|
Hindi natin pwedeng itanggi, there was a season in showbizlandia na si Richard Gutierrez ay naging alpha male – leading man ang status, a major showbiz force lalo na kapag katambal niya si Angel Locsin, brand ambassador at literal na buhay na Prince Charming.
Ang sagot sa tanong, no, nada, nay! Richard is proof that the Universe is fair all the time, Hindi lahat ng lalaking kasing kisig at guapo ni Gutierrez ay dapat na maging perfect in all aspects of his life and persona. For now, ang flaw niya ay acting na hindi ko sure kung may chance pa siyang mag-improve, sa totoo lang.
Wala na makakapigil pa sa kasal ng dalawa |
Now, the nagging question? Have you seen the list of godparents for this wedding? Of course, it is a formidable list of the most influential and most powerful, the new moneyed and the old rich, those who are in a position of power and yung mga nagpapanggap na kilala talaga sila sa alta-sociedad.
Thus, I cannot help but wonder, sino nga kaya ang may final approval sa listahan ng mga ninong at ninang para sa kasalang ito? We all know, whether it’s for a baptism, confirmation, and most especially for a wedding , ang major role ng mga ninong at ninang, ay tumayo bilang pangalawang magulang ng mga inaanak nila.
And as the second parents, literal na sila ang tatakbuhan in times of need, counselling and guidance, when the going gets rough for the couple.
Kaya nakakawindang na bakit nga ba kasama sa mga magiging ninong at ninang ay mga politikong convicted sa pandarambong, ilang senador na sunod-sunuran at handang magpakamatay para sa kanilang pinopoon, mga huklubang mayayaman na may alegasyon ng korupsyon at pangangamkam? How can they be second parents to Richard and Sarah kung given na given na they are ruled by their Dark Side?
Mabuti na lamang at mukhang mas marami ang mababait, mabubuti at talagang kagalang-galang at huwaran na nasa listahan kaya sana, sila ang mga bigyang halaga nina Mr. and Mrs. Richard Gutierrez and Sarah Lahbati-Gutierrez.
Sige na nga, mabuhay ang bagong kasal!
No comments: