga pinarating na alagang hayop kaysa sa mga libo-libong residente sa isla ng Calauit.

Nagulat ba ako? Syempre hindi. Bilang namulat noong Dekada Otsenta, gusto kong isiping kilalang kilala ko na si Imelda. First name basis kami, kahit hindi kami close. Pati nga ata ang pag-iisip ng dating Unang Ginang ay basado ko na. I think the whole world, or universe rather, already knew who is (and was) Imelda Marcos, baka nga mas prominente pa siya sa dating Pangulong Ferdinand Marcos, the first king she tatooed in her mind. Sinong makakalimot sa #BloodlessRevolution noong 1986, sa pagpupumilit nating maitaboy ang mga Marcoses sa kanilang poder sa MalacaƱang? Sinong makakalimot sa marangyang pamumuhay ng dating Unang Pamilya habang ang karaniwang pamilyang Pinoy noong '70s at 80's ay lugmok sa kahirapan at katiwasayan ng buhay?

Ipinakita ng pelikula ang mga patong-patong na kaso ng Pamilya Marcos hinggil sa pagwawaldas sa yaman at kaban ng bayan. At ginawa pang katatawanan ang 170 bank accounts ni Imelda from all over the world na hindi nya raw magalaw sa kung anong kadahilanan. Natatawa na lang tayo o dapat bang naaawa tayo sa ating mga sarili? Ewan. Basta, sa kabuuan may hatid na lungkot at gigil sa akin ang pelikula.



Nakakalungkot, na may mga batang nagpatotoo hinggil sa kabutihang dulot ng Martial Law sa higit walong taon nitong pag-iral sa bansa. Talaga ba? I wish more testaments like these would come out kahit araw-araw. Mas lalong nakalulungkot ang mga salaysay ng mga biktima ng karahasan at kawalang-kalayaan. At sadyang nakakagigil na hindi lumalim ang pagtalakay ng pelikula hinggil sa bilang ng mga Desparadecidos o mga Pilipinong, nakibaka, nanlaban at tuluyang naglaho sa panahon ng Batas Militar.


Imelda Marcos and her family
At katulad ng pagpapa-kilala ng pelikula; ahh, kilalang-kilala ko na nga si Madam Imelda. For me, she is such a natural act. Hindi nya kailangang umarte-arte, may camera man o wala. Walang bahid ng pagtatago at pagpapanggap ang kanyang katauhan. She is fabulous, she is outlandish, she is lavish, and notoriously, filthy rich. And she made her way to reach to the poor. 

Sa sukdulang pamumudmod ng bente, singkwenta o kahit dadaanin o libo-libo pang pera, unti-unti ay nakuha nya ang kiliti ng mga kapos na maralita. And so, the Filipinos made her, and that is probably the reason why a lot of us still adore her. We perceived her to be both a sinner and a saint. And that perception is so clear and real, even up to this day; makalipas ang higit limang dekada nang pagsamba o pakiki-simpatya. But sadly, sometimes; the truth is always made to hide and seek.


Imelda with husband President Ferdinand Marcos
That's the thing I realized towards the end of the film. As Pinoys, mapagpatawad at madali tayong makalimot. Mabilis tayong mag-move-on sa lahat ng mga pangyayari, either personal o pulitikal ang mga sakit na idinulot ng nagdaan. Is that good? Maybe for the heart, yes; ngunit sa kalusugan ng ating pag-iisip at budhi. Ewan. And maybe we need to look deeper, as collective thinking Filipinos, hindi ba?

Napatawad na natin ang mga Marcoses. Nakabalik na ang ilan sa kanilang angkan sa pamunuan at pamahalaan. At si Bongbong na may kinakaharap ng isyung pang-halalan ay hindi malayong masungkit ang panguluhan. Katulad ng kanyang ama, ang unang hari sa kanilang political dynasty.

As they say, the presidency is a miraculous intervention of the divinity.

And for that, the Kingmaker is a force of her own, for not only she makes a king; she can perfectly design and engineer one for her satisfaction. She has made it in the past, she was instrumental to the present, and the future isn't far away for all the voting Filipinos to imagine.

And when that happens,  I would say...The King Ina Makes It again!"


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply