Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » Alfred Vargas: Nausyami ang pelikula dahil sa COVID-19

Alfred Vargas



  Actor-politician Alfred Vargas, representing the 5th district of Quezon City, had been closely monitoring the activities in his district since the lockdown was imposed last March 15.

“We have been providing help to those in need and we have 24 hour monitoring in our district. We provide relief operations every day using our personal resources and some partnerships with friends,” said the Ten of Outstanding Young Man awardee of 2019.

“We have our donors naman pero medyo mahirap din kasi konti lang naman ang resources natin. Nakatutok tayo sa pagtulomg sa mga tao at sa pagmo-monitor.  Tinututukan ko rin ang pangangailangan ng mga villages,”pahayag pa ng actor.


Congressman Alfred Vargas of the 5th Dist. of Quezon City

Ayon pa kay Alfred, umaabot sa libo-libo ang natatanggap niyang messages every day na karamihan ay humihingi ng tulong o kaya naman ay advice kung saan sila ahensiya ng pamahalaan sila pwedeng lumapit.

Dahil sa lockdown, mas maraming oras para sa kanyang family at sa ibang concerns si Alfred. PInaghahandaan niya ang posibleng pagpapalabas ng Tagpuan, ang pelikula nila nina Iza Calzado at Shaina Magdayao na napiling entry sa supposed first Summer Metro Manila Film Festival.

“Worried kami kasi ang tagal di pa rin kami naipapalabas. Sana nga maipalabas this year.  Wala pang masyadong makakapag shoot muna so hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ng MMDA kung kailan ipalalabas ang mga pelikula naming,” said the actor.

‘Naiintindihan namin na importante ang safety nating lahat. Safety first and unahin muna ang mga mas importanteng bagay like kung paano natin mapipigilan ang pagkalat ng Covid-19. Pero hopefully, the MMDA can come up with a decision kung kailan maitutuloy ipalabas ang mga pelikula.


Alfred's film with Iza Calzado and Shaina Magdayao
Confident naman ang award-winning actor na maipalalabas din ang Tagpuan if not this year ay baka early next year. 

Magaganda raw ang line-up ng movies na napili at maaring sabik na rin ang mga tao na manood ng pelikula. Pero mahirap lang kasi need ng social distancing.

Dapat sa ay nakatakdang mag-shoot si Alfred ng isa pang movie before the lockdown pero as of now ay on hold ang project.

Ano ang una niyang gustong gawin pag lifted na ang lockdown? 

Well, ang unang-una, magbaba-bike kami ng buong family. Dito lang sa loob ng 


subdivision tapos kakain kami sa labas . Yun lang muna, isang simpleng family dinner sa labas. And since modified quarantine na rin, sinamantala ko na ang opportunity na mag diet ako kaya todo diet ako ngayon at todo workout din ako. At exercise,” kwento pa ng actor.


Alfred with Iza and Shaina for the film's media conference
Hindi siya natutuwa sa problemang idinulot ng COVID-19 pero if there is one thing na pwede niyang ipagpasalamat sa nangyari ay nagkaroon siya ng time sa kanyang family at sa kanyang sarili.

“Since college, lagi akong puyat, pagod at stressed.Pero ngayon nakapagpahinga ako. Naalagaan ko ang sarili ko at ang family ko. Lagi kaming sabay na kumain at ,ay time pa ako to read books. ‘Yung mga bagay na na di ko nagagawa dahil walang time, nababawi ko na. Kaya feeling ako after this time, I am better version of myself,” pagtatapos niya.



«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply