Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Traidor sa Bayan: "I don't see anything wrong singing Iisang Dagat."- Imelda Papin

Maffi Papin and former Jukebox Queen Imelda Papin




 Hindi masikmura ni Noble Queen Universe International Maffi Papin Carrion ang mga panlalait at bashing sa kanyang dear mother na si Camarines Sur Vice Governor Imelda Papin matapos itong kantahinsa isang new recording titled "Iisang Dagat (One Sea)" kasama ang ibang Chinese singers.

Kung anu-ano ang tinawag sa Sentimental Songstress na nagpasikat noon ng mga kantang "Bakit? (Kung Liligaya Ka, sa Piling ng Iba," "Isang Linggong Pag-Ibig," at marami pang iba. Tinawag silang traitor at hindi makabayan.


Noble Queen Universe International Maffi Papin Carrion 
Sa mga hindi familiar sa chika, ganito ang nangyari: inimbitahan si Imelda na umawit ng "Iisang Dagat" kasama ang mga Chinese personalities. Ang project ay isang unity song sana para sa Pilipinas at China pero hindi naging maganda ang peg nito sa ibang Pinoy lalo't pinagtatalunan ngayon ng dalawang bansa ang West Philippine Sea.

Foul ang bashing ayon kay Maffi dahil isa lang naman ang gustong mangyari ng kanyang mother: magkaisa ang lahat.

"People judged prematurely before fully understanding the song. And it truly breaks my heart with how they are reacting. I understand having the freedom of speech which everyone is entitled to on any level. However when you start 

condemning people that is a different story," ayon kay Maffi. "The bullying is so inhumane by a lot of our kababayans that it is unfathomable."

Alam naman daw niya ang issue tungkol sa West Philippine Sea pero hindi naman daw kailangan umabot sa mga below-the-belt ang bashing.

Kung hahantong naman daw ang issue na ito sa digmaan sa darating na panahon (huwag naman sana), sa Pilipinas pa rin naman daw siya kakampi.

Kinumpara ni Maffi ang awiting "Iisang Dagat" sa OPM classic na "Isang Mundo, Isang Awit" na pinasikat ni Leah Navarro at nanalong first prize sa Metro Manila Popular Music Festival noong 1980.

Proud din si Maffi na napili ang kaniyang mommy dear sa international song na ito na sinulat ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.


Former Jukebox Queen Imelda Papin
Ka-jamming ni Imelda sa kantahan sina Chinese diplomat Xia Wenxin, Filipino-Chinese singer Jhonvid Bangayan, at Chinese actor Yubin.

"Ang awitin na 'Iisang Dagat' is about pagkakaisa, pagtutulungan, at pag-asa. Parang 'Isang Mundo, Isang Awit.' Sa lahat na singers sya ang pinili. Ano'ng masama po doon artist sya? Secondly, maganda naman ang lyrics - its all about unity- pagkakaisa, pagtutulungan at pag asa. Eversince, unity has been her advocacy kaya tinanggap nya po ang project," ayon kay Maffi.

Sinabi rin ni Maffi na walang bayad ang kanyang mommy sa project.

"My mom didn't even charge a single cent from this. It’s purely out of love, care and unity especially during this critical time. The morale of the people is so low dahil hindi natin nakikita ang kalaban dito sa COVID 19. Kaya baka yong boses na binigay ng Diyos sa kanya makatulong sa pagbigay inspiration man lang sa iba at tumaas ng konti ang kanilang moral."
The mother and daughter team of Imelda and Maffi
Sa isang statement na inilabas ni Imelda, sinabi niyang walang masama sa ginawa niyang recording kasama ang mga Chinese stars.

"I was requested to sing and the only Filipino singer that was chosen by no less than the China Ambassador Xilian as one of the singers together with the Chinese stars with no pay at all. Not a single cent was given;

"With all sincerity as an artist, I accepted to join the recording because I don't see anything wrong singing a unity song. I don't see anything wrong singing 'Iisang Dagat',

"COVID-19 is the main reason why I would also like to join the other Chinese stars. It is now that we need to be united and help one another for we do not see our real enemy," ayon kay Imelda. 


Alden Richards: Nagpapa-sexy para kay Bea

Alden Richards




 Dahil sa enhance community quarantine nagkaroon ng time sa sarili ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para mag-exercise.

Kinumpirma ng Kapuso actor bago pa man nagkaroon ng lockdown na magkakaroon sila ng bagong project ni Bea Alonzo sa ABS-CBN.

Dagdag pa-abs pa si Tisoy
Sa isang interview sa sexy hunk sabi niya: "Parang first time ko na-star struck pero ngayon ang sarap sa feeling na idol mo lang dati, katrabaho mo na ngayon. So ang sarap lang ng experience. Sobrang daming blessings this year," kuwento niya abhput Bea.

Hindi pa pwede sabihin ang ilang detalye tungko;sa bagong proyekto ni Alden sa ABS-CBN.
Kinakailangan lang daw niyang i-prepare ang sarili like ang i-improve at mapanatiling maganda ang  kanyang katawan.


More muscles for Bea
Hindi vocal sa pagwo-workout ang actor kaya nagulat ang mga fans nang masilip ang kanyang socmed account habang siya ay nage-exercise.

Sabi niya:“Tinago ko po kasi siya, eh kumbaga hindi ko pinakita na nagpre-prepare ako. Minsan lang ako mag-selfie sa gym pero mga dumbell dumbell lang. Pero hindi po talaga ako nagpakita para sana surprise.”

Dagdag pa ng Kapuso actor, “Parang I owe it to myself naman kasi ilang taon ko ng sinasabing gusto kong magka-abs pero puro drawing lang. So ito po talaga pinilit kong gawin,pinilit kong magkaroon. Hard work, effort tsaka dedication. Diet po talaga.”

Ang ideal weight ngayon ng actor ay nasa 160 pounds na lang.
  




Ormoc Mayor Richard Gomez, dapat tularan

 Mayor Richard Gomez



 Action speaks louder than words.This is how Ormoc City Mayor Richard Gomez works on a day to day basis even before COVID-19 affected the lives of Filipinos nationwide. 

Sa totoo lang, nu’ng una, nakukumpra pa si Mayor Richard sa ibang bagitong mayors na laging bida at pinupuri ng mga netizens sa social media. Well, it didn’t affect him at all, because he knows that his constituents believe in him and the work he puts in for the people of Ormoc.


The hardworking at madiskarte Mayor of Ormoc
Nitong nakaraang linggo laman ng balita si Mayor Goma dahil sa good vibes niyang dala hindi lamang sa mga Ormocanons kundi pati na sa buong bansa. Ito ay dahil sa pa-bigas ni Mayor. Aba, namigay siya ng tig-isang kabang (1 sack) bigas sa tig-isang household sa Ormoc at iba pang supplies na hindi na kailangang magpalista pa ng mga tao sa barangay o munisipyo. Katwiran ni Mayor Goma, ang ECQ o Enhanced Community Quarantine ay isang emergency state ng bansa. 

Making a list is just a waste of time, baka matapos lang daw ang ECQ ay hindi pa matapos ang pamimigay ng donasyon.

Puring-puri si Mayor Goma hindi lang ng taga Ormoc kundi pati ng ibang netizens worldwide. Ayan, mas lalong pressure ito sa ibang local officials na galingan pa ang performance nila lalo pa’t very observant at competitive na ang mga tao ngayong may social media na. Congrats again, Mayor Goma!

*****

Ang ECQ o lockdown ay panahon din ng pagpapakita ng malasakit sa kapwa at pagsi-share ng blessings. Siyempre, kanya-kanyang kuwento ng donasyon ang mga artista para sa mga kababayan at frontliners nating in need. 

Isa si Ara Mina sa iilan who generously and willingly gives her time, resources and effort to those affected by this lockdown at maging sa mga ospital sa Manila at Luzon ay nagbibigay si Ara ng donasyong pagkain, gamot at iba pang supplies. 

Ara Mina: Nagmagadang loob, natarayan pa
Last week, Ara thought of giving away some cosmetics at kasama ito sa kanyang self care kit for her two chosen hospitals. Ito ay bukod pa sa food, masks at iba pang binibigay niya. 

May ilang nag-appreciate pero may isang nurse na hindi nagustuhan at nag-comment pa sa post ni Ara na, “Thank you. But at this point, make up is not on top of priorities. Food is more essential for their daily needs.

” Nagpaliwanag si Ara na ito ay gift at bonus na sa mga items kasama ng food na naunang ipinamigay niya. Sadly, na-misinterpret ito ng ibang tao. Haaay.


*****

Aliw kami sa vlog ni BB Gandanghari sa You Tube huh. Living alone sa Los Angeles CA si BB at ngayong lockdown pa rin doon, she makes use of her time cooking, doing household chores and running errands. (I watch her show on YouTube. Nakakaaliw-Ed).


Bb. Gandang Hari
How true, dedma daw ang mga kamag-anak niya sa kanya nung na fake news na pumanaw na siya? As in, wala man lang daw may nakaalalang kamustahin siya even through private messaging sa social media? Ayun, kaya emote si BB pero bilib kami kasi matatag pa rin siya. Go, girl!

Bea-John Lloyd: Kulitan sa socmed, kilig sa fans

Bea Alonzo and John Lloyd Cruz



 Sunod-sunod ang viral sa social media nina John Lloyd Cruz at Bea Cruz.


Una ay ang exchanging text na naging usap-usapan ng mga netizens dahil sa pinost ng actor na photo ni Bea.


Totohanan na nga ba?
Nakita ni Bea ang picture at nag-comment siyang 2019 pa raw kuha ang nasabing picture niya. Then the next day ay ang post ng Kapamilya actress ng famous line ni Marie Curie mula sa libro nito ang nakita ng mga followers ng perennial loveteam.

Nag-follow ang mga Bea-Lloydie fans and they discovered  that the two are exchanging messages.

Post ni Bea: “I remember a line I read from Marie Curie ‘Nothing in life is to be feared. It is only to be understood. Now is the time to understood more, so that we may fear less’ NOW more than ever.”

May komento ang handle na @dumpsitegallery (alam ng fans ay si Lloydie) “Marami rin ako naalala @beaalonzo.”

Sagot ng actress:”mukha nga (smiley emoji) magandang alaala naman?”

Muling sumagot si @dumpsitegallery “@beaalonzo karamihan oo napangiti ako :) pero meron din hindi napaisip ako.


Ready na ma-in love with the right guy?
Nagbiro si Bea, “napadpad ka sa bagong post ko ah. Pagod ka ng kakahalungkat ng past photos?

Sumagot ang actor, “pagod na.”

“Saan,” reply muli ni Bea.

“Sa maraming bagay,” sagot ni Lloydie.

Sinabihan siya ng actress na “huuhhhh… drama.”

“Sana nga drama lang ‘to,” sabi naman ni JLC.

Dito na siya tinanong ni Bea at tinawag sa kanyang  true name: “okay ka lang Idan?”

Ang sagot ng actor ay hindi inaasahan ni Bea “@beaalonzo pwede tumawag?...”

‘Yan ang palitan ng mensahe ng dalawang sikat na celebrity na grinab ng kanilang fans at pinost sa social media.

Then, suddenly ang actor naman ang may post sa kanyang social media account na picture hindi mukha kundi dalawang magkapares ng paa.


Totoo na kaya ang nararamdaman ng aktor?
Hugot lines ang caption na nilagay ni @dumpsitegallery (as is): “Dalawang magkaibigan Unahan nang unahan. Ang dalawang paa Malaon nang nagsusunod Hindi pa nag-aabot. Binte”

Totohanan nakaya ang feelings ni Basha at Popoy?
According to their followers mga paa raw ‘yun nina Bea at John Lloyd na kuha sa isang nagawa na nilang proyekto.

Una nang ini-announce nina Bea at Lloydie na may gagawin silang proyekto na ang magdidirek ay si Antoinette Jadaone.


 Ang netizens ay hindi naniniwalang dahil sa project kaya lagi raw nagkakausap ang dalawang sikat na celebrity.


Sa comment section nga ng socmed account ni Lloydie may nagtanong kung :sila na ba?’
Sinundan ito ng nakakaintrigang sagot ng isang commenter,  “Teh matagal na sila lampas sa 3 month rule.”


Ansel Elgort: Gagayahin ng mga Pinoy Hunks

Kiko Estrada, Marco Gumabao and Tony Labrusca



         
As expected, the enhanced community quarantine in metro and mega-Manila and 12 high risks areas has now been extended up to May 15. What happens now then?

My biggest puzzlement and wonder still, where the heck is the cure, antidote or medicine that will be used to combat and eradicate this pisting veerus? When will it be available for mass consumption knowing the fact that the chaos and havoc it has inflicted has reached bibilical proportions already?

Sexy Ansel Elgort in the raw for a cause
Kaya nga hindi na ako nagtaka, kung bakit ang mga ilang celebrities, lalo na sa Hollywood are doing creative means para makapa-fund raising para sa mga tao in general, at sa scientific community in particular, para nga once and for all, this madness finally ends.

Ang pinaka-bonggang payanig so far ay ang kay Ansel Elgort, ang Hollywood hottie na una tayong pina-iyak at pinakilig sa The Fault in Our Stars. Hindi lang siya best sa kapogian dahil may Best Actor in a Motion Picture — Comedy or Musical nominee siya sa Golden Globes para sa Baby Driver. Abangers na rin ang musical theater aficionados sa kanyang pagiging Tony sa West Side Story na remake at directed ni film master Steven Spielberg.

Sa Instagram photo, walang saplot sa shower si Elgort at ang kanyang ari , kamay niya ang panabing, trimmed ang pubic bush.

May caption sa litrato na: "OnlyFans LINK IN BIO” na ank link ay sa GoFundMe page para sa Brooklyn For Line. More than $212K na and counting ang nalikom ng nasabing fundraise, Sadly, conservative pala ang IG at pinatanggal ang hubad na litrato ni Elgort.
           
Thus I cannot help but wonder, sino kayang artistang Pinoy na lalaki ang magkakalakas ng loob para sundan ang payanig ng Hollwood A-lister para malikom ng pondo para rin sa ating frontliners?
           
Ang drama lang sa Pinoy pictorial, walang kamay na ipantatakip sa ari-arian lalo na nga’t basta hindi erect ang penis, in its flaccid state ito, hindi considered na pornographic.
           
Albie Casino, kering-keri magpaka-Ansel
Ang unang tatlong artistang lalaki na bet kong makita ang flaccid penises nila in all its glory for a good cause ay sina Tony Labrusca, Marco Gumabao at Kiko Estrada.
           
Sino kaya sa tatlo ang classic, jumbo at giant ang size of his phallus pag hindi pa galit at naghuhumindig?
           
Panalo rin kung si Paulo Avelino at Albie Casino ay hindi mangingiming ipangalandakan ang kanilang mga natutulog pang ari-arian?
           
Pwedeng-pwede rin sina Yves, Jerome at Gerald
Eh sina Jerome Ponce at Yves Flores na diumano, na caught in the act daw ni Gerald Anderson while masturbating together during a taping lull, papayag kaya silang patunayan sa lahat kung sino ang mighty meaty at tender juicy?
           
Ang mga supreme beefcake, sina Piolo Pascual, Derek Ramsay at Dingdong Dantes, hindi ba nakakatuyo sa lalamunan to imagine them posing while their cocks and testicles are dangling?
           
Eh ang mag-beh dati na nagpakilig sa ating lahat dati, sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, ang kanilang respective jowas na sina Jennylyn Mercado at Carla Abellana, hindi kaya ipagramot ang kapirasong laman nila Rodriguez at Trillo.
           
Panahon na nga ba para ganitong nude photos fund raising activities featuring all these hombres delicioso?
      

CENTERSTAGE: Heroes in The Hot Zone, Espesyal ng ABS-CBN DocuCentral





Yes, we need to brace ourselves now that the enhanced community quarantine has another extension. How we deal with this reality, it is up to all of us to make the most of it.

And how do we begin to embrace this new phase, by making it trend in Twitter with a dramatic hash tag, #ECQ Season 3, yes we are one in enduring and surviving this turn out.

Kaya nga nakakatuwang malaman na sa darating na Linggo, isang natatanging documentary film for television ang ipapalabas sa ABS CBN kung saan hindi lamang bibigyang mukha at tinig, kundi mapapanood natin ang mga natatatanging kwento ng sakripisyo ng ating COVID-19 frontlines.

Our Frontliners
Paano nga ba lumaban sa giyera nang hindi mo nakikita ang kalaban? Ano ang mga hirap na dinaranas ng mga nasa gitna ng panganib? Ilan ito sa mga nagbabagang katanungan na bibigyang diin at kasagutan sagot ng napapanahong dokumentaryo mula sa ABS-CBN DocuCentral, ang  “Heroes in the Hot Zone,” na ipapalabas sa Kapamilya Network ngayong Linggo (Abril 26) ng 9 pm.


Sa dokumentaryo, si Ginoong Raphael Bosano ang magbabahagi kung gaano katindi ang epekto sa buhay nating lahat ang COVID-19 virus at tatlong doktor ang ang magkwekwento ng kanilang mga karanasan.

Ang unang doctor, dadalhin tayo sa triage tent kung saan gingawa ang COVID-19 testing, hanggang sa kaguluhan sa emergency room, at nakapangingilabot na katahimikan sa mga kwarto kung saan mag-isang nilalabanan ng mga pasyente ang sakit.

Rafael Bosano of ABS-CBN DocuCentral
Makikilala rin sa dokyu ang isang magiting na doktor na pumanaw dahil sa coronavirus, matapos niyang isakripisyo ang kanyang oras para sa pamilya at kalusugan para magbigay serbisyo sa mga Pilipino. 

Ang panghuli, ang isang doktor na gumaling mula sa sakit para mas maintindihan pa ng mga manonood ang sakit na COVID-19 at kung paano niya ito natalo.

Dahil sa COVID-19, hindi maiiwasang isipin na tila nasa gitna ng digmaan ang buong mundo ngayon kung saan mga health worker ang nagsisilbing mga sundalo na taga-depensa ng tao sa kalaban. Sa bawat sabak nila sa panggagamot ay nalalagay din sa alanganin ang kanilang buhay, ngunit pinipili nilang lumaban para mas marami pang buhay ang mailigtas.

A doctor and survivor of the deadly COVID-19 tells his story
Ayon sa tala ng Department of Health (DOH), umabot na sa 700 na health workers ang nagkasakit dahil sa coronavirus. Ang masaklap pa rito, kasama sa mga namamatay ang mismong mga doktor at nars na nangangalaga sana sa may sakit.

Tiyak na inspirasyon at pag-asa ang ating makukuha sa Heroes in The Hot Zone kaya huwag kaligtaang panoorin ang espesyal na dokumentaryo tungkol sa COVID-19 pandemic at bayani nating frontliners ngayong Linggo, 9pm sa ABS-CBN at iWant.


Mylene Dizon: May kalalagyan after the lockdown

Mylene Dizon





 May bagong career na raw si Mylene Dizon kapag na-lift na ang ECQ. Ito ay ang maging barbera!

Bukod sa pagtatanim, natuto na raw si Mylene maggupit ng buhok at ang unang naging customers niya ay ang boyfriend na si Jason Webb.



Mylene and partner Jason Webb
Dahil nga sa lockdown, sarado ang mga barbershop at walang choice ang ibang kalalakihan kundi ang pakiusapan ang kanilang partners na bigyan sila ng trim para sa kumakapal nilang buhok.

Sa in-uplod na video ni Mylene sa Instagram, naging masterpiece daw niya ang paggupit sa buhok ni Jason.

Dahil success si Mylene sa ginawa niya, sunod daw papasadahan niya ng gupit ay ang buhok ng kanyang dalawang boys na sina Tomas at Lucas.

*****

Hindi nakauwi sa Las Vegas si Asia's Nightingale Lani Misalucha dahil dito na siya inabutan ng lockdown sa Pilipinas.

Kaya habang wala pa itong trabaho, ang condo na tinitirhan nila ng kanyang mister ang siyang naging project ni Lani. Puwede na raw siyang tawagin na Home Repair Diva.

“Dahil nasa loob lang tayo ng bahay, siyempre, maghahanap ka ng puwede mong magawa, 'di ba? So sa kakakalikot namin dito, may mga nakikita kaming puwedeng ayusin tulad ng aircon. Imbes na magtawag kami ng repairman, kami na lang dito ang nag-ayos at naglinis ng aircon. Ngayon mas okey na ang takbo niya.


Lani Misalucha
“Marami pa kaming ginawa rito na repairs na ikinatutuwa namin dahil nagiging bonding moments namin iyon," sey pa ni Lani.

Isa namang expert na gawin ni Lani ay ang magluto at araw-araw na raw niyang nagagawa ito hindi tulad noon na sobra siyang busy.

“Marunong naman tayong magluto at kahit noong nasa Amerika tayo, ako ang namamalengke at nagluluto roon para sa mister ko, sa mga anak ko, at sa mga apo ko. Kapag nasa Pilipinas lang ako napapahinga magluto dahil puwede namang mag-order kahit saan.

“Pero sa panahon ngayon, it's better na ikaw na ang magluto dahil mas makakasiguro ka na kinakain mo. Though puwede pa rin namang magpa-deliver, pero mas okey pa rin 'yung ikaw na ang humaharap sa kusina," diin pa niya.

Nagiging abala lang ni Lani ay ang paghandog ng kanyang pag-awit sa ilang live stream shows. Looking forward din siya sa 3rd season ng The Clash na nagsimula na ang online audition noong nakaraang April 4.

*****
Extended ulit ang ECQ (enhanced community quarantine) sa NCR hanggang May 15 kaya para mawala ang pagkabagot, naghanda ang GMA Network ng mga bagong panonoorin sa April 26.

Sa Kapuso Movie Festival, palabas ang animated action-adventure comedy movie Open Season, tungkol sa grizzly bear named Boog na na-stranded in the woods during Open Season. 

Palabas din ang Mission: Impossible (Rogue Nation) ni Tom Cruise bilang si Ethan Hunt.

Sa GMA Blockbusters palabas ang romantic-comedy film ni Aga Muhlach and Regine Velasquez na Of All the Things. Kuwento ito ni Umboy, isang notary public attorney at ang raketerang si Berns.

Palabas ang horror flick na Malikmata ni Rica Peralejo sa Sunday Night Box Office (SNBO).