Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » Gretchen , tiwalang-tiwala kay Claudine kaysa kay Marjorie

Sister love for Claudine and Gretchen





Pagkatapos ng mahabang panahon ng pag-iiringan at tarayan, sweet na sweet na nga talaga sa isa ang magkapatid Gretchen Barretto at Claudine Baretto.

Nitong March 6, ipinagdiwang ni Gretchen ang kanyang 50th birth anniversary sa isang restaurant kasama ang kanyang mga mahal sa buhay, pati na rin rin Claudine.


Claudine is Gretchen's favorite "bunso"
Pinost ni Claudine ang picture ang nasabing okasyon sa Instagram kung saan makikita rin dito na kasama ang partner ni Gretchen na si Tony Boy Cojuangco (na magiliw na tinatawag ni Gretchen na Dada), at mga best friends ng kanyang ate.

Nilagyan din ito ni Claudine ng caption: "Happy happy birthday to my Ate @gretchenbarretto its a Privilege to have u as my Sister.👯‍♀️ i luv u #doubleifinity." Nag-reply naman ni Greta ng heart icon.

Pero wala na yatang hihigit pa sa sweetness na ipinakita ni Claudine sa kanyang ate na gumawa pa talaga ng music video na magkasama silang dalawa. Pinakita rito ang mga luma at bagong larawan nila na magkasama habang pinapa-tugtog sa background ang awiting "Because You Loved Me."

Mula ng magka-ayos ang dalawang magkapatid, lagi ng bumibisita si Claudine sa kanyang ate sa tahanan nito sa Forbes 'o Dasmarinas Village.

At kapag pupunta si Claudine sa bahay ni Gretch, lagi itong may pasalubong na food para sa kanyang ate.

Madalas pumupunta si Claudine kay Gretch kapag nagluluto ito sa kanyang tahanan. Ang tawag nga ni Greta sa kanyang kitchen ay "playground". Aliw na aliw ang kanyang mga celebrity friends kapag nagluluto si Gretchen sa kanyang playground na ipino-post nito sa Instagram.

Mahilig mag-food taste si Claudine sa mga masasarap na niluluto at hinahain ni Greta.


Gretchen loves to cook
Sana ay magka-ayos na rin ang buong Barretto sisters lalo't malapit na ang Semana Santa. Pero papasaan din yan at magkaka-ayos din ang mga magkakapatid. Normal lang naman talaga sa magkakapatid ang nagtatalo at nag-aaway pero sa bandang huli, pamilya mo pa rin talaga ang dadamay sa'yo sa oras ng crisis.

Happy birthday Gretchen Barretto!


*****

Ito na nga ang kinakatakutan ng mga pageant fans - ang ma-kansel ang mga beauty pageants dahil sa corona virus.

Unang nag-kansel ay ang Miss Caloocan 2020 na dapat sana ay gaganapin sa last March 7, pero ayon sa aming source, tinawagan diumano ng Department of Health ang organizers ng Miss Caloocan na huwag ng ituloy ang contest para maiwasan ang crowd gathering na puwedeng pag-mulan ng corona virus.


Bb. Pilipinas 2020 contestants

Hanggang ngayon ay wala pang bagong date kung kailan gaganapin ang Miss Caloocan 2020.

Nauna rito, inurong na rin ang grand coronation ng Bb. Pilipinas 2020 na sa May 31 na originally scheduled for sa April 26.

Dahil unti-unti ng nagkakaroon ng coronavirus cases sa Metro Manila, nangangamba ang ibang beauty contest na baka maapektuhan na rin sila at tuluyan ng kanselahin ang pageants nila.

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply