Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Vice, Arnell, Francine at Brenda: Mga baklush na may kanya-kanyang drama

Vice Ganda, Francine Garcia and Brenda Mage


 Day 71 of the quarantine season and what do we have so far? More number of COVID 19 pisting veerus afflicted equals more deaths, not only in the Philippines but all over the planet and yes, the vaccine is nowehere to be found.

Some say that the cure/vaccine will be available by October, Others declare that it is out in the market by January of next year. When it is finally stamped with approval and produced for mass consumption, the casualties have reached exponential proportions and loss caused by the pandemic will not be a walk in the park especially in terms of recovery and rehabilitation.


Happy togther sa panahon ng COVID-19
Kaya kesa mag-lungkot-lungkutan, libangin muna natin ang ating sarili sa mga kababalagan at kahindik-hindik na pakikipagsapalaran ng mga hindi matatawarang mga baklang knowing na knowing nating lahat.

Pampa-good vibes siempre ang one year and seventh months anniversary nina Queen Bayot Vice Ganda at prince ng kanyang makulay na buhay, si Ion Perez. In gay years, ang 19 months na pagsasamahan nina Jose Marie at Perez ay equivalent to a decade and nine years already kaya masasabing malaking achievement para sa kanilang high profile and mega-scrutinized na pagsasama na nagiging accustomed na ang publiko na may ibinibilang ng taon at maraming buwan ang kanilang different kind of love na magpahanggang sa ngayon, pinagduduhan kung pangmalakasan at may kakayahang maging pangmatagalan,

Let us give credit where credit is due lalo na sa pangyayari na kapuroi-puri na nagiging totoo ang bakla at kanyang minamahal sa pag-amin sa kanilang relasyon,


Arnell vs, Mystica
On to the next bakla, papatulan pa ba natin ang pagsasampa ni Arnell Ignacio ng demanda laban kay Reyna Isplitera Mystica? Hay naku, hindi ko alam kung ano ang gustong patunayan ni Ignacio sa pangyayaring ito at kung anong katarungan ang kanyang gusto makamit para sa poon niyang sinakatan diumano ni Mystica ang pagkatao at yinurakan ang pagkakalalaki nito dahil sa walang patumanggang pagmumura sa kanyang political patron.




Nasa demokrasya naman tayo kaya hindi ko babasagin ang trip ni Ignacio pero sa true lang, ang ginawa niyang ito, and I am not saying Mystica should and must be praised as a heroine of truthfulness and the speaker of the outcasts and down trodden, leaves a sour taste in the mouth. Mas mapakla pa sa milk of human ! Hahahaha!


Brenda Mage, Spencer Capistrano and Francine Garcia
Ang mas savage, ang patutsada ni Brenda Mage, one of the baklas na nakikilala kahit paano sa Ms. Q and A portion mula sa It’s Showtime laban sa isang vlogger na sikat daw pala pero parang sila-sila rin lang naman ang nakaka-alam, si Spencer Capistrano na ang dating parang male bold star from the pene movies of yore.

Damay sa equation ang SuperSiReyna Francine Garcia dahil siya ang nag-facilitate sa chikahan kung saan may pag-amin si Brenda na she felt na binastos siya sa pananabla ni Spencer. Super crush ng bakla ang vlogger at gusto niya itong makilala with the hope na maging friends sila nito. Kaso ang hombreng papasa na maging pene actor, sinabihan ang Brenda na siya ay tantanan nito. Siempre hurt ang bading ayun, pinaglaruan ang homme sa video exchange nila ni Garcia and end result, super bashed ang lalaking ang tanging naging kasalanan lamang ay inayawan ang baklang hindi kumikilos ayon sa kanyang ganda.

Ang mga bakla talaga, ayaw magpaawat sa pamemewang at pag-iinarte kahit nakaka-quarantina na at may nananalantang pandemya. Mabuhay



Dennis at Jennylyn: Mayroon bagong dibersyon

Dennis and Jennylyn



 Kahit naka-quarantine sa bahay, busy pa rin ang Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa pag-aasikaso ng kanilang mga negosyo. 

Sa katunayan, si Jennylyn mismo ang punong-abala sa kanyang cookie business. 

“Wala naman kasing p'wedeng mag-handle nu'n so sa ngayon ako 'yung naghahawak ng mga orders tapos delivery. Happy naman ako na ako 'yung humahawak ng mga ganito. Tinutulungan din ako ni Dennis.” 

Dennis and Jennylyn, happy together sa love at negosyo
Pinaghahandaan na rin nila ang pagbubukas ng kanilang cat cafe at salon. Kwento pa ni Jen, happy at proud siya dahil natupad ang pangarap niyang maging baker dahil sa pamamalagi sa bahay habang mag lockdown. Kaya naman siya mismo ang nag-bake ng birthday cakes nila ni Dennis para sa kanilang nakaraang kaarawan. 

“Ngayon halos wala namang nagbebenta ng cake so wala kaming choice. Ako rin gumawa ng birthday cake niya tapos ako rin gumawa ng sarili kong birthday cake. Favorite ko kasi 'yung carrot cake.”

Maging si Dennis ay nahilig na rin sa pagbe-bake katulad ni Jen.

“Mahilig kaming manood ng videos onine so naghanap kami ng mga recipe para gumawa ng mga sarili naming cake tsaka mga pizza, tinapay.”

*****

Sa recent online interview kasama ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose, naibahagi niyang on-going pa rin ang online auditions para sa The Clash Season 3. 

Hanggang June 28 pa ang auditions at masugid raw ang pagsi-screen sa mga nagpapadala ng entries.
Julie Anne
“Kasi may mga nagsa-submit po na parang hindi maganda 'yung quality or hindi maganda 'yung tunog, so kailangan mai-screen po lahat 'yun. And then lately nag-livestream po kami with The Clash. Tapos na-explain naman din po 'yung mechanics kung ano po 'yung do's and dont's doon po sa pag-o-audition din po.”

Natanong rin ang The Clash Master kung handa na ba siya sakaling mag-taping na muli ang programa.

“Hindi pa po kami nabi-brief about that, pero right now mas naka-focus muna kami ngayon sa online content po namin. Kasi madami din po nagsa-submit ng mga entries nila and audition tapes, so ini-screen naman po namin lahat 'yun."

Para sa mechanics, pumunta lamang sa official Facebook page ng ‘The Clash’.

*****

Sa mga panahon ng hirap at kagipitan gaya ngayon na may kinakaharap na krisis sa buong mundo ay mas higit na makikilala natin kung sino ang ating tunay at tapat na kaibigan. 

Sa latest YouTube vlog ng Kapuso talent na si Benedict Cua, tinalakay nito kung paano nga ba makakahanap ng tunay na kaibigan at kung dapat na bang putulin ang mga relasyon na hindi na nakakabuti sa sarili. 

Benedict Cua
Ang tunay na kaibigan ay kung hindi ito nagpapadala sa peer pressure at kayang irespeto ang iyong desisyon.

“Doon mo mate-test kung totoo silang kaibigan 'eh kapag ni-reject nila 'yung 'No' mo and they didn't respect your decision, then you might as well stay away.

“A true friend would also love unconditionally. In general, kapag nagkamali ka, mage-gets niya kung saan ka nanggagaling and pagsasabihan ka niya pero hindi ka niya gagawing enemy.”



Thai BL: Patok sa mga Pinoy Bekis

The main stars of the Thai BL "Love by Chance"and "Tharn Type" 




 I just new what Love is When I Met You, one of the phrase that Sarawat utter to Tine during the last episode ng pinag-usapan at kinabaliwan ng mga sangka Bekihan na 2gether Series. Oo, natapos na ang serye nung May 15 pero mananatili sa mga fans ang saya at kilig na dinulot ni Sarawat at Tine. Sigaw ng fans na mgkaroon ng season 2 ang series. 

Speaking of Season 2, dahil sa biglang sikat ng BL series at talaga namang minahal na ng Pinoy ang mga Thai BL series. Anong BL Series kaya ang papatok sa Pinoy?

Sa ngayon meron ng dalawang confirmed Thai BL series na maaring maipalabas ngayong taon para sa kanilang season 2 dahil sa patok na seaon 1 ng dalawang serye. Nagkalat na din ang pictures at video ng kanilang workshop para sa new season. 

Cast of the Thai BL "Love by Chance"
Una na ang Love By Chance, it's a 2018 Thai LGBT drama series based on My Accidental Love Is You. Pinagbidahan ito ni (Perth) Tanapon Sukumpantanasan bilang Ae at (Saint) Suppapong Udomkaewkanjana bilang Pete. Ang series ay storya ni Ae at Pete na accidentally nagkakilala sa University at unti unting nahulog sa isa't-isa. Dahil sa Past Love Life ni Pete na di maganda to the rescue naman si Ae at sadyang kilig ang dinulot ng dalawa sa pagtatapos ng season 1 ng series at ang di malilimutang kissing at bed scene ng dalawa. 

Pero biglang nalungkot ang nag-aabang na fans sa bagong season ng Love By Chance dahil hindi na magsasama ang ka love team ni Perth na si Saint. Pumutok ang isyu ng di pagkakaunawaan ng Managers ng dalawang bida. Anyway, mahilig naman tayo sa mga twist so yan ang dapat naten abangan sa serye. 

Second ay ang Tharn Type Series, is a 2019 Thai romantic drama television series starring Suppasit Jongcheveevat (Mew) and Kanawut Traipipattanapong (Gulf). Storya ito ni Type na isang homophobic na ngkaroon ng ka room mate na isa palang Beki at ito ay si Tharn. Nagsimula sa away, asaran ngunit natapos din sa pagmamahalan dahil di din naiwasan ni Type na ma fall at mapamahal kay Tharn. 

"Tharn Type" cast
Tulad ng Love By Chance, madami din ang pinakilig ng dalawa at malamang na elyahan sa Kissing at bed scene dahil na din sa mga katawang kanin na lng ang kulang. Confirmed na din ang pagsasama ulit ng cast ng season 1 sa bagong season at ngpapa audition pa para sa bagong characters. 

Dapat abangan ito ng Pinoy Beki Fans dahil sa magandang storya nung unang season. Ang tanong maging ganun din kaya kalakas ang impact sa viewers tulad ng 2gether Series. 


Singer Zendee: Sumali sa kulto

Zendee





 Malaking social media platform na ang Tiktok lalo na sa panahon ng quarantine, at ito ay naging sikat sa pagpapalabas ng mga nakakaaliw ng vidoes tulad ng pagsasayaw, pagkanta, comedy skits at marami pang iba. At tulad ng malalaking social media, ito rin ay pinupuntahan ng mga artista, singers, at iba pang sikat na personalidad upang gumawa ng kung anu-anong content.

Iba-iba ang mga pakulo sa TikTok upang makuha ang attensyon ng mga gumagamit nito. Bukod sa comedy, trending na sayaw, mga effects at filter na nakaka-aliw, at minsan nakakatakam na cooking videos, ay makikita din ang mga "collab" ng mga creator nito upang gumawa ng mga content na mas magigng trending sa TikTok.

Zendee, sikat sa TikTok
Isa sa pinakamaraming followers sa Pilipinas ay ang singer na si Zendee na gumagawa ng maraming hugot monologues at parody na kanta tulad ng version ng "Tala" ni Sarah Geronimo na may lyrics na inakma sa buhay quarantine. Binuhay nito ang kanyang mga fans at nagkaroon din ng mga bagong tagahanga sa pagdami ng followers.

Kamakailan napasama na rin siya sa isang "kulto" sa TikTok. Hindi ito tulad ng literal na kulto ng relihiyon kundi isang pagsasama-sama bilang isang grupo at ipakita ang pwersa nila sa TikTok. Nagsimula ang TikTok cult sa Amerika kung saan milyun-milyon na ang kasapi.

Pero hindi papatalo ang mga Pilipino dahil sa biglang paglobo din ng mga nagti-TikTok. Ilan sa mga pinakamalaking Pilipinong content creators ang nagsama sama para buuin ang kultong "YACULT". At target nito na mag-recruit at sumali sa mga "comment battles" para malaman sino ang mas ma-impluwensya.

Zendee with Ellen Degeneres
Sa mga comment battles na ginagawa nila, bawal ang racist, hate, at bullying na comments na sinusunod ng lahat ng cults. Sa kasaluyukyan, napapansin na ang YACULT ng TikTokers sa Amerika.

At kahit kasama sa kyulto si Zendee patuloy pa rin siya sa sariling style ng kanyang content, at paminsan-minsan ay ipinapakita din niya ang gaming siya sa pagkanta. Inaabangan na rin sinong celebrity ang susunod na sasama sa YACULT.


Sam at Catriona: Pag-ibig sa panahon ng veerus

Sam Milby and Catriona Gray



 It’s an intriguing revelation from Sam Milby, especially now that we are in the time of COVID-19. If you’re a fan, you’ve probably have seen his post, which is likely a declaration. And it say’s “Worth every second of the wait. Most special birthday yet♥.” Talaga nga naman worth every second of the wait, ikaw ba naman mabingwit mo ang atensiyon ng pinakamagandang bituin sa buong universe eh tingnan ko lang kung hindi ka magtatalon sa tuwa.

Hindi man directly sinabing sinagot na sya ay masasabi mo naman may dahilan para matuwa dahil sa mga words na ‘worth’ at ‘wait,’ idagdag mo pa yong mga comment ng mga ilang kaibigang artista ni Sam na sina Moira saying na ‘GOD-WRITTEN LOVE STORY’; John Prats na ‘Happy ako para sa inyo!!! Alam mo yan!!!; at Angelica Panganiban na may kilig saying ‘Ayiiie! Happy birthday sam! Very very happy for the both of you!’ So sino ba naman ang mag-iisip pa ng iba tungkol sa post na yon. Kaya alam nyo na!

New lovers Sam and Catriona
Pero ang nakakapagtaka lang kung paano nangyari ang dibdibang ligawan kung naka-lockdown at naka-quarantine tayo. Magkapitbahay lang ba sila? Ang alam ko lang ay churchmate sila. Anyways, kapag in love ang sabi nga “hahamakin ang lahat” kebir kung si COVID-19 ka pa basta in love si Sam sa pinakamaningning na bituin sa buong universe. At hello, meron po kayang social media, may zoom, at lalong lalo na may phone. So, ano pa ba ang hindi mo pwedeng magawa para hindi siya makausap?

Isa pang nakakapagtaka, bakit parang wala akong nakikitang post sa social media account ni Catriona pertaining to the post of Sam Milby. Hmmm.... ano ba talaga ang score?

So, sa ngayon at sa malamang ay nasa ulap pa si Sam at ninanamnam ang kung ano mang confirmation na iyon.


Alfred Vargas: Nausyami ang pelikula dahil sa COVID-19

Alfred Vargas



  Actor-politician Alfred Vargas, representing the 5th district of Quezon City, had been closely monitoring the activities in his district since the lockdown was imposed last March 15.

“We have been providing help to those in need and we have 24 hour monitoring in our district. We provide relief operations every day using our personal resources and some partnerships with friends,” said the Ten of Outstanding Young Man awardee of 2019.

“We have our donors naman pero medyo mahirap din kasi konti lang naman ang resources natin. Nakatutok tayo sa pagtulomg sa mga tao at sa pagmo-monitor.  Tinututukan ko rin ang pangangailangan ng mga villages,”pahayag pa ng actor.


Congressman Alfred Vargas of the 5th Dist. of Quezon City

Ayon pa kay Alfred, umaabot sa libo-libo ang natatanggap niyang messages every day na karamihan ay humihingi ng tulong o kaya naman ay advice kung saan sila ahensiya ng pamahalaan sila pwedeng lumapit.

Dahil sa lockdown, mas maraming oras para sa kanyang family at sa ibang concerns si Alfred. PInaghahandaan niya ang posibleng pagpapalabas ng Tagpuan, ang pelikula nila nina Iza Calzado at Shaina Magdayao na napiling entry sa supposed first Summer Metro Manila Film Festival.

“Worried kami kasi ang tagal di pa rin kami naipapalabas. Sana nga maipalabas this year.  Wala pang masyadong makakapag shoot muna so hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ng MMDA kung kailan ipalalabas ang mga pelikula naming,” said the actor.

‘Naiintindihan namin na importante ang safety nating lahat. Safety first and unahin muna ang mga mas importanteng bagay like kung paano natin mapipigilan ang pagkalat ng Covid-19. Pero hopefully, the MMDA can come up with a decision kung kailan maitutuloy ipalabas ang mga pelikula.


Alfred's film with Iza Calzado and Shaina Magdayao
Confident naman ang award-winning actor na maipalalabas din ang Tagpuan if not this year ay baka early next year. 

Magaganda raw ang line-up ng movies na napili at maaring sabik na rin ang mga tao na manood ng pelikula. Pero mahirap lang kasi need ng social distancing.

Dapat sa ay nakatakdang mag-shoot si Alfred ng isa pang movie before the lockdown pero as of now ay on hold ang project.

Ano ang una niyang gustong gawin pag lifted na ang lockdown? 

Well, ang unang-una, magbaba-bike kami ng buong family. Dito lang sa loob ng 


subdivision tapos kakain kami sa labas . Yun lang muna, isang simpleng family dinner sa labas. And since modified quarantine na rin, sinamantala ko na ang opportunity na mag diet ako kaya todo diet ako ngayon at todo workout din ako. At exercise,” kwento pa ng actor.


Alfred with Iza and Shaina for the film's media conference
Hindi siya natutuwa sa problemang idinulot ng COVID-19 pero if there is one thing na pwede niyang ipagpasalamat sa nangyari ay nagkaroon siya ng time sa kanyang family at sa kanyang sarili.

“Since college, lagi akong puyat, pagod at stressed.Pero ngayon nakapagpahinga ako. Naalagaan ko ang sarili ko at ang family ko. Lagi kaming sabay na kumain at ,ay time pa ako to read books. ‘Yung mga bagay na na di ko nagagawa dahil walang time, nababawi ko na. Kaya feeling ako after this time, I am better version of myself,” pagtatapos niya.



Coco: Patuloy pa rin iniintriga

Coco Martin




 Ito ang limang shocking and controversial news na involved si Coco Martin, Ang actor-director ng longest running Pinoy TV series of the decade na 'Ang Probinsyano'.

Una na rito ay bading siya at pumapatol siya sa bading, dahil matindi ang man-to-man scenes sa first big role niya sa indie films. Breakout role niya ang 'Masahista' (2005) which made him win the Best Actor Awards sa Young Critics' Circle in 2006. Nasundan ito ng roles na may torrid scenes with fellow men sa 'Serbis' at 'Daybreak'.


Coco's 'Masahista" international post
Minsan din siyang na tismis na diumano may issue tungkol backer niya na bading kaya dumami ang kanyang projects. Nadawit si John 'Sweet' Lapus kasi sinabi niya dati na gusto niyang mainterview si Coco for Showbiz Central. 

Two, the questions na gusto niyang itanong dati kay Coco ay kung pumatol na ito sa bading at kung willing ito pumatol.

Isa sa lalong nagpa-curious sa mga tao sa gender ni Coco ay ang role niya sa MMK in 2009 sa episode titled 'Boarding House' where he started opposite Derek Ramsay.

Second issue of course, na very recent lang,yung ay yung pambubuhos ng tubig sa crew issue na inopen-up ni Robin Padilla pero kinlarify ng mga katrabaho ni Coco like Arjo Atayde na biruan lamang sa set kasi nga 

sobrang close nila. Isang crew member from sa 'Juan Dela Cruz' ang nag-testify ng good working relationship with him despite nabuhusan ng tubig.

Ang pangatlo ay ang issue ng suntukan niya niya with Matteo Guidicelli sa after-party ng Star Magic Ball 2011 dahil kay Maja Salvador. Hindi ito dineny ni Maja at inamin niya ang relationship nila ni Matteo noong time na yun. Ayon sa isang source ay nagstart ang tension because Coco kissed Maja on the lips but dineny yun ni Maja. 'Minsan Lang Kita Iibigin' pa lang daw ay si jealous na si Matteo kay Coco dahil ipinartner ito kay Maja sa teleserye na yun. Si Matteo daw ang nag-umpisa ng suntukan ayon sa witness.

Pang-apat ay ang video rant niya na social media where he spoke out against those who issued a cease and desist order laban sa Kapamilya network.

Of course, ang pang-lima sa list na siya ring ating Top 1 ay ang issue na nabuntis niya diumano si Julia Montes. Ito ay lumabas when Julia decided to take a long break with her biological father sa Germany.

Coco-Julia, may iililihim pa rin

May nagcirculate pa nga na photo si Coco kasama si Julia pagkapanganak nito at looking so happy kaya inisip ng netizens na matibay yung evidence pero todo deny si Coco.

Para sa writer na ito eh sa lahat ng napanood niyang interviews ni Coco ay matipid ito palagi sumagot o may agam-agam sa mga maiinit na issue na ibinato sa sa kanya. The only time na I remember na siya'y nagkwento talaga ay tungkol sa rivalry issue nila ni Vice at naging tampuhan after Best and the Bestie, which was not that major of an issue.

At present ay nali-link si Coco Martin ay Yassi Pressman at strong na strong pa rin ang CocoYass fandom na nabuo dahil sa chemistry ng two sa 'Ang Probinsyano'.

Speaking of buntisan, halos kabuwanan na nina Bangs Garcia at Iya Villania so may incoming "Covid-19 babies" ang showbizlandia.


*****

Ang first comedy show put together via Zoom ay ang 'Tawa Tawa Together', led by Showtime writer and stand-up comedian Alex Calleja.

Inamin niya na kahit may nagsusulputang viral comedy stars ay di siya threatened kasi nga need nila i-sustain yung ikinasikat nila. Inexample niya si Dante Gulapa na nag-eagle dance hanggang magsawa ang mga tao.


Alex Calleja, magpapatawa online
Based sa media day held a few days ago ay sina Sophia Reola, Chunsa Jung, at DJ Rex Ricamara ang inaabangan ng mga tao.

Isa sa mga nabanggit in connection sa Pinoy humor ay kung how people just laugh off the delayed ayuda and the social distancing na uso ngayon.

It doesn't mean na di natin sinseryoso but that is just the way Pinoys make light of difficult situations.

Mapapanood ito for free via iWant ng ABS-CBN.